Chapter 37

29 6 18
                                    

“WE’RE here

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“WE’RE here.”

Cassy was dumbfounded when Eli opened the door of his car and quickly sneaked out. Nagmamadali pa itong pinindot ang doorbell ng gate ng isang bahay na tingin niya’y doon nakatira si Eli. Ilang segundo lang ay may nagbukas na ng tarangkahan at saka nito muling pinaandar ang sasakyan papasok ng bakuran ng magarang mansyon.

“Wow. . .” Cassy was speechless while wandering her eyes around. Hindi niya inakalang makakakita siya ng ganoong kalaking bahay.

“Let’s get inside,” Eli said after he pulled over his car. Nang makababa sila ay isang magandang babae na tingin niya ay nasa edad trenta pero maganda ito at may balingkinitang katawan.

“Eli?” wika ng babae na tila nagulat pa nang makita si Eli.

"Mame!” Sinalubong naman ni Eli ng yakap ang babae na sa tingin niya ay ina nito.

“A-Ano’ng ginanawa mo rineh?  ’Di ga ika'y may pasok? Alam ga ng ama mong ika'y umuwi dineh?”

“Aba! S'yempre. . . hindi!” ani Eli na pagkaraa'y natawa sa huling salitang sinabi.

“Ay, ikaw talagang bata ka? Ika'y malilintikan sa ama mo!”

“Ay, huwag n'yo nang sabihin nandine ako.”

Cassy felt weird while hearing Eli and his mother talking with their Batangueño accent. Natural lang na makarinig siya nang ganoong punto ng pananalita dahil nasa probinsya siya ng Batangas pero noon lang niya na-experience na makakita ng dalawang Batanagueñong nag-uusap. Tumikhim siya para makuha ang atensyon ng dalawa at nagtagumpay naman siya.

Eli looked at her and led her to his mom. “Siya nga pala, Mame. Si Cassy,” pakilala ni Eli sa kanya.

Gelpren mo? Kainaman ka namang bata ka. Kapapasok mo pa la'ang sa MU—”

“Naku! Naku! Tita, hindi po. H-Hindi niya po ako girlfriend? I'm just his. . . slave.” Mahina ang naging tinig ni Cassy sa huling salitang sinabi bago nabaling ang tingin kay Eli.

“Ano'ng sabi mo, ineng? Isleyb?” kunot-noong tanong ng ina ni Eli sa kanya bago tumalim ang titig nito sa binata. “Eli. . . ano na nama gang kalokohan ireh?”

“Wala, Mame. Areh la'ang girlfriend kong areh ay nagbibiro,” sagot ni Eli sabay hila sa kanyang balikat at inakbayan. Girlfriend? Wala naman siyang natatandaan na pumayag siyang magpanggap siyang girlfriend nito.

“Seryoso ka ba? Girlfriend talaga?” bulong ni Cassy rito na sapat lang para sila lang ang magkariningan ng binata.

“Sakyan mo na lang!” ani Eli.

Wala na rin naman siyang magagawa dahil kailangan niyang sundin ang gusto ni Eli.

"Kayo talagang mga kabataan ngayon, kayo'y hindi ko maunawaan. Sari-sari iyang mga pakana ninyo sa buhay.” Napasapo na lang ang ina ni Eli sa noo. “Siya nga pala, ineng. Ako nga pala si Marga.”

“Nice to meet you po, tita.” Bahagya pang lumapit si Cassy kay Marga para kamayan ito.

"Ay, napakaganda palang bata nireng gelpren mo, Eli,” sabi ni Marga nang mapagmasdan siya nitong maigi.

"Salamat po, tita.”

“Ay, walang ano man. Ako'y nagluto ng bulalo ay kumain muna tayo,” anyaya ni Marga na nauna nang naglakad patungo sa kusina bago sumunod ang dalawa rito.

“May utang ka sa akin, ha?” banta ni Cassy kay Eli bago sila makapasok sa kusina.

