Chapter 45

509 17 0
                                    

Chapter 45

Dinala ko ang platito sa sink at lumabas ng kusina. I found the two cats running around the living room. Sometimes, Tart would stop running and Rio would do the same. Titingin si Tart sa kalaro tapos tatakbo ulit. Hinahabol naman siya ni Rio.

My bottom lip thrust out as I sat on the couch. I watched them until Tart jumped on my lap, purring. Rio hopped on the couch beside me, too, and meowed at Tart.

Ngumiti ako at habang hinihimas ang katawan ni Tart, hinawakan ko naman ang ulo ni Rio. Tahimik naman siya at mabait din.

"Huy, manliligaw ka pa lang daw, ah. Huwag mong bubuntisin ang pusa ko!" I told him and then turned to my cat. "At ikaw, magpahabol ka lang, ah? Huwag kang marupok. Hindi pa ako ready magkaapo."

Umupo sa gilid ng hita ko si Rio Grande. I stroked his head to his body when my finger got caught into something around his neck. Kinapa ko iyon at nahawakan ang manipis na bagay. Natigil ako sa paghaplos sa kaniya at tinitigan ang kulay brown na nakatali sa leeg niya.

Ngumiyaw siya nang ikutin ko ang kuwintas at nakita ang palawit nitong leaf clover. It looked so familiar. I dipped my neck to check the pendant further when I heard my father's voice calling our dogs. Galing sila sa second floor at ngayon lang palalabasin ulit. Tapos na sigurong kumain.

Natigil si Papa sa paahan ng hagdanan at humarap sa amin. Lumabas naman sina Mama at Engineer Merrick mula sa kusina. Tumigil ang huli sa harapan ni Papa para magpaalam umuwi. Si Mama naman ay lumapit sa amin.

"Anak, uuwi na raw sina Rio at Lairgren. Ihatid mo sila sa labas."

Nalaglag ang panga ko. "Po?"

"Ihatid mo sila sa labas. Sige na..." nang-uudyok niyang sinabi.

Lumapit si Engineer Merrick sa amin. Ang tingin niya ay na kay Rio agad, kung saan nakahawak pa rin ako sa kuwintas nito. Seryoso ang mga mata niyang bumaling sa akin.

"Uuwi na kami ni Rio, Miss Blaustein," aniya sa malamig na boses.

"Ihahatid kayo nilang dalawa ni Tart sa labas," dagling sinabi ni Mama.

Tipid na ngumiti ang kausap niya. "Ayos lang kahit hindi na po."

"Hindi. Ihahatid nila kayo, 'di ba, Skyricharm?" Ngumiti sa akin si Mam.

Oh... she called me by my name. Wala akong nagawa kung hindi ang tumango na lang. Kinuha ni Engineer Merrick ang carrier bag na nakapatong sa tabi ng center table at ipinasok doon si Rio Grande.

"Baby Riri!" Mama called my attention.

Napatayo ako at binuhat na si Tart. Nagpaalam at nagpasalamat ulit si Engineer kay Mama bago ako tumalikod sa kanila at naunang maglakad patungo sa pintuan namin. I could hear his light steps behind me as my cat clung on my one shoulder, peeking on my back.

Nalagpasan ako ni Engineer Merrick at binuksan ang pintuan. He gestured his head so I went outside before him. After closing the door, he caught up with my space and walked beside me. Suot niya sa harap ang bag at mas mataas ng kaunti ang lebel ng salamin nito sa paningin ko.

"Sigurado ka bang ayos lang dumalaw ulit si Rio dito?" biglang tanong niya.

Huminto kami sa huling palapag ng hagdanan at nagharap. Banayad ang tingin niya sa akin habang nakayuko nang kaunti at nakatingala ako sa kaniya. Since there were still lights around us, I could clearly see his blue eyes glinting with anticipation. Only this time, it seemed darker because of shadowed lashes.

I gave him a slow nod. Umigting ang panga niya at bumigat ang pagkurap nang hindi inaalis sa akin ang bughaw na mga mata. The slow movement of his throat had my eyes focused on his neck.

Woven on Time (Student Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon