"PARE, ayos ka lang ba?" Panay ang tingin ni Eli sa lalaking nabangga niya. Salitan ang mga matang ibinabaling sa daan at sa duguang binatang nasa tabi niya. Fear was drawn on his face as he was rushing his car to the nearest hospital.
Mabilis ang mga naging pangyayari kanina. Hindi niya sinasadyang mabangga ang lalaking iyon. Bakit ba naman kasi bigla na lang itong sumulpot sa harapan niya?
"Don't worry, malapit na tayo sa hospital," sabi niya rito pero mukhang wala itong naririnig dahil wala na itong malay. Sana naman, hindi pa siya patay. Halos magdasal na si Eli sa mga santong kilala niya sa mga oras na iyon. Kung may bagay man siyang hininihiling, iyon ay ang maka-survive ang lalaking iyon. Kahit hindi niya kilala ito ay alam niyang responsibilidad niyang iligtas ito dahil siya naman ang may kasalanan ng lahat. Hindi siya patutulugin ng konsyensya niya oras na may mangyaring masama sa taong 'yon.
Fifteen minutes. Iyon ang itinagal ng biyahe nila mula sa Montecillo University patungong ospital. Kaagad siyang bumaba ng sasakyan at sumugod sa emergency room.
"Nurse, I need help," sabi niya sa unang nurse na nakita nang makapasok sa emergency room.
"Sir, sorry but—"
"I said, I need help! May lalaking duguan sa kotse ko at nag-aagaw buhay! I don't need to hear your explantion. Ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko? I. Need. Help!"
Tumalima ang nurse na kausap niya. "Y-Yes, sir. Nasaan po ba ang pasyente?"
"Come with me," utos niya at kaagad naman siyang sinundan ng nurse. Tumawag na rin ito ng mga back up.
Pinulsuhan muna ng nurse ang duguang lalaki sa kotse ni Eli. Nang masiguradong may pulse pa ito ay saka lamang dinala ng nurse ang walang malay nitong katawan sa stretcher. Nang masiguradong safe na ang lahat ay saka ang mga ito dumiretso ng emergency room.
"Sir, sorry pero hanggang dito lang po kayo," pigil ng nurse sa kanya bago isara ang green na kurtina. He just heard how the doctor and nurses reviving the guy. Hindi niya mapapatawad ang sarili oras na may mangyari sa lalaking iyon.
Halos isang oras din ang itinagal bago lumabas ang doktor. Agad na tumayo si Eli at nilapitan ito.
"Doc, k-kumusta po siya?"
"Relative ka ba niya?" tanong nito.
"H-Hindi po. Nakita ko lang po siyang nakahandusay sa daan matapos banggain ng kotseng nasa harapan ko," pagsisinungaling niya. Ayaw man niyang magsinungaling pero ayaw din niyang may makaalam ng totoong nangyari.
"He had a serious injury. Nagkaroon ng internal hemorage sa kanyang ulo at kailangan naming operahan siya as soon as possible. The only thing that we can do for now is to find his immediate family. We need their consent," paliwanag ng doktor.
Naalala niyang nasa kotse niya ang phone nito. Nahulog iyon nang buhatin ito ng mga nurse.
"Leave it to me, doc. Ako na po ang bahala," wika ni Eli.
"Thank you," sambit ng doktor matapos siyang tapikin sa balikat. That's the least thing he can do to ease the guilt he felt.
Kaagad siyang bumalik sa sasakyan at kinuha ang phone na nasa shutgun seat lang ng kotse niya. Mabuti na lang at walang lock ang screen kaya madali niyang nakita ang mga contacts nito.
"Little Twinny?" ani Eli. Iyon ang unang bumungad sa kanya nang buksan niya ang nasa contact lists ng telepono. He assumed that it was that guy twin brother or sister so Eli decided to call the number.
"Hello?"
*****
"PAANO, girl? Iwan na kita. Baka hinahanap na ako nina mama at papa. Alam mo naman 'yong dalawang 'yon, daig pa ang pari kung manermon," wika ni Trixie nang maihatid siya sa tapat ng bahay nila.
"Hindi ka man lang ba muna papasok?" alok ni Cassy.
"Hindi na. Marami pa kasi akong gagawin, eh. I'll just call you na lang."
"Sige. Thank you sa libre, girl." Nakipagbeso-beso muna si Cassy sa kaibigan bago siya pumasok sa gate ng kanilang bahay. Nang mawala na sa paningin niya ang kaibigan ay saka pa lamang niya binuksan ang maliit na tarangkahan.
She was expecting that his Kuya Cole was already at home. Ang sabi kasi nito ay saglit lang daw ito sa Montecillo University kaya inaasahan niyang nauna pa itong makauwi sa kanya.
"Kuya... I'm home!" sigaw niya nang makapasok ng bahay. Medyo masakit na ang talampakan niya dahil sa maghapong paglalakad nila sa mall kaya naman umupo muna siya sa sofa at tinanggal ang sapatos.
"Kuya?!" pagtawag niya ulit sa kapatid pero wala siyang naririnig na tugon mula rito.
Baka nasa MU pa siya. Minabuti na lang niyang hintayin ito.
Nang ilagay ang sapato sa shoe rack ay bigla namang nag-ring ang phone niya. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay number ni Cole ang bumungad sa kanya.
"Oh, kuya, nandito na ako sa bahay. Matagal ka pa ba?" tanong niya.
"H-Hello, Miss?" Nagsalubong ang kilay niya sa pagtataka. Hindi iyon ang boses ng Kuya cole niya at lalong hindi siya tatawagin nito ng 'miss'.
"Hello? Sino 'to? Bakit nasa iyo ang phone ng kuya ko?" Sunod-sunod ang naging tanong niya hindi lang sa kausap kundi pati na rin sa isipan.
Doon na siya kinutuban nang masama. "Actually, miss. Nasa hospital kami ngayon. Your brother just had an accident earlier. I will send you the address of the hospital para mapuntahan mo siya."
"W-What?!" Hindi niya halos maigalaw ang katawan sa narinig. Nagsimulang mamuo ang luha sa kanyang mga mata.
Ang buong akala niya ay nasa Montecillo University lamang ang kapatid pero nang matanggap niya ang tawag ay halos gumuho ang mundo niya.
May masamang nangyari ka Cole at hindi siya maaaring tumunganga na lamang doon at walang gawin. Kaagad siyang lumabas ng bahay at pumara ng taxi. Kailangan niyang puntahan ang kapatid upang tiyakin kung ano ang kalagayan nito.
"Manong, pakibilisan mo po," sabi niya sa driver na nasakyan.
"Saan po ba tayo pupunta, ma'am?" tanong ng driver. Eksakto namang natanggap na niya ang mensahe mula sa numero ng kanyang kuya.
"Dito po." Ipinakita niya ang address na nasa phone sa taxi driver. "Pakibilisan po, please."
"Opo."
Hindi niya puwedeng sayangin ang oras. Buhay ng kapatid niya ang nakasalalay rito kaya bawat minuto at segundo ay mahalaga sa kanya.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Gentle Bully
Teen FictionMontecillo University - wala sa isip ni Eli ang pumasok sa university na ito. Pero dahil sa kagustuhan ng ama, wala siyang nagawa. Maraming pagbabago ang naganap sa buhay niya noong kuhanin niya ang kursong BS Psychology, doon niya kasi nakilala si...