WALANG sinayang na sandali si Cassy. She rushed to the hospital where her brother was. Agad niyang hinanap ang information desk ng ospital at nagtanong sa staff na naroroon. "Miss, may isinugod ba ritong Colossus Villegas? 'Yong nabangga ng sasakyan?” nag-aatubiling tanong niya sa kausap.
“Kaano-ano n’yo po, miss?”
“He’s my twin brother,” sagot niya.
Saglit siyang tiningnan ng babaeng kausap na tila ba naninigurado. “Nasa Room 245 po siya,” sagot nito.
“Thank you.” Akmang pahakbang ba sana si Cassy pero natigilan siya nang biglang may tumawag sa kanya.
“Cassy!” Nang lingunin niya kung sino iyon ay nakita niya si Trixie. She texted her friend while arriving at the hospital.
“Trixie.” Mabilis siyang yumakap sa kaibigan. Hindi na niya napigilang mapaluha sa pag-aalala.
“I-I don't know. Someone called me using his phone and told me na naaksidente siya,” sambit ni Cassy.
"Relax. Ang mabuti pa, puntahan na muna natin si Kuya Cole,” suhestiyon ni Trixie sa kanya. Tumango lang si Cassy at kaahad na hinanap ang room ng kapatid.
May kalakihan ang ospital na iyon at halatang private hospital dahil kumpleto ang mga equipments. Wala pa man ay iniisip na ni Cassy ang magiging gastos sa ospital. Hindi naman kasi kalakihan ang kinikita ng mga magulang nila sa ibang bansa bilang mga seafarers kaya hindi niya sigurado kung kakayanin nila ang bayarin da ospital na iyon.
Nang marating nila ang patient's room kung nasaan si Cole ay bumungad sa kanya ang walang malay na kapatid na nakabenda ang ulo.
"Kuya!” Niyakap niya ang kapatid pero wala itong response. Halatang hindi pa ito nagkakamalay simula pa kanina.
Nasa tapat naman nito ang isang doktor at nurse na naroon na bago pa sila pumasok sa loob.
“Ah... excuse me. Miss, kaano-ano mo po ang pasyente?” tanong ng doktor.
"Ah, doc, excuse me rin. Hindi pa ba halata? I mean, look at their faces,” singit ni Trixie.
Napatitig ang doktor sa mukha ni Cole bago ibaling ang tingin kay Cassy. Nagpabalik-balik pa ang tingin nito sa kanya at sa kapatid bago napagtanto ang lahat. “Sorry, ngayon lang kasi ako nakakita ng twins na babae at lalaki. You are so identical,” the doctor said with amazement on his face.
“Ano po’ng nangyari sa kapatid ko, doc?” tanong ni Cassy.
"He had a head injury. He needs an immediate operation dahil sa nagkaroon internal hemorage sa ulo niya. So, we would like to ask the consent of your parents for this matter,” sabi ng doctor.
"Actually, doc, wala dito ang parents namin. They are working abroad and kami lang pong dalawa ang magkasama,” paliwanag niya.
“Ganoon ba? Wala ba kayong mga tito o tita or someone na p'wede naming makausap. Someone who has the capability to decide.”
“Doc, mukha ba akong hindi marunong mag-decide? This is a matter of life and death situation. You better do something!” Hindi na napigilan ni Cassy na magtaas ng boses.
“It's not like that. I mean, you're too young for this,” giit ng doktor.
“Twenty na po ako. I guess, that’s enough for you to allow my consent,” sabi ni Cassy.
Halos malaglag ang panga ng doctor sa narinig. “I thought you were only—”
“Talkshow po ba ito? Sorry for being rude but I need you to save my brother.” Hindi naman niya gustong bastusin ang kausap na doktor pero masyado nang mahaba ang usapan para i-open pa ang age niya.
“Sorry. Ipapaayos ko na 'yong operation sa kanya.” Agad na umalis ang doktor matapos ang naging usapan nila.
Lumapit naman si Trixie sa kanya at hinaplos ang kanyang balikat. “It’s okay, sis. I know Kuya Cole can survive.”
“Sana nga.”
*****
HUMAHANGOS si Eli na dumating sa condo unit niya. Agad niyang tinungo ang banyo at binuksan ang gripo ng sink. Hinugasan niya ang kamay na nabahiran ng dugo nang buhatin niya ang katawan ng lalaking nabangga niya kanina. Kapag nga naman minamalas, bakit sa dinami-dami na puwedeng mangyari, bakit iyon pang aksidenteng pagbangga niya sa binatilyo ang nangyari?
Tumitig siya sa salamin upang masigurado na wala siyang bahid ng dugo sa katawan. Nang masigurong hindi wala nang nakakapit na pulang likido sa mga kamay at iba pang parte ng kabuuan niya saka pa lamang siya kumalma. Pero napansin niya ang mantsa ng dugo sa white shirt niya at sa hoody jacket na suot niya. Walang dalawang-isip na hinubad niya iyon at itinapon sa basurahan. Wala siyang pakealam kung branded ang mga suot, ang mahalaga ay walang makitang ebidensya sa aksidenteng nangyari.
“I need to take a shower,” wika niya sa sarili. Kailangan niyang masigurado na walang kahit anong bahid ng dumi sa katawan niya.
Habang bumubuhos sa katawan niya ang tubig na inilalabas ng shower ay hindi mawala sa isipan niya ang mga nangyari kanina. Paano na lang kung tuluyang namatay ang nabangga niya? Mas lalo siyang malalagay sa alanganin. Ayaw niyang makulong. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay na nais niyang maabot. And he couldn’t reach that if he was in jail.
Bawat pikit ng kanyang mata ay nakikita niya ang eksena sa kung paano tumilapon ang binatang iyon sa daan at humampas ang ulo nito nang napakalagas sa gutter.
“You are so stupid, Eli!” Paulit-ulit niyang inuntog ang ulo sa pader. He felt guilty for what happened. Hindi niya sinasadya ang nangyari pero inuusig siya ng konsensya.
Siguradong malalagot din siya sa ama oras na malaman nito ang totoo. Mabiti na nga lang at walang katao-tao noong mga oras na iyon kaya walang nakakita sa nangyari.
Upang mabawasan ang guilt na nararamdaman, siya na mismo ang nagbayad sa hospitalization ng lalaki at ng operation nito. Wala nang aalalahanin ang pamilya ng lalaki kundi ang gamot kung sakaling magkamalay ito.
Nang matapos siyang maligo, inihanda niya ang susuotin. Inihanda niya rin ang sarili at kailangan niyang umarte ng normal kapag hinarap na niya ang mga taong malalapit sa kanya. Habang nakaharap sa salamin ay huminga siya nang malalim.
“Act normal, Eli. You have to act normal.” Wala pang ilang segundo matapos sabihin iyon sa sarili ay biglang tumunog ang doorbell.
Kumabog ang dibdib niya nang marinig iyon. Hindi niya malaman kung ano ang tamang gagawin dahil baka mga pulis ang mga iyon at pinaghahahanap na siya.
Ano kaya ang susunod na hakbang ni Eli?
BINABASA MO ANG
MU Series: The Gentle Bully
Teen FictionMontecillo University - wala sa isip ni Eli ang pumasok sa university na ito. Pero dahil sa kagustuhan ng ama, wala siyang nagawa. Maraming pagbabago ang naganap sa buhay niya noong kuhanin niya ang kursong BS Psychology, doon niya kasi nakilala si...