Chapter 38
Hindi mahulugang karayom na ang kusina nang pumasok ang lahat ng bisita roon. Bukod sa marami, ang lalaking tao pa karamihan. Lalo pa noong dumating na ang bisitang tinutukoy ni Mama kanina. Karamihan ay malapit na kaibigan niya at ni Tita Lei.
"This is my best friend, Diamond, and her husband Kuya Miko. Parents nina Aji at Axe. They are one of your godparents," pormal na pakilala ni Mama roon sa dalawang hindi ko pamilyar kanina.
Ninang Dias smiled and hugged me. "Happy birthday! Finally, the other celebrant is here!"
"Thank you po, Ninang Dias."
Bumaling ako kay Tito Miko na halos tingalain ko nang magsalita ito habang may dalang pinggan. They haven't setled on the table yet.
"Nineteen ka na, 'di ba? Grabe, tagal mong nawala, ah? Pero ba't 'di ka lumaki? Hindi ka siguro nag-vitamins, ano!"
"Uh, I'm taking vitamins po. 'Di po siguro effective sa akin ang iba," kontra ko.
"Miko naman!" saway ni Ninang Dias sabay hampas sa tiyan ng asawa kaya napaubo ang huli. "Kumain ka na nga lang diyan."
"E, ano bang ginagawa ko? Mukha ba akong tumatae?"
Ngayon ay ang bibig naman niya ang hinampas ng asawa. I was still giggling when Mama guided me to another pair. Kumukuha sila ng pagkain. Ngumiti agad 'yong babae sa akin na ngayon ay nakikinita ko na kung kaninong nanay. Pinakilala sila ni Mama bilang si Tita Isha at Tito Vince, mga magulang nina Ate Izzy at Kuya Raghnall. Pare-pareho ko rin pala silang mga ninang at ninong!
"Kilala ka ni Izzy. Matagal na ba kayong nag-uusap? Hindi ka pa kasi napadpad sa bahay kahit noon, e."
"Ilang beses pa lang po kaming nagkita at nagkausap," sagot ko kay Tita Isha.
"Pumunta ka rin sa bahay minsan! Sasabihin ko kay Izzy para naman maipagluto kita." She smiled sweetly.
"She's a chef, anak," ani Mama sabay ngiti. "Karamihan sa mga pagkain dito ay silang dalawa ni Izzy ang nagluto."
"Talaga po?" Gumawi ang tingin ko sa mesa. Ang dami nito, ah?
"Tumulong naman kayong dalawa ni Harley, Rap." Humalakhak si Tita Isha at hinila ang braso ni Tito Vince na kumukuha ng balat ng lechon. "Third, batiin mo naman nang maayos si Tala."
"Teka..." Kinain muna ni Tito Vince 'yong kinuha niyang balat ng lechon bago humarap sa akin at ngumisi. "Maligayang kaarawan, 'neng! Naalala ko pa noong paslit ka pa lang, iniwan ka sa 'kin ng magaling mong tatay saglit tapos inihian mo na ako sa mukha!"
My eyes widened and my cheeks flamed. Tumawa nang mahina si Mama sa gilid ko at si Tita Isha naman ay sinaway ang asawa.
"You still remember that, Kuya Vince?" Mama asked in between chuckles. "That was like... almost eighteen years ago!"
"Oo, ah! Akala ko cupcake ibibigay sa akin pagkatapos ko magbantay, free shower pala!" Humagalpak si Tito Vince at bumaling ulit sa akin. "Hindi ka naman na siguro umiihi sa kung kanino, Tala?"
"H-hindi po!" Umiling ako nang mabilis.
"Ikaw pa mas makulit sa kambal mo noon. Ngayon, mukhang ikaw pa rin." Tumawa siya lalo.
"Kambal po?" Nakakunot na ang noo ko.
Hindi na siya nakasagot nang lumapit na sa amin si Tita Lei at agad akong niyakap at kinausap. Soon enough, the other expected visitors came and emerged into the dining room.
Ang mga naunang bisita ay lumabas tuloy para hindi magkagulo sa loob. Mama introduced me to their friends one by one, including their children. Most of them are their college friends. They are too many that I couldn't remember all their names.
BINABASA MO ANG
Woven on Time (Student Series #3)
RomanceStudent Series 3: Filipino Time Punctuality seems less important in a society where being late is viewed as a negative yet normal culture. Some students grow up exercising Filipino Time habit that silently expresses impoliteness and disrespect to th...