Chapter 22

40 6 21
                                    


NASA kalagitnaan ng mahimbing na pagtulog si Eli nang maalimpungatan siya sa malakas at matinis na boses ng isang babae. Tingin niya ay malayo pa naman ito pero sa pandinig niya ay parang sobrang lapit lang ng kinaroroonan nito mula sa kinalalagyan niya.

"Napakaingay naman!" reklamo niya na tinakpan ang tainga subalit nanatiling nakapikit ang mga mata. Tingin niya ay mawawala din naman ito mamaya lamang. Titiisin na lang siguro niya ang ilang minuto hanggang sa makaalis ang kung sino mang pumutol ng kanyang mahimbing na pagkakatulog.

Ngunit ang pag-asang mawala ang ingay ay napalitan ng pagkadismaya nang unti-unti pang lumakas ang boses na naririnig niya. Hanggang sa hindi sinasadyang maramdaman niya na may tumapak sa binti niya

"Aray! Ano ga namang ingay mo?!" bulyaw niya sabay napatayo sa kinahihigaan.

"Oh my God! What are you doing there ba? Don't you see I'm vlogging here?!" Sa halip na humingi ng pasensiya, iyon pa talaga ang naging bungad sa kanya ng babae hawak ang camera.

Eli mocked her by copying what she said. "I don't care! All I care about is my peace. Puwede bang umalis ka na lang dito?" he said.

Napasinghap ang babae sabay takip sa bibig. "How dare you say that to me? Hindi mo ba ako kilala? I am Mona! The social media princess of this school! Kuya, if you want to make 'rest in peace' na, don't do it here. This is not your place para gawin mong tulugan," sambit ng babaeng nagpakilalang Mona. Nakapamewang pa ito sabay taas ng isa nitong kilay.

"Not even your place para mag-ingay ka!" bawi naman ni Eli.

"O. . . M. . . G! Don't make eksena here. Nakakahiya sa gurlfrenz ko. Right?" Mona said.

"Yeah, right!" Noon lamang napansin ni Eli ang tatlong babae sa na kasama nito na nasa likot pa niya. Sabay-sabay pa ng mga itong binigkas ang sinabi.

"This is ridiculous! Wala na bang tahimik na lugar sa school na ito?!" Napahawak sa sentido niya si Eli.

"Ah, kuya!" Nagtaas ng kamay ang isa sa mga babaeng kasama ni Mona. "Bakit hindi ka na lang doon matulog sa dorm ko. Peaceful doon," malanding wika nito sabay tinitigan siya nang malagkit.

Napabuntonghininga na lang si Eli. "No, thanks."

Ayaw na lang ni Eli na humabanpa ang diskusyon kaya naisipan na lang niyang  maghanap ng lugar kung saan niya puwedeng ipagpatuloy ang pag-idlip.

"Ay, sayang naman," dismayadonv wika ng babae.

"Anyway, since nag-ingay ka na rin naman, ituloy mo na lang," sambit ni Eli nang ibaling nito ang tingin kay Mona.

"Okay! Hinihintay na rin ito ng Monakidz ko, eh."

"Mona. . . what?" tanong ni Eli.

"Monakidz! That's what I call sa fans ko," paliwanag nito. Saka lang niya naintindihan kung ano ang sinabi ni Mona.

"Yeah. Whatever." Bago pa siya matawa sa kung ano'ng ka-weirdo-han ni Mona, pinili na lang niyang umalis.

"Better yet, just go back to your place. Doon sa squatters' area. Kung saan bagay ang squatter like you na kung saan-saan na lang natutulog!"

Hinayaan na lang niya ang si Mona kasama ang mga kaibigan nito sa ginagawa nila. Ayaw na rin naman niyang masira lalo ang unang araw niya sa Montecillo University kaya hindi na lang siya nakipagtalonpa rito. Inisip na lang niya na may sira sa ulo ang babae at masasayang ang oras niya kung makikipagdiskusyon pa siya rito.

