Chapter 35

21 5 16
                                    

“KUNG sakali bang magbago ako, magugustuhan mo ’ko?”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“KUNG sakali bang magbago ako, magugustuhan mo ’ko?”

Cassy wasn’t mentally prepared with what Eli said. Natigilan siya sa ginagawa sa binata nang marinig ang binitiwan nitong salita sa kanya. Nakaramdam siya ng mabilis na dagundong sa kanyang dibdib at nag-init ang kanyang mukha. She felt like her face blushed while staring at Eli's eyes. He was very sincere while saying those words. Kitang-kita ni Cassy sa mga mata ni Eli iyon.

“Eli, that’s not a good joke.” Cassy was about to continue with what she was doing but Eli suddenly held her hand that made her stop.

“What if. . . I'm serious?”

That was so fast of Eli. Kakikilala pa lang nila at hindi naging maganda ang una nilang pagkikita kaya hindi sigurado ni Cassy na totoo ang sinasbi nito.

Natawa na lang si Cassy. “Prank ba ’to? Nasaan ang camera mo?” Inilibot niya ang mga mata sa paligid at nagbabakasakaling biro lang ang ginagawa ni Eli.

Eli slowly held her hand. “No. This is serious. And I'm asking 'you, Cassy. Kung magbabago ba ako, magugustuhan mo ba ’ko?”

“Eli. . .”

Dahan-dahang inilapit ni Eli ang mukha nito sa kanya. Is he going to kiss me? Lalo pang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib habang papalapit ang mukha ni Eli. Hindi niya magawang maigalaw ang kahit anong parte ng kanyang katawan dahil sa nangyayari. Ang tangi na lang niyang nagawa ay ang pumikit at hintaying maglapat ang kanilang mga labi.

Ngunit sa pag-asang maramdaman niya ang halik nito ay kabaligtaran ang nangyari. Narinig na lamang niya ang mahinang paghagikhik ni Eli. She was expecting him to kiss her. Pero isa lang pala iyon sa kalokohang naiisip nito.

“You’re so naive, Cassy. Akala mo ba, hahalikan kita?”

Nagsalubong ang kilay ni Cassy sa ginawa ni Eli. She assumed that Eli was so serious about what he said. But to her suprised, Cassy made a wrong impression.

“How dare you?!” Hinapas niya ang balikat ng binata na kaagad na napadaing.

“Ouch! I was just trying kung maniniwala ka. And you believed?!” wika ni Eli na hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.

“Talaga? Paano mo nasabi?”

“Bakit ka pumikit noong hahalikan sana kita?” Tanong din ang naging sagot ni Eli.

Hindi maisip ni Cassy ang isasagot niya.  Bakit nga ba siya napapikit that time? Ang alam lang niya, kailangan lang niyang pumikit. Dahil iyon naman talaga ang unang ginagawa kapag may hahalik sa isang tao — ang pumikit?

“K-Kasi napuwing ako! Ang sakit kasi sa mata ng mukha mo!” Kunwaring kinusot ni Cassy ang mga mata para lang maniwala ang binata.

“Weh? Hindi nga?!”

“Ewan ko sa iyo?! Diyan ka na! Uuwi na ako!” Padabog na tumayo si Cassy sa sofa.

“Wait! Ihatid na kita. Baka kung ano pang mangyari sa ’yo sa daan. Masisi pa ako,” alok ni Eli.

“Hindi na! Kaya ko ang sarili ko. Linisin mo na lang 'yang mga sugat mo.” Hindi magawang tingnan ni Cassy ang binata dahil sa hiya.

“Sigurado ka ba?”

Sa ginawang pagbibiro ni Eli sa kanya, hindi niya alam kung matatagalan pa niyang pakisamahan ito. Kung hindi lang dahil sa deal nila, iiwasan na lang niya ito.

“Oo. Sige na, aalis na ako.”

Walang nagawa si Eli nang tuluyang makalabas si Cassy.

***

“ANG t*nga-t*nga mo, Eli! Ang t*nga mo!” Paulit-ulit na hinahampas ni Eli ang kanyang sentido. Hindi niya akalaing magagawa niyang magbiro nang ganoon kay Cassy.

Ang totoo, gusto niya talagang halikan ang dalaga. Pero natakot siya na baka mag-iba ang tingin nito sa kanya. Ayaw niya ring may magbago sa pakikitungo niya rito. Cassy was the first girl he invited in his unit. Kahit na maraming nag-a-attempt na alamin kung saan siya nakatira ay hindi nagtatagumpay ang mga ito. Eli was a private person but everyone in the school looked at him in different way. For them, Eli was a celebrity.

Kaya hindi niya maitago ang pagkadismaya niya sa kalokohang ginawa. Naisip niya kasing kung sakaling mahulog nga ang loob nila sa isa't isa, magkakaroon ng malaking gulo. Baka siya pa ang maging dahilan para madiskubre ng mga Montecillians ang sekretong itinatago nito.

“I need to talk to her,” wika niya sa sarili at kaagad na isinuot ang salamin at jacket.

Mabilis niyang tinungo ang elevator at umaasang maaabutan pa niya ang dalaga. Nang makababa sa lobby ng building ay inilibot niya ang paningin at hinanap si Cassy. Nakita niya ang dalaga na nag-aabang ng taxi sa isang waiting shed. Mabuti na lamang at hindi pa ito nakaaalis kaya tumakbo siya sa kinaroroonan nito.

“Cassy!” tawag niya rito.

“Bakit nandito ka pa? Bumalik ka na roon,” wika nito na hindi pa rin siya magawang tingnan sa mga mata. Siguro'y nahiya rin ito sa ginawa niya.

“Can I drive you home. Mukhang wala ka nang masasakyan sa ora na ito. Besides, ako naman ang nagpapunta sa iyo rito.”

“It sounds like nakonsensya ka. Hindi na, okay lang ako.”

Magkasunod na kulog at kidlat ang gumuhit sa madilim na kalangitan. Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Halos mabasa silang dalawa sa lakas ng hanging bigla na lang ding humampas.

"Let's go inside. Baka magkasakit ka pa!” wika ni Eli. Hinubad niya ang jacket na suot at siya nitong ginamit na panangga sa napakalakas na ulan. Noong una ay tila nag-aalinlangan pa si Cassy pero nang mas lalo pang lumakas ang sama ng panahon ay wala na rin itong nagawa.

Eli let her stay inside his condo. Hinihintay lang nilang tumila ang ulan para makauwi na ang dalaga pero mukhang sa lakas noon ay hindi titigil ang unos.

“You can stay here.” Inabot ni Eli ang tuwalya kay Cassy.

“Thank you.” Agad na pinunasan ni Cassy ang katawan na nabasa ng ulan.  “Patitilain ko na lang ang ulan tapos aalis na rin ako.”

“No. I will not allow you to go home in this time. Masayado nang gabi kaya dito ka na matulog.”

“But—”

“You're still my slave. You will do whatever I want you to do,” pagmamatigas ni Eli sabay inilapag ang isang una sa sofa. “You can use my room. Dito na lang ako sa sofa matutulog.”

“No. Ako na lang—”

“I said, you can use my room.”  May inabot pa itong shirt kay Cassy. “You can use this shirt. Baka magkasakit ka sa damit mong 'yan.”

Hindi na nakapalag pa si Cassy. Ito na mismo ang pumunta sa kuwarto niya at nagbihis bago sa kama.

Mukhang may nabubuong kakaibang koneksyon sa kanilang dalawa na pilit itinatago. Hanggang saan kaya sila tatagal sa ganoong set-up?

MU Series: The Gentle BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon