Chapter 33

22 5 7
                                    

HALOS magta-tatlong linggo nang walang malay si Cole sa ospital at hanggang ngayon ay wala pa ring alam ang mga magulang nila sa nangyari kay Cole

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HALOS magta-tatlong linggo nang walang malay si Cole sa ospital at hanggang ngayon ay wala pa ring alam ang mga magulang nila sa nangyari kay Cole. Hindi pa magawang sabihin ni Cassy ang totoo dahil siguradong mag-aalala nang sobra ang mga iyon. Mabuti na nga lang at hindi pa tumatawag ang mga ito sa kanya. Usually, sa text or messages lang sila nag-uusap ng mga magulang nila dahil masaydong abala ang mga ito sa trabaho.

“Girl, ano ’yong kanina? Bakit ka ihinatid ni Eli?” usisa ni Trixie kay Cassie habang papunta sila sa ICU kung saan naka-admit si Cole.

“Mahabang kuwento,” ang tanging sagot ni Cassy

Trixie jokingly looked at her wrist watch. “We still have time. Makikinig ako,” she said.

Napaismid na lang si Cassy. “Eli already learned about my secret,” pahayag niya.

“What?! Paano ’yan. Does everybody know?” Halos mag-hysterical si Trixie nang marinig ang sinabi niya.

“Relax. Nagawan ko naman ng paraan na pakiusapan siyang huwag sabihin sa lahat ang nalaman niya about me. Pero may condition siya na dapat kong gawin,” sabi ni Cassy.

"A-Ano’ng ginawa mo? Huwag mo sabihing. . .” Nanlaki ang mga mata ni Trixie matapos ang sinabi ni Cassy. Tila ba may ibang nasa isipan ang kaibigan sa naisip na kondisyon na ibinigay sa kanya ni Eli.

“Loka-loka! Mali ’yang iniisip mo! Hindi gano’n!” giit ni Cassy.

“Eh, ano?”

Napabuntonghininga si Cassy nang maisip ang hininging condition ni Eli sa kanya para lang hindi nito sabihin ang totoo. Ayaw naman niyang magsinungaling sa lahat. Kailangan nga lang dahil ayaw niyang mawala ang pangarap ng kanyang Kuya Cole.

“He wants me to be his slave for one month!”

Napahagalpak ng tawa si Trixie dahil sa sinabi ni Cassy. Hindi nito alam kung bakit iyon ang naisip na kondisyon ni Eli sa kanya. “Seryoso? Ugh! So classic. Wala na bang ibang puwedeng ipagawa?”

“Ipagawa like what?”

“Like. . . you know,” sabi ni Trixie na tiningnan siya mulo ulo hanggang paa.

“Ay, girl! Hindi ko gusto ’yang iniisip mo!” bulyaw ni Cassy.

“Girl, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Kumalma ka. I mean, bilhan man siya ng mamahaling gamit or anything that he can use.”

“Bribing is too easy for him. Kayang-kaya nga niyang bumili ng mall sa monthly allowance niya,” saad ni Cassy.

Minsan na kasi niyang nakita ang isang papel na nasa basurahan ng condo ni Eli noong maglinis siya roon. Nasa hundred thousan ang weekly budget niya kaya hindi ito masusuhulan ng kahit na sino. Kahit nga yata ang hospital bill ni Cole ay kaya niya ring bayaran sa monthly allowance niya na nasa five hundred thousand per month. Kaya imposibleng makuha ito sa ideyang naiisip ni Trixie.

“Kung sa bagay.” Napakibit-balikat na lang si Trixie. “So, ano’ng unang ipinagawa niya sa iyo sa unang araw mo bilang kanyang slave.” Trixie emphasized the last word she said.

“Pinaglinis niya ako ng buong condo.”

“Ang basic naman. Wala ba ’yong mas challenging man lang?” dismayadong wika ni Trixie.

“Ikaw pa talaga ang disappointed, ha?”

“Wala naman kasing thrill. Knowing you na sanay sa gawaing bahay, I’m sure natapos mo ’yong condition niya sa iyo na wala pa sa thirty minutes.” Totoo ang sinabi ni Trixie. Noon pa man, nagagawa ni Cassy nang mabilis ang gawaing bahay dahil sinanay na silang dalawa ni Cole ng mga magulang bago nangibang-bansa ang mga ito.

“Okay na ’yon. Kaysa iba ang ipagawa niya.”