Hindi rin niya gustong pumunta sa dorm niya dahil mas nakakabagot doon. Kaya naman naisipan niyang sa bench muna pumuwesto at mahiga rooh. Pero sa pag-aakalang maitutuloy niya ang mahimbing na pagtulog ay hindi niya inaasahang may panibagong asungot na namang dadating.

"Paps!" Isang hampas sa braso ang natanggap niya at nagpabangon muli sa kanya nang dumating si Beaumont at Ariston.

Itinaas niya ang kamay niya at tumingin sa langit. "Lord! Wala bang matinong lugar dito kung saan ako puwedeng matulog nang mahimbing?" pagsusumamo niya.

Natawa na lang ang dalawa sa ginawa niya. "Ikaw ga'y sira! Saan ka nakakita ng tahimik na school? Lahat ng puntahan mo, may tao. Kahit pa iya'y liblib!" sambit ni Ariston.

"At ano namang ginagawa sa liblib na lugar ng school?" tanong ni Eli.

"Dalawa lang 'yan, paps. Kung hindi natutulog. . . " Tumingin si Ariston kay Beaumont at sabay nilang sinabing, "Gumagawa ng milagro!" Sabay na nagtawanan ang dalawa.

"Mga siraulo talaga kayo." Pairap na tiningnan ni Eli ang dalawa sabay napailing na lang sa sinabi ng mga kaibigan.

"Pero maiba tayo, paps. Bakit ang tagal mo sa discipline office kanina? May bomba ba talaga?" tanong ni Beaumont.

"Wala. False alarm lang."

"Bakit naman kasi naisip mong bomba ang laman n'ong bag ng lalaki?" wika ni Ariston.

"He looks so suspicious. Sino'ng hindi maghihinala sa kanya?"

"Grabe ka naman mag-judge!" natatawang saad ni Beaumont.

"Eh, ano talagang laman ng bag?" tanong naman ni Ariston.

Tiningnan niya muna ang dalawa na pinanggigitnaan siya. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin pero wala namang mawawala dahil hindi rin naman nila kilala si Cole. "Panty liner."

"What?" gulat na tanong ni Ariston.

"Seryoso?" saad naman ni Beaumont.

"Yeah. But it was for his girlfriend. Pero feeling ko, may itinatago ang lalaking 'yon. At iyon ang kailangan kong malaman." naningkit ang mga mata ni Eli na tila may binabalak gawin.

"Paps, negats 'yan. Baka lalo kang pag-initan ng tatay mo," ani Beaumont.

"Ewan ko sa inyo, diyan na nga kayo!" Tumayo so Eli at naglakad.

"Saan ka na naman pupunta?!" sigaw ni Ariston.

"Sa dorm ko. Aayusin ko na lang muna ang gamit ko!" sagot niya.

Kibit-balikat na lang na nagtinginan ang dalawa habang pinagmamasdan siyang umalis. Nang makarating sa dormitory building ay eksakto namang nakasalubong niya muli si Cole at ang girlfriend nito. Nasa kabilang parte lang siya ng hagdan at nakikipagsukatan ngv tingin dito. Ilang metro lang ang layo nila sa isa't isa kaya mas natitigan niya ito nang matagal. Ngunit hindi niya alam kung bakit tila nagbago ang ihip ng hangin. Galit dapat ito sa kanya dahil sa pambibintang niya rito pero parang iba ang ipinapakita nitong emosyon ngayon. Para bang naaawa? Pero bakit?

Ngunit ang mas nakakapagtaka ay parang unti-unting nagiging pamilyar ang mukha nito sa kanya. Para bang may rumerehistro sa kanyang utak na hindi niya maipaliwanag kung bakit.

He looks familiar. Parang nagkita na kami somewhere. Saka pa lamang nawala ang tingin nito sa kanya nang kuhanin ng girlfriend nito ang atensyon niya.

MU Series: The Gentle BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon