"FINE." Bagsak ang balikat at walang ganang lumabas na tinalikuran ni Eli ang ama. End of conversation. Wala na naman siyang nagawa. Kung susuwayin niya ang Discipline Head, baka lalo lang siyang pag-initan nito.
Papalabas na sana siya ng opisina nang mapansin ang lalaking basta na lang pumasok sa loob ng office para magtanong. Wala itong kibo at halos itago ang mukha sa kanya.
"Hey! What are you still doing there? Sasama ka ba?" tanong niya rito.
"Y-Yes!" Agad namang binuhat ng lalaki ang bag nito pero nananatiling nakayuko. Hindi niya alam kung mahiyain lang siguro ito o umiiwas sa kanya.
Habang naglalakad siya palabas, nakasunod lang ang binata sa likod niya. Nakakunot ang noong saglit na tiningnan ang lalaking sumusunod sa kanya. Nakapagtataka naman. Hindi niya maiwasang mag-isip ng hindi tama. The guy was so weird and he looks not normal like the other students of Montecillo University.
Nakakaramdam siya ng hindi maganda sa lalaking iyon. Hindi kaya, suicide bomber ang isang ito? Naalerto siya. Kung sakaling totoo ang hinala niya, nasa delikadong sitwasyon ang buong Montecillo University. Hinintay niyang magpantay ang lakad nila ng lalaki at bahagya siyang lumapit dito.
"Kung may binabalak ka, huwag mo nang ituloy," pabulong na paalala ni Eli sa kasama.
"H-ha? Ano bang sinasabi mo?" saad nito na hindi pa rin makatingin sa kanya nang diretso.
"Suicide bomber ka, 'no? Umamin ka na bago pa ako tumawag ng pulis," banta naman ni Eli.
"Nababaliw ka na ba, pare? Paano mo nasabing suicide bomber ako?"
"Huwag ka nang magsinungaling. Kita naman sa hitsura mo na may masama kang balak, eh."
"Eh, siraulo ka pala, eh!" Hindi na napigilan ng lalaki ang sumigaw.
"Guys! May bomba sa bag ng lalaking 'to!" sigaw ni Eli na naging dahilan ng komosyon sa buong unibersidad. Maya-maya lamang ay tumunog ang emergency bell ng eskwelahan at nagsitakbuhan ang karamihan ng nasa loob.
"Siraulo ka ba?!"
"Akin na 'yang bag mo!" Inagaw ni Eli ang bag na hawak ng lalaki.
"Bitawan mo 'ko! Akin na 'yang bag ko!" Pilit na hinahatak ni Eli ang bag nito.
"Ibigay mo sa akin 'yan!"
Hindi pa rin nagpapaawat ang dalawa. Ayaw pa rin pumayag ni Eli na hindi niya makukuha ang bag ng lalaki. Dahil sa nangyaring kaguluhan, kahit si Iñigo na abala sa opisina ay lumabas.
"What's the commotion about?!" sigaw niya pero hindi pa rin natitinag ang mga estudyante. Halos mag-hysterical ang iba at dahil nga sa kaguluhan ay bahagyang naantala ang klase ng buong university.
Wala nang magagawa si Iñigo. Kailangan na nitong daanin sa malalang paninindak ang lahat. Kinuha niya ang megaphone sa office at pumuwesto sa gitna mg lobby.
Huminga ito nang malalim bago itinapat ang megaphone sa bibig. "Stop!" Umalingawngaw sa kabuoan ng Montecillo University ang boses nito dahil sa lakas ng kanyang sigaw.
Napatakip ng tainga ang mga tao sa paligid. "What is happening to you, Montecillians?!"
Agad namang sumagot si Eli. "Dade! May bomba sa bag ng lalaking ito!"
"Ano bang sinasabi mong bomba? Walang bomba sa loob ng bag ko!" pagmamatigas ng lalaking dapat sana ay ihahatid ni Eli sa dorm nito.
"Eh, bakit ayaw mong ibigay sa akin ang bag, mo?!" singhal ni Eli.
"Kasi. . . ano. . ." Hindi maituloy ng lalaki ang sinasabi nito.
