Chapter 20

41 6 18
                                    



“BAKIT ka may panty liner sa bag?”

Sa dinami-dami ng gamit na puwedeng makita sa loob ng bag ni Cassy, iyong panty liner pa talaga. Oh, my God! Bakit panty liner pa? Hindi nga bomba ang nakita roon pero mas malala pa yata ang takot na naramdaman niya nang makitang hawak ng Discipline Head ang bagay na ginagamit ng mga babaeng tulad niya.

“Kasi, Sir. . .” Kailangan niyang umisip ng palusot. Hindi niya magawang tingnan si Iñigo sa mga mata dahil baka mabisto siya nito.

Habang nasa kalagitnaan naman ng pag-iisip, siya namang pagbukas ng pinto ng opisina. Napukaw ang atensyon nilang tatlo sa taong bigla na lang pumasok sa loob ng disciplinary office.

“Trixie?” wika ni Cassy sa mababa pa rin niyang boses nang makita ang kaibigan. Hingal na hingal ito at tila nagmamadali.

“S-Sir Iñigo. . .” Habol hiningang nakahawak sa dibdib si Trixie.

“Miss Rodriguez, what are you doing here?” nagtatakang tanong ni Iñigo rito.

“Sorry, sir. Kailangan ko lang pong kuhanin ang pinabili ko kay Cole. May period kasi ako ngayon kaya kailangan ko 'yang hawak ninyo,” saad ni Trixie na lumapit kay Iñigo para kuhanin ang panty liner.

Napangiti na lang si Cassy. Nakahinga siya nang maluwag dahil sa ginawa ng kaibigan. Hindi niya akalaing si Trixie ang magiging knight-in-shining-shimmering-splendid-armor niya.

“Thank you,” bulong ni Cassy sa kaibigan. Kumindat lang ito sa kanya at muling ibinaling ang atensyon kay Iñigo.

“Pasensiya na po kayo. Ipinahabilin ko po kasi sa kanya ito dahil wala na pong space sa bag ko,” pasisinungaling nito.

“No. Kami dapat ang mag-sorry. Mister Villegas, I’m sorry kung pinakialaman ko ang bag mo and I'm sorry if my son, Eli, accused you. Eli, you should say sorry to him,” wika ni Iñigo nang ibaling ang tingin kay Eli.

“What?!”

“You should say sorry! Pinagbintangan mo siyang suicide bomber!” Nanlaki ang mga mata ni Iñigo.

“Fine! I’m sorry. I didn’t mean to do that. Akala ko kasi—”

“Next time, siguraduhin mo munang tama ang hinala mo bago ka manghusga ng tao,” wika ni Cassy na binigyan niya ng napakatalim na tingin.

“By the way, what is your relationship with each other? Ngayon ko lang kasi nakita itong si Mister Villegas dito sa MU. I didn’t know na may kakilala pala siya rito,” usisa ni Iñigo.

Nagulat na lang si Cassy nang biglang humawak si Trixie sa braso niya. “He’s my boyfriend po!” Kinilig-kilig pa ito at mas lalo pang hinigpitan ang pagpululot ng kamay nito sa braso niya.

“Boyfriend?” bulong niya sa kaibigan.

“Sumakay ka na lang,” sagot ni Trixie na pabulong din. Sapat lang para sila lamang ang makarinig ng sinasabi.

“Oh! Okay. Well, I guess that’s enough proof para patunayang inosesnte ka.” Bumaling ang mga mata ni Iñigo kay Eli nang sabihin nito ang huling dalawang salita. Tila ba may nais itong ipahiwatig sa anak.

“Yes, sir. Inosente naman talaga ako,” giit ni Cassy bilang si Cole.

“Okay. Pasensiya na kayo sa abalang ginawa ng anak ko sa inyo. P’wede na kayong lumabas,” saad ni Iñigo na nananatili pa rin ang tingin sa anak.

