Chapter 26
"Don't worry, Ate Tala! I'll be right here in the front row so you wouldn't have to be mousy while performing! I'll pray every night so you won't get into trouble, too!"
May performance kami sa Filipino. Role playing ng Ibong Adarna. Sa classroom lang naman namin gagawin iyon pero kinakabahan pa rin ako. Mabuti na lang at nandito si Twyla para i-cheer ako.
"Tss..." Humalakhak si Kuya El sa tabi ko. "Namomroblema ka pa diyan, e, puno ka lang naman."
I pouted. Twyla was my immediate rescue.
"E, ano naman po kung puno lang siya? Haharap pa rin siya sa mga tao kaya normal lang po na kabahan!" sabi ng pinsan ko at hinagod ako sa likod. "Hayaan mo na po siya, Ate Tala. Kain na lang po tayo sa labas!"
I nodded at her and my eyes caught Kuya El's amused eyes. Umismid naman siya agad at tumingin sa labas ng bintana.
"Mga bata talaga..." Umiling-iling pa siya.
We are in the 7th grade and unfortunately, he's still my classmate. Buti sana kung classmate ko rin sina Twy, Kuya Rain, at Kuya Wai, kaso ay hindi. Silang tatlo lang ang magkaklase. And my poor soul has to endure another school year with Kuya El and his banters.
My cousin and I sashayed our way down our building with our linked arms. I'm being extra careful with my junk intake since the last time I had street foods with Kuya Wai, I was sent to the hospital the next day. One week din akong na-confine dahil sa dyspepsia.
"Psst! Bubwit!"
Our head swirled in Kuya Wai's direction. Palakad siya papunta sa amin nang nakangisi habang nakabuntot si Kuya Rain sa kaniya at abala sa phone nito.
"Saan kayo pupunta? Akala ko tinatamad kang lumabas?" he asked as they stopped in front of us before he drifted his eyes to my cousin. "At ikaw? Kinain mo ba 'yong bigay ko?"
Tumingin ako kay Twy na medyo namumula ang pisngi. "O-opo. Share po kami ni Ate Tala. Lumabas lang po kami kasi nakakainis si Kuya El!"
"Suntukin ko, gusto mo?" Tumatawa pa si Kuya Wai na agad binatukan ng pinsan. "Magtataka na lang siguro ako kung 'di nang-iinis ang isang 'yon. Pero saan kayo pupunta? Sama ako..."
Humagikgik ako sa unang banta niya. Puro na lang naman siya banta na susuntukin si Kuya El pero nahuli ko naman sila noon sa isang computer shop malapit sa school, nagkakatuwaan. Magkakakampi yata sila roon kasama si Kuya Rain sa isang laro.
I knew it! They secretly adore each other and their way of bond is through bickering. Behind our backs, they get along with each other. Tapos si Kuya El, kahit nang-iinis pa rin sa amin ni Twyla, iba na ang binu-bully niya. Ewan ko kung bakit pero karamihan ay puro lalaki. Kailan kaya siya titigil sa gawaing iyon?
Sasagutin ko na sana si Kuya Wilder kaya lang ay naunahan na ako ni Kuya Rain.
"Hindi mo na dapat tinatanong 'yan, Wai." Ngumisi si Kuya Rain at ibinulsa ang phone bago tinapik sa balikat si Kuya Wai. "Pupunta muna akong library. Kikitain ko si... alam mo na kung sino."
Lagi siyang may kinikita sa library pero wala kaming alam ni Twy kung sino at sanay na rin. Madalas, silang dalawa ni Kuya Wilder ang magkasamang pumupunta roon sa library. May ginagawa yata silang kung ano.
Sumama sa amin si Kuya Wai kaya nalibre pa kami ni Twyla. My cousin and I were both problematic because of it. Nakakatuwa kapag may nanllilibre sa amin pero ayaw namin pareho ng palagi. Para saan pa ang allowance na ibinibigay sa amin kung may tao lang ding nag-uubos ng pera niya para sa amin na galing pa sa magulang niya.
"How is your relationship with Lei's son going?" si Mommy nang nakauwi ako sa araw na iyon at ipinatawag agad sa library.
Still wearing my uniform and yellow bag, I sat on the single couch in front of her table. Her tone was demanding, and the question threw me off.

BINABASA MO ANG
Woven on Time (Student Series #3)
RomansaStudent Series 3: Filipino Time Punctuality seems less important in a society where being late is viewed as a negative yet normal culture. Some students grow up exercising Filipino Time habit that silently expresses impoliteness and disrespect to th...