"Kasi natatakot kang malaman ng buong taga-MU na may bomba nga sa bag mo!" giit ni Eli.
"Hindi, ah! Bakit ba kasi —"
"That's enough!" awat ni Iñigo. Duda ito sa sinasabi ng anak. Alam kasi nito na napakahigpit ng seguridad sa Montecillo University kaya imposibleng makakalusot ang bomba sa loob ng unibersidad.
"Dade! Hindi man lang ba tayo tatawag ng pulis para ipakulong ang lalaking ito?!"
"Don't call me that way when you're inside here. Call me 'Sir Iñigo'. Understand?" Iñigo said with authority on his voice.
"But—"
"Do. You. Understand?" ulit pa nito na nanlalaki ang mga mata kay Eli.
"Yes. . . Sir Iñigo." Walang nagawa si Eli.
"You two. To my office, now!" Tila naging paborito nang linya ni Iñigo ang mga salitang iyon kapag may nakikita itong hindi magandang gawain ng mga estudyante sa Montecillo University.
"What?!" sabay na wika ng dalawa.
Walang nagawa si Eli at ang kabangayan nito kung hindi ang sumunod na lamang kay Iñigo. Pero dahil gustong patunayan ni Eli na tama ang hinala niya, sinigurado niyang may
mapapala siya at mapapatunayan sa ama na hindi siya nagkamali."Put your bag here," utos ni Iñigo sa lalaki nang makapasok na silang tatlo sa opisina.
"Sir?"
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? I said put your bag on my table," pagpupumilit ni Iñigo.
Wala namang nagawa ang lalaki kung hindi ang sundin na lang siya. Dahan-dahan pa nitong ibinaba ang bag sa mesa. Tiningnan muna ni Iñigo ang lalaki. Tila ba sinusuri nito ang binata, pero mukha namang hindi ito kahina-hinala tulad ng iniisip ng anak nitong si Eli.
"Where's your school ID?" usisa ni Iñigo.
"H-Heto po." Agad namang ibinigay ng lalaki ang school ID nito kay Iñigo.
"Colossus Villegas. Are you new here?" tanong ni Iñigo nang mabasa ang pangalan nito sa ID.
"Opo, Sir."
"I'm sure, peke ang ID na iyan," bulong ni Eli.
"Eli, you shut your mouth! Hindi ganoon kadali pekein ang school ID ng Montecillo University!" giit ni Iñigo.
"Why don't you check the authenticity of it. Baka nagagawa ng mga taga-Recto 'yan."
Napabuntonghininga na lang si Iñigo. "Colossus, do you have your enrollment records?" Hindi talaga magpapatinag si Eli kaya kailangan ding mapatunayan ni Iñigo na mali ang hinala nito at hindi niya puwedeng i-underestimate ang university na papasukan niya.
"Y-Yes, sir. Sandali lang po." Agad namang kinuha ni Colossus ang mga records na hinihingi nito. Kompleto at walang kulang ang mga ibinigay na papeles ni Colossus.
"Good. These are authentic. No one can replicate these papers, Eli."
"Bakit hindi n'yo na lang po halikwatin ang bag niya para mapatunayang tama ako?" Hindi talaga nagpatinag ang anak.
"Okay." Kalmado pang kinuha ni Iñigo ang bag, binuksan iyon, at binulatlat ang gamit sa loob. Wala naman itong nakitang kahina-hinalang gamit o bagay na puwedeng makapanakit pero may isang bagay siyang napansin na hindi nakaligtas sa kanyang paningin.
"S-Sir. . . kasi. . ."
Kinuha nito ang bagay na iyon. "What's this?"
Nagsalubong ang kilay ni Eli nang makita ang hawak ng ama. "Bakit ka may panty liner sa bag?"
Paanong nangyari na ang isang lalaki ay may nakasilid na panty liner sa kanyang bag?
BINABASA MO ANG
MU Series: The Gentle Bully
Teen FictionMontecillo University - wala sa isip ni Eli ang pumasok sa university na ito. Pero dahil sa kagustuhan ng ama, wala siyang nagawa. Maraming pagbabago ang naganap sa buhay niya noong kuhanin niya ang kursong BS Psychology, doon niya kasi nakilala si...