“Sus! Kunwari ka pa. For sure may pagnanasa ka rin diyan kay Eli,” tukso naman ni Trixie.

“Tigilan mo ako. That would never happen,” kontra naman ni Cassy.

“Really? Eh, nahuli nga kita last time, inaamoy mo ’yong shirt na pinalabhan niya sa iyo,” sambit ni Trixie. Talagang hindi siya titigilan ng kaibigan dahil sa nalaman nito.

“Natural! Aamuyin ko iyon kung mabango na. Singurado ko munang mabango ang shirt bago ko ibigay sa kanya,” palusot niya. Pero ang totoo, inamoy niya ang damit ni Eli bago niya iyon labhan.

That shirt. Tandang-tanda pa niya ang amoy ng men’s perfume na gamit ni Eli. Kung hindi siya nagkakamali, isa iyon sa scent ng M.D. Boss Fragrance — isa sa pinakasikat na pabango sa Pilipinas.
Iyon din kasi ang gamit ng kanyang Kuya Cole kaya alam na alam niya ang amoy nito.

“Okay. Sabi mo, eh.” Iyon na lamang ang nasabi ni Trixie.

Nang sa wakas ay makarating na sila sa ICU ay bumungad sa kanila ang walang malay na si Cole. Nasa harap lang sila ng salamin na siyang nagsisilbing pagitan nila at ng kama ng kapatid. Kasalukuyan itong tinitingnan ng doktor nang dumating sila. Wala namang magawa si Cassy kung hindi ang titigan na lang ang kapatid.

“Hi, kuya. Kumusta ka na?” Alam niyang kahit hindi siya naririnig nito ay gusto pa rin niyang sabihin sa kapatid ang gusto niyang sabihin. “Kuya, puwede bang gumising ka na? Miss na miss na kita, eh.” Kasabay ng mga salitang binitiwan ay ang paglandas ng mga luha ni Cassy. Ramdam din niya ang paninikip ng dibdib at para bang may bumabara sa kanyang lalamunan.

“Sis, be strong. Kakayanin ’to ni Kuya Cole,” sambit naman ni Trixie na hinahaplos ang kanyang likod habang panay ang hikbi niya. Mahirap para sa dalawa ang pinagdaraanan. Hindi rin sigurado kung kailan gigising ang binata. Wala ring nakakaalam kung anong kahihinatnan ng lahat oras na magising ito.

Ilang minuto lang ay lumabas na ang doktor na tumingin kay Cole. Siya namang paglapit ng doktor sa kanila na inalis ang medical mask at hairnet nang makalabas sa ICU. “Kayo ba ang relative ng patient?”

Agad na itinuro ni Cassy ang sarili at nagpakilala. “A-Ako po. I’m his sister.”

“Hi, I’m Doctor Fidel Comia. I'm his attending physician,” pakilala naman sa kanya ng doktor at nakipagkamay.

“Cassy po. Nice to meet you, doc,” pakilala ni Cassy nang abutin nitonang kamay ng doktor. “Doc, kumusta po kaya ang kuya ko?” tanong naman ni Cassy.

“His vitals are good but he’s still unconcious. Maybe because of the head trauma he experienced during the car accident. But, we’re still observing him. I hope, magkamalay na siya,” paliwanag ng doktor sa kanila.

“Kailan po kaya siya magigising?” tanong ni Trixie.

“We don’t know. But as long as his vital signs are good, let’s hope he get back to his conciousness soon.” Tila nabawasan naman ng tinik sa dibdib si Cassy. “Anyway, we can transfer him sa isang room at doon na lang natin siya hintaying magkamalay.” dugtong pa ng doktor.

“Mabuti naman. Medyo lumalaki na rin ang hospital bill ni Kuya. Sana naman magkamalay na siya,” ani Cassy.

“Don’t worry about the bill. Balita ko, may nagbayad na raw ng bills ninyo. It’s not mh job to know about it pero dahil medyo mga Marites ang nurses dito, nakakarating sa akin ang balita,” wika ng doktor.

“Talaga po? Sino daw po?”

“I don’t know. Ayaw niya magpakilala, eh.” kibit-balikat na sagot ng doktor.  “Sige, aalis na ako. Madami pa akong rounds,” paalam nito sa kanila.

“Sige po, doc. Salamat po.”

Nang makaalis na ang doktor ay magkasabay na nagkatinginan ang dalawa sa narinig. Someone paid for thir hospital bill. Pero ang tanong. . . sino kaya iyon?

MU Series: The Gentle BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon