“IBABA mo na ’ko rito. Maglalakad na lang ako papuntang MU.” Hindi pa man nakalalayo ang sasakyan ni Eli sa convenience store na malapit sa university ay iyon kaaagad ang naging bungad ni Cassy sa kanya. Kailangan nilang makaabot sa klase bago ang first-period nila kaya nagmadali ang dalawa na makapasok sa school.
“Ha? Hindi na, sumabay ka na sa akin,” kontra ni Eli.
“Nag-iisip ka ba? Paano kung may makakita sa atin? Baka kung ano’ng isipin nila. Lalo na ng dalawa mong kaibigan.”
“And why do they care kung my kasama akong ibansa kotse ko? Tsaka, naka-disguise kamnaman kaya wala naman siguro silang iisiping iba,” giit ni Eli. Pero mukhang hindi naman kumbinsido si Cassy.
“Stop the car. . .” mahinang sabi nito.
“What?!” angil ni Eli na hindi pa rin tumitigil sa pagmamanehi.
“Stop the car,” ulit ni Cassy.
“Ano bang prob—”
“Ititigil mo ba ang kotse o ihahampas ko sa iyo ’tong libro?!” banta ni Cassy hawak ang isang makapal na libro na akmang ihahampas kay Eli.
Wala namang nagawa si Eli. “Fine!” Iyon lamang ang tanging nasambit niya bago minaniubra ang manibela at itinabi sa gutter ng daan. Palasak na binuksan ni Cassy ang pinto at padabog din nitong isinara.
Hindi naman kayang hayaan ni Eli na ganoon na lang ang mangyari. Kahit naman malapit na sila sa university ay hindi naman siya mapapanatag na maglakad na lang si Cassy sa daan dahil alam naman ng lahat na napakadelikado maglakad sa kahabaan ng Maynila.
“Cassy! Wait!” Hindi inalintana ni Eli angn mga dumadaan kung pagtinginan siya nito. Hindi niya hinayaang lumayo si Cassy. Bago pa man ito mahakbang ng ilang metro sa sasakyan ay hinarang na niya ito. Dahil sa laki ng biyas niya, halos tatlong hakbang lang ang ginawa ni Eli sa kinaroroonan ni Cassy.
“Don’t call me in my name, baka may makakita at makarinig sa atin dito,” paalala ni Cassy sa kanya.
“Sorry.” Bahagyang lumapit si Eli kay Cassy at hinawakan ito sa balikat. “But I couldn’t allow you to walk here. Alam mo namang napakadelikado.”
“Eli, kaya ko ang sarili ko. You don’t need to worry about me.” Aalis na sana si Cassy pero kaagad itong hinila ni Eli at isinandal sa nakasarang pinto ng kanyang sasakyan.
Kasabay ng bahagyang pagtilos ng nguso ni Eli ay ang pagtaas ng isa niyang kilay. Senyales iyon na kahit ano’ng mangyari, hinding-hindi niya hahayaan si Cassy sa kagustuhan nito. “Aalis ka o hahalikan kita?” banta ni Eli sa dalaga.
"Eli. . .” Nagpalipat-lipat ang tingin ni Cassy sa dalawang mata niya. Tila ba iniestima nito kung gagawin ba ni Eli na halikan ang mga labi nito o isa lamang itong biro. Pero hindi, seryoso si Eli sa sinasabi niya at gagawin talaga niya ang bagay na iyon kahit may mga taong dumaraan.
Makailang beses na rin namang nagdampi ang mga labi nila nang hindi sinasadya kaya hindi na bago sa kanya ang bagay na iyon. Kaya lang, iba na sa pagkakataong ito. Gusto ni Eli na maramdaman ang halik na may intensyon at hindi aksidente lamang.
Magagawa nga kaya ni Eli na halikan ang dalaga?
BINABASA MO ANG
MU Series: The Gentle Bully
Roman pour AdolescentsMontecillo University - wala sa isip ni Eli ang pumasok sa university na ito. Pero dahil sa kagustuhan ng ama, wala siyang nagawa. Maraming pagbabago ang naganap sa buhay niya noong kuhanin niya ang kursong BS Psychology, doon niya kasi nakilala si...