Chapter 14

54 6 9
                                    


"IT'S been a while."

Nakangiting tinitingnan ni Eli ang isang lumang bookstore na madalas niyang tambayan noon. Isa sa mga hilig gawin ni Eli ay ang magbasa ng mga horror books subalit hindi siya bumibili kahit isa nito. Sa naturang bookstore naman kung saan siya naroroon ay maaring humiram o mag-renta ng libro. May area naman doon kung saan siya puwedeng magbasa. Kaya kahit paano ay nagagawa pa rin niyang magpalipas-oras doon.

Madalas siyang pumunta roon nang patago dahil oras na malaman ng ama niya na nagbabasa siya ng ng fictional books sa halip na textbooks niya sa school ay mapapagalitan siya ng kanyang Dade Iñigo.

"Siya pa rin kaya ang bantay rito?" tanong niya sa sarili bago pumasok ng pinto. Ang tinutukoy niya ang ang lalaking madalas magbantay sa bookstore na iyon. Mga sampung taon na rin yata ang nakalilipas noong huli siyang makapunta roon at lumipat sila sa Batangas.

Bumungad sa kanya ang isang lalaki na nasa middle-forties na ang edad pero pamilyar pa rin sa kanya. Natuwa siya sa nakita. It was the same person he left but still working there.

"Manong?"

Saglit siyang tiningnan ng lalaki. "Pogi, may bibilhin ka ba?"

Mukhang hindi siya namukhaan nito. He needs to introduce himself again.

"Manong Tony, ako 'to! Si Eli! Remember?!" Matamang nakipagtitigan pa siya sa  kausap at baka sakaling makilala siya nito.

Maya-maya lamang ay namilog ang mga mata ng lalaking tinawag niyang 'Mang Tony' at kasabay niyon ay ang paglapad ng ngiti nito na tila nakilala na siya.

"Eli? Elipot!" Hindi pa rin talaga nagbabago ang endearment sa kanya nito. 'Elipot' sobrang cringey pakinggan para kay Eli pero kung may tao mang may karapatang tumawag sa kanya ng ganoon, si Mang Tony lang iyon. Ang bookstore na iyon kasi ang nagsilbing hide-out niya para makatakas sa ama. At si Mang Tony. . . ito naman ang nagtatago sa kanya kapag hinahanap siya ng ama roon. Kaya malaki talaga ang pasasalamat niya rito.

"Kumusga po?!"

Agad na sinalubong siya nito ng yakap nang makalabas ng counter. "Ang laki mo na! Parang kailan lang, ah!" anito nang magbitaw sila.

"Okay lang po. Na-miss ko kayo! May dala po pala akong paborito ninyo kaya ako nandito." Inilabas ni Eli ang dala nitong supot at ibinigay kay Mang Tony.

"Wow! Ang paborito kong pansit! Salamat, Elipot!" masayang sambit ni Mang Tony nang buksan nito ang dalang pagakain ni Eli.

"Siya nga pala, Mang Tony. May bago ka bang libro diyan na p'wedeng basahin. Iyon sanang hindi ko pa nababasa?" wika ni Eli.

Gusto niya ulit magbasa ng libro sa bookstore na iyon kaya hindi na siya nag-aksaya ng oras. Bihira lang siyang makapunta ng Maynila. Pinayagan lang siya ng kanyang mga magulang na mamalagi sa condo para ayusin ang gamit niya pero uuwi ulit siya ng Batangas hangga't hindi pa nagpapasukan.

"Ay, oo! Meron akong bago rito pero bihira ka na lang makakakita ng libro na ito kaya sigurado akong magugugustuhan mo," may pagyayabang na sambit ni Mang Tony. "Tara, sumama ka sa 'kin."

Pumunta sila sa isang bookshelf at ipinakita ni Mang Tony ang librong nabili niya nitong mga nakaraang araw lamang.

"Ito ang 'The 13th Floor' na kuwento ni JC Pamplona

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ito ang 'The 13th Floor' na kuwento ni JC Pamplona. Maganda 'yan at nakakatakot. Sigurado akong magugustuhan mo iyan," muling pagmamalaki ni Mang Tony sa kanya.

"Salamat, Mang Tony," ani Eli.

"Oh, siya! Maiwan na kita. Natakam kasi ako rito sa dala mo. Tamang-tama at hindi pa ako naghahapunan."

"Sige po." Naiwan siyang mag-isa sa harap ng bookshelf. Dahil sa kuryosidad, kinuha niya ang libro. Mukha namang magugustuhan niya ito dahil sa cover pa lamang ay nakakatakot na.

Tulad ng inaasahan, bungad pa lamang ng libro ay kinilabutan na siya dahil ang unang page nito ay nagpakita sa kanya ang litrato ng batang babae na itim ang buong mata at mahaba ang buhok na nakaputinh damit.

"Sh*t!" Muntik pa niyang maitapon ang libro dahil sa gulat. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes niya kaya hindi ito tuluyang nalaglag sa sahig. Hindi pa man niya natatapos ang librong inirekomenda ni Mang Tony ay naramdaman na agad niya ang takot. Mukhang magugustuhan niya nga ang fictional story na iyon.

Umupo kaagad siya sa couch at seryosong nagbasa. Unang tatlong chapter pa lang ng kuwento ay ramdam na niya ang takot. Tungkol kasi iyon sa batang pinatay sa isang gusali at nagmumulto ito sa ikalabintatlong palapag ng building kung saan ito pinaslang.

Tama ang sinabi ni Mang Tony, magugustuhan niya nga iyon at hindi na nga niya natigilang basahin ang bawat chapter ng kuwento. Kaya lang, habang nasa kasarapan siya ng pagbabasa ay may bigla na lang nag-chat sa kanya.

Napaisip siya sa offer na iyon ni Beaumont

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napaisip siya sa offer na iyon ni Beaumont. Minsan lang siya nito ilibre dahil madalas, siya ang nanlilibre ng pagkain dito. It was tempting yet he wanted to finish the book he was reading. Kaya lang, biglang kumulo na rin ang tiyan niya sa gutom. Mas kailangan niyang unahin iyon dahil ayaw niyang malipasan.

Kahit hindi pa siya tapos sa binabasang horror story, agad siyang tumayo at tinungo ang bookshelf para ibalik ang librong binabasa. Nilagyan na lamang niya ito ng book mark kung saang pahina siya natapos para maituloy niya sa susunod na araw.

Napansin naman niya ang babaeng nakatingkayad na para bang inaabot ang isang libro. Tiningnan niya ang kinukuha nito na isa namang love story na kuwento. Dahil nahihirapan ang babae, hindi niya maatim na tulungan ito.

"Miss, tulungan na kita," wika niya at inabot ang libro na kinukuha nito. Ngunit dahil bigla na lang siyang pumunta sa likuran nito ay tila nagulat ang babae at umikot paharap sa kanya. Hindi sinasadyang mapahawak ito sa dibdib niya at maitulak siya hanggang sa bumagsak silang dalawa sa sahig.

Naramdaman na lamang ni Eli ang saglit na pagdampi ng labi niya sa labi ng babaeng kanina lamang ay tinutulungan niya. Ngunit laking gulat niya nang makita kung sino ang babaeng iyon. Hindi niya tuloy alam kung ano'ng mararamdaman dahil pamilyar ito sa kanya. Pero ang ipinagtataka niya, bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya? Iyon ba ang tinatawag nilang. . .  love?

MU Series: The Gentle BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon