Chapter 29
"Vio, you're late!"
"Alam ko, gago!"
Napatalon ang balikat ko sa sigaw ng kaklase kay Kevin na napahawak sa dibdib habang nanlalaki ang mga mata. Matunog niyang isinara ang pamaypay na hawak at itinuro iyon kay Vio habang lumalapit dito hanggang sa ihampas niya sa ulo nito.
"Minumura mo 'ko? Minumura mo 'ko?"
Tumatawa si Vio habang lumalayo sa class beadle namin. "Aray! Isusumbong kita kay Principal! This is violence against fellow student!"
"Kapal ng apog nito! Ikaw na ang late, ikaw pa matapang!"
They entertained me for a while, but I realized that Vio deserved Kevin's beratement like those other late comers. Magkakahalating oras na kasi ang lumipas sa binigay na oras ni Kevin pero kulang pa kami ng kinse. I was here thirty minutes before the meeting time.
"Mas okay na ma-late kaysa hindi dumating." That was his usual reason, tulad ng iba.
Umusli ang labi ko. Napaisip tuloy ako kung pagdating ng panahon na nagtatrabaho na kami, ganito pa rin kaya ang mantra nila? Why does being late seems much better than being punctual?
I continued stitching. They have their own businesses that I could not relate to. Nasa kubo kami sa may oval dahil dito magpa-practice ulit.
"Oh, oh, hindi mo ako puwedeng tanggalin, ah? Dalawa pa lang ang late ko!" rason ng isang kaklaseng kadarating lang ulit pero nakatanggap na ng hampas ng pamaypay sa braso galing kay Kevin.
"Subo mo."
Napaatras ang ulo ko nang biglang may lumitaw na kamay sa tapat ng bibig ko. Hindi naman ako tuluyang nauntog sa sandalan ng inuupuan dahil may humarang sa likuran ko.
"Subo mo na."
It was Kuya El, and across my mouth is an opened pack of O-Puff. Bahagyang nakalabas ang marshmallow kaya kinagat ko iyon at tuluyang isinubo. Rinig ko ang ngisi niya at pagbukas ng isa pang pakete ng O-Puff.
"Subo mo pa 'to." Natatawa na siya ngayon.
Humagalpak sa tawa 'yong isa naming kaklase na tumutugtog ng gitara kanina. "Putang ina nito ni El!"
Sinubo ko iyong binigay niya. Puno na ang bibig ko nang may isa pa siyang inilapit sa bibig ko. Dahil hawak niya ang ulo ko sa likod, wala na akong nagawa kung hindi ibuka ang bibig. He shoved the marshmallow into my mouth, laughing.
"Good girl," he whispered in my ear.
He let go of my head. Napalingon ako sa kaniya nang ipatong niya ang dalawang kamay sa sandalan sa gilid ko. The veins on his arm protruded as he hauled himself from the ground. The soft and chewy mallows in my mouth got stuck in my teeth as I gawked at him when his butt finally landed on the space beside me.
"Oh, late rin si El, ah? Hampasin mo rin ng pamaypay!" si Vio habang umiinom sa tubigan ng kaklase namin.
"He's not late," sabi ko sa busog na bibig kaya hindi masyadong naintindihan.
"Hindi 'yan late! Kanina pa 'yan sila! Mag-attendance ka na nga!" sigaw ni Kevin sa kaniya.
Inayos ni Kuya El ang itim na crossbody bag at inilagay ang kaliwang braso sa likuran ko. Humarap siya sa akin at nagtaas ng kilay habang pinagmamasdan akong ngumuya. Kinuha niya ang kaniyang phone sa bag at pagkatapos pumindot doon ay iniharap niya ang likod nito sa akin.
I stared at it for a few seconds.
He smirked, and then he poked my cheek. "May pinanood ako kagabing palabas. Kamukha mo 'yong isa sa mga bida roon."
BINABASA MO ANG
Woven on Time (Student Series #3)
RomantizmStudent Series 3: Filipino Time Punctuality seems less important in a society where being late is viewed as a negative yet normal culture. Some students grow up exercising Filipino Time habit that silently expresses impoliteness and disrespect to th...