“SALAMAT, Mang Pido. Just let me know what he needs.”
Matapos maibaba ni Eli ang tawag sa phone niya ay kaagad niya itong isinilid sa bulsa. Napatulala ang binata at naisip ang kalagayan ng lalaking nabangga niya sa Montecillo University noong araw na magtalo sila ng kanyang ama. Kausap niya kanina lamang ang kanyang driver na si Mang Pido. Pinakiusapan niya ito na bayaran ang hospital bills ng nasabing pasyente na hindi na niya inalam ang pangalan. Ayaw niyang magkaroon ng koneksyon sa lalaking iyon o kahit makilala siya. Pero inuusig siya ng konsyensya niya. Until now, the image of the accident was still in his memory. Gusto niyang makabawi sa lalaking iyon sa paraang alam niya para mabawasan ang bigat na nararamdaman niya.
Pabalik na sana siya ng sasakyan nang hindi sinasadyang mabangga niya ang balikat ng lalaking kasalubong.
“Sorry,” paghingi niya ng paumanhin. Aalis na sana siya nang hawakan siya ng lalaking nabangga ang kanyang braso.
“Hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo, ha?” wika ng lalaki. Nang magtama ang kanilang mga tingin ay may pagbabantang nagbabadya sa mata nila. Hindi nagustuhan ni Eli ang naging tono nito.
“Get off your hands on me,” matigas ang tonong wika ni Eli. Marahas niyang inalis ang braso sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaki.
“Dexter, mukhang palaban ang isang ’to,” wika ng lalaking kasama nito sa lalaking nagngangalang Dexter — ang lalaking aksidenteng nabangga ni Eli. Tatlo silang magkakasama noong mga oras na iyon. Tingin ni Eli ay kasing-edad lang niya ang tatlong iyon dahil sa porma at kilos ng mga ito.
“Hindi mo ba kilala kung sino’ng binabangga mo?” tanong ni Dexter kay Eli. At iyon pa talaga ang naging tanong nito sa kanya. He doesn’t even know who he is. Kung hindi nga lang siya tinawag ng kaibigan na Dexter ay hindi niya malalaman ang pangalan nito.
“The hell I care,” ani Eli. Akmang aalis na siya nang bigla siyang hilahin ni Dexter at inumbagan ng suntok. Hindi niya inaasahan ang ginawa nito sa kanya at hindi siya makapapayag na basta na hindi siya makakaganti rito.
Agad naman niyang sinipa sa sikmura ang kaaway bago pa nito mailapat sa kanyang mukha ang sana’y susunod pa nitong suntok. Napahawak sa tiyan si Dexter dahil sa sakit ng natamo nito.
“You. . . moron!” Eli didn’t expected the two guys held him tight.
Hindi na siya makagalaw sa pagkakataong iyon at nang makabawi si Dexter ng lakas ay muli siyang inupakan ng suntok nito. Sunod-sunod ang naging pagsugod ng kamao ni Dexter sa kanyang mukha hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng balanse at mapahiga sa sementadong daan. Akala niya ay titigilan na siya ng mga ito ngunit napadaing siya nang magkakasunod na sipa ng tatlo ang pumukol sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
“Next time, kilalanin mo kung sinong kinakalaban mo,” sambit ni Dexter bago sila umalis.
Hindi inakala ni Eli na masasangkot na naman siya sa ganoong gulo. Ayaw na sana niyang may makaaway pero mukhang hindi maiiwasan ang bagay ba iyon lalo pa’t karamihan ng kaedad niya sa Maynila ay mga agresibo at arogante. Pero hindi naman siya papayag na basta na lamang siya magpapatalo.
Pinilit niyang tumayo at tinungo ang kotse. Mabilis niyang isinara ang pinto ng sasakyan at nagmaneho kahit may iniindag sakit dala ng mga bugbog nannatamonng kanyang katawan.
***
KASALUKUYANG nagtitiklop damit si Cassy nang tumunog ang phone niya. Someone was calling her. Hindi niya kaagad iyon nasagot dahil sa abala siya sa ginagawa. Nang sandaling matapos na siya ay saka pa lamang niya nasilayan kung sino ang tumatawag — it was Eli.
“Bakit naman kaya tumatawaga ’to?” Patamad niyang sinagot ang call ng binata. “Oh, bakit?” walang gana niyang sagot.
“I need you here, now.”
“What? Hoy, Eli! Alam mo ba kung ano’ng oras na. Pasado alas diyes na ng gabi!” paalala niya rito.
“Wala akong pakialam kung alas dose man ng madaling araw or what! I said, I need you to be here now, slave!”
Hindi natutuwa si Cassy sa gustong mangyari ni Eli. Pero wala siyang magagawa kung hindi ang sundin na lamang ang gusto nito.
“Fine! Give me thirty minutes! Magbibihis lang ako!” singhal niya sa kausap.
“Make it quick!” sigaw naman ni Eli sa kabilang linya bago siya nito pinagbabaan ng telepono.
Malapit lang naman ang condo unit ni Eli sa bahay nila kaya hindi na siya mahihirapang pumunta roon. Magpapasama sana siya kay Trixie pero maaga pa lang ay tulog na ang kaibigan.
Nang makababa na si Cassy sa taxi ay kaagad siyang dumiretso sa pad ni Eli. Nakailang doorbell pa siya bagon buksan ni Eli ang pinto at bumulaga sa kanya ang topless nitong katawan. Ugali niya ba talagang maghubad sa harap ko? Iniwas na lang niya ang tingin sa katawan ni Eli at nag-focus na lang sa mukha nito.
“Bakit ba gabing—” Natigilan siya nang makitang may blackeye si Eli at may pasa sa mukha. “Ano'ng nangyari sa iyo?” tanong niya nang hawakan ang pisngi nito.
“Ouch! Ano ba? Masakit?!” daing nito.
Noon lamang siya nakaramdam ng pag-aalala kay Eli. Naawa rin siya sa sitwasyon nito noong mga oras na iyon.
“Halika nga rito at gagamutin ko iyan!” She pulled Eli inside his unit. Pinaupo niya ito sa sofa at kinuha ang medicine kit sa banyo.
“Aray! Dahan-dahan naman!” angal nito nang nabigla si Cassy sa pagdampi ng bulak sa mukha ni Eli.
“Sorry. Bakit kasi kailangan mo pang makipag-away. Iyan tuloy ang napapala mo,” wika ni Cassy.
“Hindi naman kasi ako ang nanguna. I was about to leave kung hindi lang humarang sa daan ang lalaking ’yon,” sambit ni Eli.
“Next time, mag-iingat ka. Hindi lahat ng tao rito sa Manila, mababait.”
“Tulad mo?”
“Ah, talaga ba? Uhm!” Idiniin ni Cassy ang bulak sa mukha ni Eli.
“Ouch! Joke lang!” natatawang sabi ni Eli. “Mas masakit pa nga ’yong sampal mo rito.”
“Kulang pa 'yan kung hindi mo babaguhin ang attitude mo,” ani Cassy na muli siyang nilapatan ng first aid.
“Kung sakali bang magbago ako, magugustuhan mo ’ko?”
Natigilan si Cassy sa narinig mula sa binata. Hindi nito alam kung paano sasagutin ang tanong. Was it a joke or was he serious about it?
BINABASA MO ANG
MU Series: The Gentle Bully
Teen FictionMontecillo University - wala sa isip ni Eli ang pumasok sa university na ito. Pero dahil sa kagustuhan ng ama, wala siyang nagawa. Maraming pagbabago ang naganap sa buhay niya noong kuhanin niya ang kursong BS Psychology, doon niya kasi nakilala si...