Chapter 17
"Susunduin ka ni Lairgren?" si Eris nang natapos na ang practice namin bandang ala una y media.
Marahas ang pagpunas niya ng face towel sa mukha. Kahit may lilim kasi sa puwesto namin ay nasa likuran siya banda palagi nakapuwesto dahil sa position namin. Hindi na siya naabutan ng anino ng puno kaya halos maligo na siya sa pawis ngayon.
"Uh, I'll text him pa po."
She was standing two steps across from me. Isinampay niya ang towel sa balikat at nagsimulang sikupin ang buhok. Her eyes squinted at me.
"Kapag nakita niya 'yang nangangamatis na ilong mo, what are you gonna say?"
Lalong ayaw ko tuloy magpasundo kay Kuya Lair sa itsura ng ilong ko. Tumigil na ito sa pagdudugo kanina pa pero ang pamumula ay hindi pa nawawala. Siguro lalo lang na-flat pero ayos lang, ilong pa rin naman siya.
I pouted and sat on the stairs. "Wala po."
"Ha? Anong wala?"
"E, ano ang sasabihin ko kung hindi naman siya nagtanong? Ang sabi mo ay kapag nakita niya lang ang ilong ko, ano ang sasabihin ko. Wala namang tanong doon kaya wala akong sasabihin," paliwanag ko.
She groaned and pulled her hair to tighten her ponytail.
"Understood na dapat 'yon! My gosh! He'll probably go ballistic kapag nakita niya ang ilong mong ganiyan." Umirap siya at may hinanap ng tingin sa mga kaklase. "Pst! Sino nga ang nakatama ng bola kay Nuala?"
Napatayo ako at hinawakan si Eris sa braso. Nagturuan na ang mga kaklase kong nakakita kanina, kabilang na 'yong mga naglalaro kanina. Blood drained on Denise's face when I spotted her. May ilang tumuturo sa kaniya at ang iba naman ay pinagtatanggol siya.
"Ikaw ba, Denise? Ikaw?" si Eris sa tonong naghahamon. "Wala pa 'ko sa mood kanina makipagtalo dahil late ako, ah. Ba't mo naman tinamaan ng bola 'tong kaibigan ko? Kita mong mas malaki pa 'yang bola ng volleyball kaysa sa mukha niya, e. Gusto mo bang isumbong kita sa syota nito?"
Ngumiwi ako at hinila siya lalo sa braso. Isn't she tired yet from our practice that she still has the energy to start a bad blood with our classmate? Ako nga na wala pa yatang isang oras nang nag-start ang practice kanina at puro pagsasalita pa lang ay pagod na.
"I already said sorry! Hindi ko naman 'yon kasalanan saka hindi naman 'yon maiiwasan kapag naglalaro ng volleyball!" Denise defended herself.
"Ano... okay lang po! Eris, hayaan mo na kasi—""Hoy! Bobo ka lang sa paglaro kaya ka nakatama!"
"Oh, shut up! We won't have to play only if you all arrive on time! Late ka na nga, e! Kung maaga kayo dumating, hindi kami maglalaro at walang matatamaan!"
Isang marahas na hila sa braso ay nakawala si Eris sa hawak ko. Nanlaki ang mata ko nang walang pasubali siyang humakbang patungo kay Denise na napaatras agad. Si Chinggay ay sinubukan na ring lumapit para pigilan ang kaklase namin.
Pancho blocked Eris' way with his arms aloft on his side. "Tama na 'yan—"
Isang tulak ni Eris ay napagild si Pancho. Naabutan ni Eris si Denise at agad nitong hinila ang kuwelyo ng suot na shirt. Eris was tall as Pancho, probably around five-eight or so, whilst Denise was petite. My blood ran cold when I could see Eris' determination to punch our classmate on her face.
"Eris!"
"My late arrival hurt no one. E, ikaw? Maaga ka nga dumating, nakasakit ka naman ng iba? You should have arrived later than me! Nang sa ganoon, hindi mo natamaan ang kaibigan ko!"
BINABASA MO ANG
Woven on Time (Student Series #3)
Любовные романыStudent Series 3: Filipino Time Punctuality seems less important in a society where being late is viewed as a negative yet normal culture. Some students grow up exercising Filipino Time habit that silently expresses impoliteness and disrespect to th...