Chapter 21
Nakatago ako sa pader sa labas ng room namin, malapit sa pintuan. I peeked inside through the window and scanned the room for a possible angry-at-Nuala Eris.
"Hoy!"
Suminghap ako at napatili nang may humawak sa balikat ko. I sprung back from my spot and waved at her hellaciously. Kumunot ang noo ni Eris sa akin.
"Hello, Eris! Good morning!" I beamed, still waving my hand so she seized my wrist to immobilize it.
"Ginagawa mo pa rito? Ba't sumisilip ka pa sa room natin at hindi na lang pumasok?"
"Uhm, hinahanap po kita sa loob. Galit ka ba sa 'kin?" I asked her directly. "Kung oo... sorry po! Hindi kita sinasadyang indian-in kahapon! N-Nawala lang sa isip ko k-kasi uhm... si Kuya Rain saka si ano... uhm... teka po—" I rambled.
"Nuala—"
"I'm truly, deeply, genuinely sorry, Eris!"
My apology only heightened the confusion in her eyes. Binitiwan niya ang kamay ko at humalukipkip. Ngumiti ako at pinagdikit ang palad sa harapan.
"Sorry para sa'n?" She tilted her head to the left without breaking our eye contact.
"Because I stood you up?" Kasasabi ko lang kanina sa ibang salita.
She frowned and scratched her right eye. "Hindi mo 'ko in-indian, 'te. Hindi naman ako pumunta kahapon sa Centris. Halika na nga sa loob!"
She grabbed my wrist and pulled me behind her as we entered our room. Hinawakan niya ako sa balikat at tinulak para iupo sa aking silya habang nakatingala ako sa kaniya.
"Hindi ka rin pumunta sa Centris? E 'di in-indian po natin ang isa't isa?" pagkukumpirma ko.
Nagpamaywang siya sa harapan ko. "Parang gano'n nga."
"But you said your heart is broken—"
"Hep! Teka! May ipapakita ako sa 'yo!" excited naman niyang sinabi ngayon. "'Wag mo nang pakialaman ang puso ko dahil buo na siya ulit ngayon."
She threw her bag in her chair, opened it and drew out a black notebook with a hardbound cover. Umupo siya sa tabi ko at binuklat ang notebook sa armrest ko. Nabasa ko agad ang nasa unang unang page na nakasulat sa malalaking titik at apat na linya: HOW TO BE A GROWN UP WOMAN. Sa ibabang parte ng pahina ay nakasulat naman kung para kanino iyon at kung sino ang nagsulat.
Para sa 'kin. Iniakda ni Eris.
"Para sa'n po 'yan?" Sabay tingin ko sa kaniya.
Ngumisi siya at dinutdot ang daliri sa papel. "Ayan, o. Ang laki ng title. Ginawa ko 'to dahil bored ako sa buhay."
"Paano ka naman naging bored? 'Di ba may business ka, Eris? Nabo-bore ka ba sa business mo?"
"Hindi! Ano ka ba!" Tinampal niya ako sa braso. "I wrote and made this for you because you need it."
"Why would I, Eris?"
"Do you mind if I tell you something frankly?"
Umiling ako. "You are always frank, Eris. What's the difference now?" I jutted out my lips.
Hinawi niya ang buhok sa balikat at hinilig ang kaliwang braso sa mesa ko. She stared at me solemnly.
"For your age, you act and think like a child. Most of the time. I mean, it is okay to be childish and childlike at times. Childish because you're foolish and silly and childlike because you are too innocent and trusting."
Bumaba ang tingin ko sa kaniyang dibdib, iniisip ang sinabi niya.
"Your naïvete will jeopardize your life. You need to grow up. And growing up begins in our mind. I will just be here to guide and help you cultivate your thoughts and action. If you don't grow up, you'll stick to the level where small minds are easily manipulated by cruel people hiding behind saint facades."
BINABASA MO ANG
Woven on Time (Student Series #3)
RomanceStudent Series 3: Filipino Time Punctuality seems less important in a society where being late is viewed as a negative yet normal culture. Some students grow up exercising Filipino Time habit that silently expresses impoliteness and disrespect to th...