“Thank you, sir.”

*****

NAIWAN si Eli sa loob ng opisina. Walang kahit anong salitang lumabas sa bibig niya matapos maganap ang nangyari kanina sa lobby ng Montecillo University. Ngayon, hindi niya magawang tingnan si Iñigo dahil sa hiyang nararamdaman.

“Ano? Napahiyanka, ’no?” wika ng ama sa kanya.

Nakalapat ang magkabilang kamay ni Iñigo sa mesa at panay ang buntonghininga. Senyales iyon na galit siya pero nagpipigil na saktan siya.

“S-Sorry po,” nahihiyang sambit ni Eli.

“Dahil sa ginawa mo, ang daming naabalang tao sa loob ng paaralang ito! Ano bang akala mo rito? Naglalaro lang tayo? Eli, this is not Dalton University! Hindi mo na magagawa ang lahat ng gusto mo.”

“Kaya mo ba ako dinala rito para ipamukha sa akin na wala akong kuwenta!” Hindi na napigilan ni Eli ang sariling sagutin si Iñigo.

“That's not what I mean!”

“Then what?!” agad na sagot ni Eli. “Alam mo, Dade, I was happy when I was in Dalton University. Kahit naman madalas akong magbulakbol, hindi ko naman napapabayaan ang grades ko, ah! Ano pa bang gusto mo?” Hindi na napigilan ni Eli ang maiyak.

“Eli, gusto kitang tumino!”

“Matino ako! Ikaw lang ang nag-iisip na hindi ako matino dahil akala mo, pinababayaan ko ang pag-aaral ko. Mabuti pa si Mame, hinahayaan niya ako sa gusto kong gawin! Samantalang ikaw, gusto mo para akong asong may tali sa leeg at palaging susunod sa iyo!” Noon lang siya naglabas ng sama ng loob sa ama.

Ang tagal niyang kinimkim sa dibdib ang bigat ba raramdaman niya kay Iñigo. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang siya paghigpitan ni Iñigo. Halos buong buhay niya, ang ama lamang ang sinusunod niya. Kaya siguro hindi na rin kataka-taka kung bakit ganoon na lamang niya ito pagtaasan ng boses.

“Eli, you don’t understand why I’m doing this!” bulyaw ni Iñigo.

“Talagang hindi ko maiintindihan!” Walang segundo ang lumipas na padabog na lumabas si Eli ng opisina ng ama na may bigat sa puso. Pinahid niya ang luha sa kanyang mga mata para walang makakita na umiiyak siya.

Sa kanyang paglabas ay bakasalubong niya ang nagpakilalang magkasintahang sina Cole at Trixie. Tinitigan niya nang masama si Cole. Balak pa sana niya itong lapitan para sana ilabas ang galit dito pero ayaw na niyang gumawa pa ng panibagong eksena.

Gusto na lang muna niyang matulog at mapag-isa. Baka sakaling mabawasan niyon ang bigat sa dibdib niya. Habang palabas ay nakita niya sina Beaumont at Ariston na papalapit sa kanya.

“Paps, ano’ng nangyari?” tanong ni Beaumont.

“Saan ka pupunta?” usisa naman ni Ariston.

“Hayan n’yo na muna ako. Gusto kong mapag-isa,” sambit niya sa dalawa na dire-diretso lang sa paglalakad.

Nakarating siya sa gymnasium ng school at naghanap ng lugar kung saan siya puwedeng magpahinga. Sa pinakasulok na bahagi ng school gym niya napagdesisyunang magpahinga. Walang makakakita sa kanya roon dahil masyado itong tago. Humiga siya sa bench na naroroon at napatulala na lamang.

“This life is hell.”

Unang araw pa lang ng pagtungtong niya sa Montecillo University ay puro kamalasan na ang nangyari sa kanya. Ano pa kayang magiging kaganapan sa mga susunod na araw?

MU Series: The Gentle BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon