Chapter 1

700 24 6
                                    

"How could you do this to me, Eli?!" Halos mabali ang leeg ni Eli nang dumapo sa kanyang pisngi ang palad ng dalagang kaharap.

He didn't expect that. Pakiramdam niya ay nabingi siya sa malakas na pagkakasampal ng dalaga sa kanya. Paano ba naman, pinag-antay niya ang babaeng 'yon sa harap ng mall ng halos apat na oras. Sino ba namang hindi magagalit? Halos mamuti na ang mata ng babaeng nanampal sa kanya pero parang walang pakialam si Eli rito.

"Who told you to wait me here? Ano bang akala mo, makikipag-date ako sa iyo?" Kunot-noo niyang pinagmasdan ang babae mula ulo hanggang paa.

"Hindi ba, I told you last night that I will wait you here? Nag-text pa nga ako sa iyo, 'di ba? Bakit ngayon ka lang?" Mangiyak-ngiyak ang dalaga habang sinasabi ang mga katagang 'yon.

"Oh, God!" Napahawak sa baywang si Eli. "You really expect na kaya ako nandito is because of you? No! I didn't even know your name, either. You're just a random girl who always wants attention. Hindi ka ba nagtaka kung bakit hindi ako sumagot sa text mo?" Masasakit ang mga salitang binitawan niya pero parang balewala sa kanya na ipukol ang mga katagang iyon sa kaharap.

Nanampal na rin naman ang babaeng 'yon, mas malala na lang din ang sampal na ibibigay niya rito. Talagang walang sinisino ang binata. Mapabababe man o mapalalaki, hindi siya mangingiming saktan iyon mapaemosyonal man o mapapapisikal. Hindi siya papayag na mapapahiya siya sa harap ng maraming tao kaya hindi siya nagdalawang-isip na ibulalas ang lahat sa taong kaharap.

"You're such a douchebag!"

Nakangisi siyang lumapit sa babae. Napansin niyang pinagtitinginan na sila ng mga tao kaya taman-tama ang naiisip niyang plano para mapahiya lalo ang babae.

"Listen to me, people!" sigaw niya habang iginagala ang mga mata sa mga taong nakapaligid. Halata sa mga matang 'yon na interesado sila dahil mas lalo pang lumapit ang mga ito sa kinaroroonan nila. Nang tuluyan nang matuon sa kanya ang atensyon ng lahat ay saka pa siya muling tumingin sa kaharap at nagsalit, "This girl in front of me is just playing damsel-in-distress. But the truth is, she's the one who made a first move. Kaya kung akala mong magugustuhan kita, nagkakamali ka!"

Iba-iba ang naging reaksyon ng lahat sa sinabi ni Eli. Ang iba pa nga ay napasinghap sa pagkabigla habang ang iba ay napakunot na lang ng noo. Pero hindi niya layunin na mapaniwala ang mga tao sa gusto niyang sabihin. Gusto lang talaga niyang ipa-realize sa babaeng kaharap na kahit kailan ay hindi pumasok sa isipan niya na makipagrelasyon dito o sa kahit na sinong bababe. He's just playing around and not taking relationship seriously. He doesn't even care about what people will say. All he cares about is what he wants.

Subalit hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari. Walang ano-ano'y sinugod siya ng isang babae at sinampal nang walang pasabi. Ramdam na ramdam niya ang pamamanhid ng kanyang pisngi sa lakas ng paglapat ng palad ng dalagang hindi niya kilala.

"How dare you to treat a girl that way?! Akala mo, ikinaguwapo mo 'yan! No!" Napamaang si Eli nang maibaling ang paningin niya sa dalagang sumampal sa kanya. The girl was indeed pretty even her face was in furious. Pero hindi ang kagandahan nito ang nakakuha ng kanyang atensyon kundi ang ginawa nito sa kanya.

"And who the hell are you?!" Hawak ang namumula niyang pisngi na sinampal ng dalagang ngayon ay kaharap, nagawa pa rin niyang harapin ito. Naroon pa rin ang pamamanhid ng kanyang pisngi kaya hindi niya halos mabitawan ito.

"It doesn't matter! What matters here is how you treated this girl! Sino ka ba para pagsalitaan siya nang ganyan? D'yos ka ba? Ha?! D'yos ka ba?!" Habang binibitawan ng dalagang naghuhurumentado sa kanyang harapan ang mga salita ay unti-unti rin ang paglapit ng mukha nito sa kanyang mukha. Halos ilang pulgada na lang ang namamagitan sa dalawa dahilan para mas matitigan ni Eli ang mga mata ng dalaga.

Ang ganda niya. Ayaw man aminin ni Eli, sadyang hindi niya maiwasang hangaan ang magandang dilag. Kulang na lang ay mahalikan niya ito sa lapit ng mga mukha nila. Pero hindi siya dapat maging marupok sa pagkakataong iyon at hayaan na lang na magpaalipin sa nararamdaman.

"Y-You will regret this. And remember the name of Markus Eliazar Alejo," bulong niya sa babae bago bawiin ang sarili sa nagbabadyang pakiramdam. Walang dapat makapagpatiklop sa isang Markus Eliazar Alejo. Not even the girl who slapped him nor the people around him.

Matapos ang sinabi ay walang pagdadalawang-isip na tumalikod si Eli at naglakad na para bang walang nangyari. He went to the parking lot and started the engine of his car. No. It wss not even his car, it was the old car of his fathe who is, for him, antagonizing his life and make it miserable. Malakas ang buntonghiningang ibinulalas niya bago magpasyang patakbuhin ang sasakyan.

Nang makarating sa bahay ay nakabibinging katahimikan ang sumalubog sa kanya. He got used to it. Everytime he went home, all he see is nothing but an empty house. Their house was big enough for them kaya lang, mas gugustuhin niyang lumabas at sumama sa mga kaibigan kaysa mag-stay sa bahay at mabaliw sa katahimikan na ang tanging sasalubong sa kanya ay ang mga kasambahay na mas madalas pang abala sa mga gawaing-bahay sa mansyon nila at panghimasukan ang buhay ng ibang tao. Wala siyang pakialam kung pagkuwentuhan ng mga ito ang personal na buhay mayroon sila basta gagawin nila ang trabahong ibinibigay sa kanila.

"Sir Eli, pinabibigay po ng daddy ninyo. Ibinilin niya sa akin na ibigay ko raw sa inyo," wika ng kasambahay na sumalubong sa kanya nang dumiretso siya sa kusina para sana uminom ng tubig.

"Thank you, manang. What's this?" kunot-noong tanong niya sa matandang babae na ibinigay sa kanya ang isang sobre. Subalit sa halip na sagutin ang tanong ay kibit-balikat lamang ang itinugon nito pagkatapos ay umalis na lamang sa kanyang harapan.

Out of curiousity, Eli opened the envelope and took out the letter inside it. It was an application form from a prestigious school in the country where his dad, Iñigo, was teaching.

It was clearly to his reaction that he didn't like what he read. "Montecillo University? What the hell!"

MU Series: The Gentle BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon