Chapter 12

653 29 24
                                    

Chapter 12

"Kawawa naman ang batang bilog," pang-aasar ni Kuya Lair habang sinusundot ang kaliwang pisngi ko. 

Iniwas ko ang mukha sa kaniya at pinunasan ang pisngi gamit ang puting panyo. I've been bawling my eyes out and I let him see that. I wanted him to know that I wasn't happy with what he did but I was trying to understand. Hindi ko lang alam kung bakit iniyakan ko.

"Galit ka pa?" medyo natutuwa pa ang tono niyang tanong.

Balak kong hindi siya kausapin kaya kahit naiinis ako sa kasusundot sa pisngi at pang-aasar niya, hindi ko siya tinitingnan man lang. 

Humalakhak siya. "Ayaw mo na akong kausapin? Galit ka nga?"

Hindi! Ngumuso ako at kinain ang isinagot sa isipan. I'm irked, but not mad. 

Lumiko kami nang narating ang kanto ng hallway na tinatahak. It's our first day in school and we're both in our uniform. Maayos ang pagkakasuot ko sa aking uniform habang siya, tanggal ang suot na necktie at nakabukas pa ang lahat ng butones ng white polo, revealing his black inner shirt. Buhat niya ang bag namin sa magkabilang balikat dahil pauwi na kami. 

Humanities and Social Sciences o HUMSS ang napili kong strand under Academic Track since TVL-HE only offers three specializations. Ayon kay Kuya Lair, mas mabuti na raw na itong HUMSS ang kunin ko para kung sakaling gusto ko ngang ituloy ang pagiging guro ay hindi na rin ako mahihirapan sa kolehiyo. Mag-enroll na lang daw ako sa TESDA ng short courses para mahasa rin ako sa handicrafts at makakuha ng National Certificate kung gusto ko.

Ang sabi niya ay kukunin niya rin ang strand na kukunin ko kaya naman asang-asa ako na magkaklase kami. Pero pagdating namin dito kaninang umaga, nalaman kong sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics o STEM siya nag-enroll.

Maiintindihan ko naman, e. Pero bakit kailangan niyang magsinungaling sa akin na pareho kami ng kukuning strand? At bakit ang babaw ko para iyakan ang bagay na 'yon.

Siguro dahil... nasanay ako na siya na ang palagi kong kasama. I expected too much that we would stick together even here in school. And now I realized, I was becoming too dependent on him.

"Kumusta ang first day? Maayos naman ba ang mga propesor? Ang mga kaklase mo, Nuala?" pilit niya akong kinakausap.

Sumulyap ako sa kaniya. Nakatingin siya sa akin kaya iniwas ko ang tingin sa kaniya at umismid. He chuckled lowly again and put his arm over my shoulder. Hinatak niya ako palapit sa kaniya nang muntik na akong mabangga ng isang estudyanteng abala sa kaniyang phone habang naglalakad.

Oo at sinabi niyang bodyguard ko nga siya kaya lagi niya akong sinasamahan. But I can't deprive him of anything he wants to do. Especially those things concerning his future. I didn't have a say on him.

I pouted when I decided to finally talk. "Ayos lang po. Mabait naman ang mga teacher namin. Two of them are professors in college. May nakausap naman din po akong kaklase kaya lang..."

His brow lifted but the amusement in his eyes was visible. "Kaya lang ay?"

Uminit ang pisngi ko sa naalala. "They were teasing me. Ba't daw po may e-elementary student silang kaklase..."

Malutong na tawa ang kumawala sa bibig niya. Uminit na rin ang tainga ko dahil sa inis kaya nasapak ko siya sa tagiliran. 

"Ah!" madrama niyang sinabi sabay alis ng braso sa balikat ko para indahin ang gilid niya. "Sakit, ah!"

My eyes rounded and I stopped on walking to check on him. Hinawakan ko siya sa braso at ang isang kamay ay nasa tagiliran para i-check kung tunay nga siyang nasaktan pero nang nakitang nakangisi na siya, lumayo agad ako sa kaniya.

Woven on Time (Student Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon