TATLONG araw na rin ang nakalipas, naging normal naman ang takbo ng buhay ni Eli sa Montecillo University. May pagkakataong nakalalabas naman siya kasama ang dalawang matalik na kaibigan pero hindi na sila puwedeng lumabas tuwing alas-diyes ng gabi. Dapat, lahat ng estudyante ng universty ay nasa kanya-kanya nang dormitory pagpatak ng nakatakdang oras.
“Ang boring naman dito,” sambit niya sa sarili habang nakahiga sa kama. Nakabukas lang ang malaking flat screen television niya pero wala naman siyang magandang mapanood. “Dapat pala, dinala ko ang console ko. Sana, naglalaro na lang ako o kaya naman 'yong mga horror stories. Hihiram nga ako bukas sa bookstore.” Para siyang baliw na kinakausap ang sarili.
Hindi siya sanay na nasa loob na siya ng kuwarto ng ganoong oras. Kadalasan, umuuwi siya ng lagpas alas-dose na ng gabi noong sa Dalton University pa siya nag-aaral. Kaya kating-kati siyang lumabas at magliwaliw. At hindi nga niya napigilan ang sariling magpasaway na naman. It was a challenge for him to escape and find something exciting. Talaga yatang hindi lilipas ang buong magdamag na wala siyang magagawang kalokohan sa buhay. Nagsuot siya ng hoodie jacket at isinaklob ang hood sa loob ng kanyang ulo.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng dorm pinakiramdaman kung may tao sa labas. Nang masiguradong wala nang kahit na sinong nasa paligid ay doon niya pa lamang sinubukang tumakas. Alas-dose na ng madaling araw at wala nang masyadong estudayante ng Montecillo University.
Nakasaklob ang buo niyang ulo ng hoodie at nakayukong naglalakad. Hindi niya inalintana ang mga CCTV sa paligid na bente-kuwatro oras na nakabukas para sa seguridad ng eskwelahan. Hindi naman siya makikilala dahil nakasuot siya ng hoodie jacket at balot na balot ang katawan. Kung sakali mang may mag-report sa kanya sa disciplinary office, malamang ay hindi siya aamin.
Pinuntahan kaagad niya ang field ng school kung saan siya nakalalanghap ng sariwang hangin. Nang makarating sa athlete field ay humiga siya sa isa sa mga bench doon at pinagmasdan ang kalangitan. Habang pinanonood niya ang mga stars sa langit ay nagulat na lamang siya nang biglang may lalaking bumulaga sa kanyang harapan na naging dahilan sa naputol niyang pagmumuni-muni.
“Who are you?” Napabalikwas siya ng bangon nang makita ang hindi pamilyar na mukha sa kanyang harapan. Bigla na lang kasi itong pumuwesto sa kanyang kinahihigan kaya ganoon na lamang ang pagkagulat ni Eli.
“F*ck!” Napahawak siya sa dibdib niya sa kaba. “Kinabahan naman ako sa iyo, paps. Akala ko, may multo na rito. Kanina ka pa ba riyan?” tanong ni Eli sa lalaking bigla na lang sumulpot sa harap niya.
“Do I look like a ghost? At saka sino ka ba? Bakit ka nandito ng ganitong oras?” angil nito. Mukhang may makakasabay na si Eli pagdating sa pagiging pasaway.
“Eli,” pakilala niya nakipagkamay rito. Pero mukhang wala sa mood ang lalaki kaya hindi na lang siya nakipagkamay rito.
“Hindi ba, ikaw 'yong nakita ko sa disciplie office noong first day?” dagdag pa nito.
Naalala niya na bago siya pumasok sa opisina ng ama ay may pinagagalitan itong mga estudyante — at isa na roon ang lalaking kausap. Nangyari iyon nang muli siyang ipatawag ng ama dahil may makaaway siyang estudyante maliban kay Cole. Tinapunan ba naman siya ng orange juice sa mukha ng estudyante dahil masama daw siyang tumingin. At dahil bad-mood si Eli ng araw na iyon, pinatulan niya ang lalaki. Instant three times disciplinary office tuloy ang araw na iyon sa kanya. Iyon din 'yong araw na nakilala niya si Mona, tinawag siya noon ng ama at paakyat na sana siya ng dormitory nang biglang kuhanin ng Iñigo ang atensyon at sabihin ang walang kamatayan nitong linyang “To my office, now!”
“Yeah! Kami nga 'yon. First day pa lang pero ang dami kaagad nangyari. That Thunder should be blamed. Siya naman kasi ang nagsimula ng lahat,” giit nito na kaagad na tumiim ang panga at naningkit ang mga mata.
Walang kaalam-alam ang lalaki noong unang araw ng pasukan na ama niya si Iñigo. Hindi niya kasi pinapaalam iyon sa lahat pero kung matuklasan man ng ibang estudyante kung ano’ng klaseng relasyon sila ng ama, wala na siyang pakialam dahil hindi naman din siya itinuring na anak ng amang si Iñigo. Normal na estudyante nga lang siya kung itrato ng ama kaya okay lang na gawin ang bagay na gustuhin niya. Makaganti man lang sa inis niya sa kanyang tatay.
“Eh, ano bang nangyari noong araw na ’yon?” usisa ni Eli.
“Long story. Bakit ka nga pala nandito? Buti walang nakakita sa iyo at hindi ka nahuli ng SSG President? Nakakaumay sumunod sa kanila.”
Kung mahuhuli man siya, much better. Para naman mas lalong kumulo ang dugo ng ama niya.
“Tss. I can do whatever I want. Hindi naman tayo mga preso rito para kontrolin na lang nila sa oras na gustuhin nila,” sambit ni Eli.
Pero sa totoo lang, kahit nagpapasaway siya sa ama, nangingig pa rin ang tuhod niya kapag kaharap si Iñigo. Ganoon yata talaga ang aura ng ama niya, kahit ang pinakapasaway, nagagawa nitong patinuin. Pero hindi siya. Kaht ano’ng mangyari, gagawin niya ang gusto niyang gawin sa buhay.
“Matapang ka rin pala.” Tinapik ni Thiago ang balikat ni Eli. “Kailangan ko na palang bumalik sa dorm ko. Baka kasi may makahuli sa akin dito at ipatapon ako sa kung saan,” ani Thiago.
“Sige,” tipid niyang wika.
“Hindi ka pa ba babalik sa dorm mo?” tanong ni Thiago na babalik akmang aalis na sana.
“Mamaya na siguro. Hindi pa naman ako inaantok.”
Isa iyong malaking himala. Madalas ay antukin si Eli kaya hindi niya maintindihan kung bakit siya hindi makatulog. Marahil ay hindi pa ito sanay na matulog sa ibang kuwarto kaya hindi siya dalawin ng antok.
“Gotta go,” paalam ng lalaki pero ilang metro pa lang ang naihahakbang nito ay muli siya nitong binalingan. “Thiago,” the lad said. Huli na nang mapagtanto ni Eli na nagpakilala pala ito.
“Thiago,” patango-tango niyang sabi.
Nagpalipas muna ng ilang minuto si Eli sa lugar na iyon at nagbaka-sakaling dadalawin siya ng antok. Matapos ang trenta minutos ay saka pa lamang siya nagdesisyong tumayo. Pero bago pa man siya makahakbang ay nakakita siya ng liwanag sa hindi kalayuan.
“Lagot na. . .” bulong niya. Sino naman kaya ang paoarating na iyon na may hawak na flashlight at mukhang papalapit sa kinaroroonan niya?
BINABASA MO ANG
MU Series: The Gentle Bully
Teen FictionMontecillo University - wala sa isip ni Eli ang pumasok sa university na ito. Pero dahil sa kagustuhan ng ama, wala siyang nagawa. Maraming pagbabago ang naganap sa buhay niya noong kuhanin niya ang kursong BS Psychology, doon niya kasi nakilala si...