NAKAPAMULSANG naglalakad si Eli papasok ng department store para bumili ng pad para kay Cassy. Agad niyang tinungo ang section kung mabibili ang mga hygiene kit. Tila nahihiya pa ang binata sa paghakbang patungo sa aisle na 'yon. Malay ba niya kung ano ang tamang bilhin para kay Cassy. Hindi niya rin kasi sigurado kung ano ang ginagamit nitong panty liner. Pero naalala niya noon na napagbintanga niya ang kasintahan na may dalang bomba sa bag ay doon niya naalala kung ano ang ginamit nito. Kulay pink na rectangular shape iyon at medyo malapad.
Luminga-linga siya sa paligid. Pinapakiramdaman kung may nakatinging ibang tao sa paligid niya. He will felt awkward if someone noticed him buying something unlikely. Sino ba naman kasing lalaki ang maglalakas ng loob na pumunta roon para lang bumili ng panty liner? Siya lang! Pero hindi, hindi niya alam kung malakas talaga ang loob niya o napilitan lang dahil sa sitwasyon ng kasintahan.
"Bahala na." Iyon na lamang ang nasabi niya sa kanyang sarili nang masigurong walang tao sa paligid niya. Mabilis niyang kinuha ang isang package ng pad at isinilid sa bulsa ng kanyang hoodie jacket. Bago siya umalis sa kinatatayuan ay muli niyang inikot ang paningin upang masigurado na wala talagang nakamasid sa kanya at walang nakakita ng ginawa niya. Tsaka niya naisipang pumunta sa counter para magbayad. Medyo marami ang mga taong nakapila sa counter: nasa pangatlong puwesto siya. Ang nasa harapan ay masyadong maraming binili kaya baka medyo matagalan siya. Habang naghihintay ay biglang nag-vibrate ang phone niya. Cassy messaged her.
Matagal ka pa ba?
He just replied, just a minute.
Nang maisilid niya sa bulsa ang phone niya ay bahagya siyang lumapit sa babaeng nasa unahan niya. Bahagya niyang tinapik ang balikat nito at sinabing, "Miss, can I have a favor?"
"Yes?" tanong ng babae. Tingin niya ay nasa edad kuwarenta na ito at mukha namang mabait dahil ng tumingin ito sa kanya ay bahagya itong ngumiti.
"May emergency kasi ako: my girlfriend had a period and she needs my help. Baka puwedeng mauna na muna ako. . . if okay lang sa iyo? Don't worry, isang item lang naman ito." Bahagya niyang ipinakita ang binili niya sa babae. The lady laughed softly. Maybe she got what he meant when he showed the item he bought.
"How sweet. Sige, mauna ka na sa akin," the lady said.
"Thank you." They quickly switched their position.
Matapos ang naunang costumer ay agad siyang sumunod sa counter. Nang maibigay niya ang item ay agad naman itong na-punch ng staff. "One-hundred fifty pesos, sir," ani ng staff.
Nang kinapa niya sa bulsa ang wallet ay saka lang niya na-realize na wala ito roon. "Sorry. . . ahm . . . I will just get my wallet sa kotse, can you wait for a while?"
Napakunot ng noo ang cashier sa sinabi niya. He had no option but to please her. Matatagalan pa kasi kung ibabalik pa niya ang item sa shelf. "Sorry, sir pero kailangan ko pong ipa-void na lang muna. Madami pong nakapila, eh." Sabay na bumagsak ang mukha at balikat ni Eli sa narinig.
"Sorry, is there a problem?" singit ng babaeg nasa likuran niya na kanina lang ay pinakiusapan niyang makipagpalitan ng puwesto.
Bigla na lang nakaisip ng paraan si Eli. Kailangan na lang niyang kapalan ang mukha niya para lang maibigay na niya sa kasintahan ang kailangan nito. "Sorry, Miss. Alam kong hassle na sa iyo ang paghingi ko ng favor kanina pero can you do me another favor? I just left my wallet in the car and—" Hindi na siya pinatapos ng babaeng kausap nang bigla na lang nitong damputin ang hawak niyang item at ibigay sa cashier.
"Ate, please include this sa babayaran ko," wika nito sabay abot sa cashier ng pad na hawak niya.
"T-Thank you talaga. I will pay you later, miss." Magkadaop ang palad na nagpasalamat si Eli sa babae. Kung hindi dahil dito ay baka inabot na siya ng siyam-siyam sa kinatatayuan niya at kung mamalasin, baka inaway pa niya ang cashier.
Matapos mabayaran ang binili ay ibinigay na ng babae sa kanya ang panty liner. "Salamat talaga. Can I have your bank account so I can pay you?" he offered.
Natawa naman ang babae sa sinabi niya. "Seriously? It's just a panty liner. Don't worry, hindi na kita sisingilin diyan. Basta puntahan mo na 'yong pagbibigyan mo niyan dahil for sure, nanlalagkit na 'yon." Napatango na lang si Eli. "I should go, you should give it to her," the lady said before she left.
Eli was about to go to the ladies' room when someone called his name. "Eli!" Nang lingunin naman niya ito ay nakita niya si Trixie. Eli felt relieved when he saw her. Nagmamadali itong lumapit sa kanya na hingal na hingal.
"Thank God you're here," he said.
"Pasalamat ka talaga at tumawag sa akin ang kaibigan ko!" galit na wika ni Trixie. Nakamulagat pa ang mga mata nito nang magbitiw ng mga salita. Nagulat naman si Eli sa salubong nito sa kanya.
"Why? Bumili ako lang ako ng panty liner for her," sabi niya.
"Well, she was calling you multiple times but you didn't answer her."
Eli hastily got his phone from his pocket and saw ten missed calls from her girlfriend. "Oh, f*ck! I'm so sorry. Naiwan ko kasi 'yong—"
"Mamaya ka na magpaliwanag. We really need to see her now!" Nagmamadali naman silang pumunta sa ladies' room pero bago pa tuluyang makapasok si Eli sa loob ay hinarangan na siya ni Trixie.
"Hep! Saan ka pupunta?" pigil ni Trixie.
"Iaabot kay Cassie 'to." Itinaas niya ang kamay hawak ang pad na binili.
"You're not allowed here," ani Trixie.
"What?!"
"Ano'ng 'what'? Hindi mo ba nakikita, nasa CR ka ng babae. Gusto mong may makakita sa iyo rito at kasuhan ka ng sexual harassment?" Saka lang napagtanto ni Eli ang mga sinabi ni Trixie. "Akin na nga 'to. Ako na lang ang magbibigay sa kanya." Pahablot na kinuha ni Trixie ang panty liner bago isinara ang pinto.
Wala namang nagawa si Eli kundi ang maghintay na lang sa labas ng comfort room. Habang naghihintay ay kinuha naman niya ang phone niya at may nakitang mensahe mula sa isang tao na matagal na niyang hindi nakakausap.
'Sir, gising na po siya.' Iyon ang laman ng mensahe na ikinagulat niya at halos manlamig ang katawan sa nabasa.
"G-Gising na siya?" Sino kaya ang tinutukoy sa messaged na natanggap niya at ganoon na lamang ang naging reaksyon niya?
BINABASA MO ANG
MU Series: The Gentle Bully
Genç KurguMontecillo University - wala sa isip ni Eli ang pumasok sa university na ito. Pero dahil sa kagustuhan ng ama, wala siyang nagawa. Maraming pagbabago ang naganap sa buhay niya noong kuhanin niya ang kursong BS Psychology, doon niya kasi nakilala si...