***

BOTH were enjoying the lunch that Eli's mother prepared. Paborito ni Eli ang putsero na inihanda ni Marga kaya walang patid ang pagkuha nito ng kanin at ulam sa mesa.

“Ay, Eli. Ikaw nga'y magdahan-dahan. Kapag ika'y nabilaukan ay inam!” babala ni Marga sa kanya.

“Gutom nga ako, Mame. Hind nga kami nag-agahan bago umalis!” wika niya.

“Ay, hindi mo man la'ang pinakain areng nobya mo? Kainaman ka na!”

“Hayaan n'yo iyan. Iyan nama'y diet palagi.” Natatawang tiningnan si Cassy na hindi halos makakilos sa hiya.

“Ineng, ika'y huwag mahiya. Marami pang ulam,” sambit naman ni Marga kay Cassy.

“Opo, tita. Salamat po.”

Itinuloy na lang nila ang pagkain hanggang sa maubos nila ang putaheng inihanda ni Marga noong araw na iyon. Matapos ang pananghalian, nagpasya si Eli na pumunta sa lawa ng Taal na malapit lang sa kanila. Limang minuto lang itinagal ng biyahe nila ni Cassy mula sa bahay papunta roon.

Eli missed the ambiance of the lake, the noise of the people around, and the fresh air that always made him feel relaxed. Na-miss ni Eli na tumambay sa isang resto-bar na malapit lang sa lawa ng Taal — ang Majadas Foodhub.

“What are we doing here?” tanong ni Cassy.

“We’re going to celebrate our freedom,” Eli said proudly.

“Are you insane? Huwag mong sabihing hindi pa tayo babalik sa Manila?” nangangambang tanong ni Cassy.

“Nope! Nakakatamad kasi.”

“Eli, ano ba? Hindi nakakatuwang biro 'to, ha?” inis na wika ni Cassy sa kanya.

“Relax ka lang! We're just going to enjoy our last hours here. Tapos, balik na ulit tayo sa Manila.”

Ngumiti na lamang si Eli at pagkatapos ay tumawag ng isang waiter sa nasabing resto-bar.

“Ano hong order ninyo?” tanong ng waiter.

"Brader, sisig nga at saka dalawang beer. Iyong light lang. Baka kasi maglasing itong kasama ko at pagsamantalahan pa ako.” Sumilay ang mapanuksong ngiti sa mga labi ni Eli.

“Copy, boss!” Pagkaraa'y umalis na ang waiter.

“Hoy! Ang kapal mo! Kahit kailan, hindi kita pinagnasaan, ’no?!” sambit ni Cassy sabay irap.

"Kahit noong nakita mo akong walang suot noon, hindi mo ako pinagnasaan?” Eli was trying to tease Cassy. Kung bibigay ba ito o itatanggi ang sinasabi niya.

“H-Hindi!” tugon ni Cassy pero hindi nito nagawang tingnan siya sa mata. Halatang nailang ito sa kanya.

“Sabi mo, eh,” kibit-balikat na sambit ni Eli.

Ilang sandaling natahimik ang paligid sa pagitan nilang dalawa. Tila nangangapa kung sino ba talaga ang unang magsasalita. Wala naman silang dapat pag-usapan pa. Hinihintay lang nilang lumipas ang oras at dumating ang order ni Eli.

"Ito na po ang order ninyo.” Isa-isang inilapag ng waiter ang dalawang beer at isang plato ng sisig.

“Salamat, brader!” ani Eli.

Akmang kukuhanin niya ang isang bote nang bigla niyang maramdaman ang paghawak din ni Cassy sa bote ng beer. Napag-ibabawan ng kanyang palad ang kamay ni Cassy at doon niya naramdaman ang kakaibang kuryente na noon lamang niya naramdaman sa tanang buhay niya at kasanay noon ay ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.

What is this feeling?

MU Series: The Gentle BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon