Chapter 19

501 32 21
                                    

Chapter 19

Defense mechanisms are techniques to cope with stress and anxiety. One of the most primitive defense mechanisms is denial. Akala ko noon, basta salita lang ito na nakikita sa dictionary at binabanggit ng mga tao. That the meaning itself lacks depth and pure superficial.

Pero ngayong pinag-aaralan namin ito sa subject na Philosophy, may mas malalim pa pala itong kahulugan. When in denial, we refuse to accept the reality that makes us feel vulnerable or jeopardizes our sense of control. Because the moment we lose it, it will be the time that we no longer recognize the person that reflects in the mirror.

Nakakatakot masaktan. Pero mas nakakatakot kapag nawala ka sa sarili mo.

Siguro ang isa sa tipikal at simple na halimbawa ng pagiging in denial ay ang nangyari ngayon. I ain't sure if I was under a jinx, but surely, today isn't my lucky day. Hindi rin siguro mamaya... o sa mga susunod pang mga oras.

"Psst! Ayos ka lang?" Nagtawanan ang isang grupo ng estudyante.

May mata naman sila tulad ko. Paniguradong nakakakita rin sila tulad ko dahil kung hindi, magtatanong ba sila ng ganoon? Pero ewan ko ba. May sense of sight nga sila, pero nagkulang naman yata sa ibang sense. Like... common sense? Sinong nadulas sa hagdan ang tatanungin ng, "ayos ka lang ba?" at mag-e-expect ng sagot na, "ayos lang"?

"Ayos lang," sagot ko pa rin nang hindi tumitingin sa kanila.

Ayos lang, may paa pa naman at hindi naman naputol ang binti. Simply denying that it hurt me will prevent further embarrassment and questions. Kasi kapag sinabi kong hindi ako okay, may gagawin ba sila para umayos ako? Siguro ang iba, posibleg tumulong. Pero ang tawanan ka agad dahil naaksidente, walang pag-asa. Isa pa, kasalanan ko naman. I was clumsy thus I fell on the stairs.

"Nuala..."

Tumuloy ako sa paglakad na parang walang narnig. Before I could turn to proceed down the stairs, someone captured my hand. Napaatras ako at nilingon si Kuya Lairgren na bukas ang polo kaya kita ang puting statement shirt na panloob.

His hair grew longer. Mapupungay ang mga mata sa ilalim ng mahabang pilikmata. He had two black studs on his left ear now. Humilig pakanan ang kaniyang ulo habang pinagmamasdan ako.

"Uhm.. hi!" bati ko at ngumiti. "May sasabihin ba kayo?"

His tongue cruised over his lips. "Pauwi ka na ba? Ihahatid na kita..."

Napaawang ang bibig ko. It's been two months since he had left our house. He was no longer my bodyguard but I ain't sure if he was still my friend. Siguro ay hindi na rin... at ayos lang sa akin iyon.

"Kuya Rain will pick me up," I replied while smiling and tugging my arm from his hand. "Mauuna na po ako."

"Mauuna ka na? Huwag, bata ka pa." He smirked.

Umirap ako.

Bumaba na ako ulit pero naramdaman kong sumunod pa rin siya. Hinayaan ko na lang at dumiretso na sa parking lot kung saan nakaparada palagi ang sasakyan ni Kuya Rain. Nag-text kasi siya na may meeting lang siya saglit at susunduin din ako rito sa building namin. But I told him I'd just wait him at the parking lot.

"Hihintayin mo pa ang driver mo?" patuyang parinig ng sumusunod sa akin nang sumilong ako sa ilalim ng puno malapit sa sasakyan ni Kuya Rain.

Hindi ako sumagot nang tumabi siya sa akin habang nakatayo pa rin. Humalukipkip siya at humarap sa akin.

"Noong ako ang sundo mo, kahit kailan, hindi kita pinaghintay," aniya.

I glanced at him. "Nakikisabay lang ako kaya wala akong karapatang magreklamo."

Woven on Time (Student Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon