DAHIL nasa Manila na rin naman si Eli, dumiretso na siya sa Montecillo University para tingnan kung ano'ng mayroon sa eskwelahang papasukan. Ibang-iba ito kumpara sa Dalton University, mas malaki at mas maganda. Hindi nga lang siya sanay sa ganoong kalaking paaralan pero kakailanganin niyang mag-adjust.
"Welcome to MU, Paps," masayang sambit ni Beau.
"You will enjoy your college days here," sabat naman ni Ariston.
Nagkakibit balikat lang si Eli sa sinabi ng dalawa. "Let's see."
Duda siya. Kahit naman kasi kasama niya ang mga kaibigan ay magiging impyerno pa rin ang buhay niya dahil sa ama. Sino na namang matutuwa kung ang ama ay Discipline Head ng paaralan? Isa lang ang ibig sabihin niyon para sa kanya: bantay-sarado siya ng ama at daig pa niya ang nasa kulungan na halos lahat ng CCTV camera ay nakatutok sa kanya.
Masaya namang nagtatawanan ang tatlo habang naglalakad sa hallway papunta sana sa cafeteria. Not until a man approached them and gave Eli his authoritative look.
"Eliazar, to my office. Now." Kalmado ang tono nito pero alam niyang may hindi magandang mangyayari sa kanya.
"Mga paps, umuna na kayo sa cafeteria," ani Eli at walang nagawa kundi ang sundan na lamang ang lalaking inutusan siyang pumunta sa opisina nito.
Patamad siyang umupo sa couch ng opisinang iyon ng kanyang amang si Iñigo. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng office and he was amazed how manly it was. Malayong-malayo sa disenyo ng opisina ng kanyang ina.
"Welcome to Montecillo University," walang emosyong wika ni Iñigo.
Wow! Ganito pala mag-welcome ang mga nagtatrabaho rito. Sa isip-isip ni Eli, para na rin siyang pumasok sa isang military school. Daig pa niya ang papasok nh sundalo sa trato ng ama sa kanya ngayon.
"Thanks, Dade." Saglit lang niyang nilingon ang ama at kunwaring inilibot ang mga mata sa loob ng opisina. Ayaw niya talagang tumingin nang diretso sa mga mata ng nito dahil oras na magtagpo ang kanilang mga paningin ay siguradong pangungunahan na naman siya ng takot.
"Read this," utos ni Iñigo sa kanya sabay abot ng isang booklet.
"What's this?"
"Student's rule book. Oras na may labagin ka kahit isa sa mga nariyan, I will give you a proper verdict. Kahit anak kita, kung gagawa ka ng kasalanan, hindi kita hahayaan. Ayaw kong isipin ng ibang estudyante rito na porque anak kita ay excuse ka na sa lahat ng kalokohang gagawin mo," paliwanag ni Iñigo.
"Wow! Interesting." Naningkit ang mata ni Eli. "What if, araw-araw akong gumawa ng kalokohan sa eskwelahang ito?" sarkastiko at naghahamon niyang wika sa ama.
"Don't you ever do that, Eli!" Tulad ng inaasahan, tumaas na nga ang tono ni Iñigo.
"Why? Natatakot po kayong masira ang pangalan n'yo rito?" Talagang gusto niyang sagarin ang ama sa bawat salitang binibitiwan.
"Kung sa Dalton University ay nagagawa mo ang gusto mo, hindi na iyan maaari dito. Akala mo ba ay hindi ko alam ang lahat ng kalokohang ginagawa mo roon? Kahit hindi na ako nagtuturo doon, marami pa rin akong mga mata sa school na 'yon."
"Alam ko, kaya nga ginagawa ko lahat ng iyon dahil natutuwa akong naiinis ka."
Base sa kung paano mag-usap ang mag-ama, halatang maraming bagay silang hindi pinagkakasunduan. Hindi na bago iyon kay Eli kaya kahit ama niya ang kausap ay hindi siya nangingiming sumagot sa ama sa ganoong paraan.
"You will follow my rules, whether you like it or not," giit ni Iñigo.
"Wala naman akong magagawa, eh. I just agreed with Mame because I want to have my own life na malayo sa iyo. Don't worry, pagkakatapos ng klase, sa condo ako tutuloy."
Ngumisi si Iñigo sa sinabi niya. "Who told you that you can live with your condo unit. Hindi mo ba nabasa sa rule book? May dormitory ang school na ito at dapat lahat ng estudyanteng pumapasok dito ay doon mag-i-stay."
"What?!" Tila binuhusan si Eli ng malamig na tubig sa narinig.
"Read it! It was written there," sabi ng ama sa kanya.
He immediately looked for that rule and it was confirmed that all of the students at Montecillo University should stay at the dorm.
"This can't be happening!"
"Don't worry. Puwede ka namang pumunta sa condo mo every weekend. At siya nga pala..." Kinuha ni Iñigo ang isang papel sa mesa, "I already enrolled you here. Sa pasukan, dito ka na mag-aaral."
"You can't do this to me!"
"Yes, I can." Nanalo na naman ang kanyang ama laban sa kanya. Wala na naman siyang nagawa sa pagkakataong iyon.
Pamaktol siyang humakbang palabas ng opisina nito sabay padabog na isinara ang pinto. Mali ang iniisip niya kanina, hindi iyon parang military school kundi isang kulungan. Paano nagawa ng mga magulang na linlangin siya? Kung alam lang niyang may ganoong patakaran sa Montecillo University, hindi na sana siya pumayag sa napagkasunduan nila ng kanyang ina. Siya ngayon ang kawawa.
Nang makarating sa parking area, kaagad niyang pinatakbo ang sasakyan. Pinaharurot niya iyon dahil gustong-gusto na niyang makaalis sa lugar na iyon. He felt like he was suffocating while staying in that place. Nasasakal na siya sa ama. Bakit ba palagi na lang nitong gustong nakabuntot siya rito? Malaki na siya. May sariling isip at desisyon sa buhay. Pero kung ituring siya ng mga magulang ay parang bata pa rin. Hanggang kailan kaya kokontrolin ng kanyang ama at ina ang buhay niya?
"This is not a school. This is hell!" Inapakan niya ang gas ng sasakyan upang mas lalo pang bumilis ang takbo nito. Subalit hindi niya namalayan ang pagtawid ng isang lalaki sa harap. Liliban sana ito nang dumaan ang kotse niya ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nabangga niya ang lalaki at tumilapon ito.
Nagulat siya sa nagawa at mabilis na bumaba ng sasakyan. Laking pasasalamat niya at buhay pa ang lalaki nang lapitan niya ito at pulsuhan. Tingin niya ay kasing edad lang niya ang lalaking iyon. Duguan ang mukha nito at halos hindi niya makilala. Pero isa lang ang naiisip niyang dapat gawin sa mga oras na iyon.
"Pare, dadalhin kita sa ospital!"
Hindi makapaniwala si Eli sa nangyari. Nakabangga siya dahil sa walang disiplina niyang pagmamaneho.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Gentle Bully
Fiksi RemajaMontecillo University - wala sa isip ni Eli ang pumasok sa university na ito. Pero dahil sa kagustuhan ng ama, wala siyang nagawa. Maraming pagbabago ang naganap sa buhay niya noong kuhanin niya ang kursong BS Psychology, doon niya kasi nakilala si...