“What?! Muntik ka na niyang halikan?!” Iyon ang naging bungad ni Trixie nang maikuwento ni Cassy ang nangyari sa kanila ni Eli kanina lang. Nasabi na niya rin naman dito na alam na ng binata ang pagkatao niya kaya hindi na rin tama lang din na ikuwento niya sa matalik na kaibigan ang lahat.
“Sige, lakasan mo pa para marinig ka sa buong campus,” sabi ni Cassy sabay takip ng mukha.
“Ay, sorry. . .” bulong ni Trixie at nag-peace sign. Luminga-linga pa ito sa paligid upang masiguradong walang nakarinig sa kanya. “Pero maiba tayo, girl. Mukha may namumuong something sa inyo ni Eli the bully, ah?” Kakaibang ngisi ang gumuhit sa labi ni Trixie. At mukhang may namumuo rin ang pagkamalisyosa nitong kaibigan niya sa tingin pa lang ng mga mata nito sa kanya.
“Nako! Walang gano’n. Tigilan mo ’yang pagiging malisyosa mo.” Ayaw man aminin ni Cassy pero kung may mabuo mang romantic feelings sa kanilang dalawa ni Eli, wala naman siyang nakikitang masama. Kaya lang, sa sitwasyon nila, mukhang malabong mangyari.
“Ito naman, mukhang okay naman si Eli, ah? Wala namang masama kung magiging kayo? Isa pa, mukhang malaki ang pinagbago niya simula nang nakasama ka niya,” paliwanag ni Cassy.
Malaki ang pinagbago ni Eli? Napakunot ng noo si Cassy.
“Paano mo nasabi? Kilala mo na ba ’yong tao?” Wala siyang ideya kung paano nasabi ni Trixie ang bagay na iyon. Sa pagkakaalam niya kasi, sabay lang sila ng binata na pumasok sa Montecillo University kaya hindi pa niya gaano ito nakikilala.
“Hindi—”
“Oh, hindi naman pala, eh. Who are you to judge?” irap na wika ni Cassy.
“Girl, ano ka ba? I have all the resources. That Eli was a well-known bully sa Dalton University before bago pa siya pumasok dito. Well, base sa mga kuwento, may muntik na raw magpakamatay na student sa school nila before dahil sa kanya.” At that moment, Cassy realized now that she didn't know about Eli’s pass. Pero bakit nga ba niya kailangan pang alalahanin ang bagay na iyon ganoong hindi naman talaga dapat. Kaya lang, sa narinig niya mula sa kaibigan, she couldn't help but to think if she would avoid Eli. Pero mukhang kahit ang pag-iwas sa binata ay mahirap at mailap para sa kanya dahil unang-una, madalas silang magkasama sa klase at pangalawa, hawak siya nito sa leeg dahil sa sekretong hawak nito tungkol sa pagkatao niya.
“Paano mo naman nasigurado na totoo 'yan?” Napainom tuloy si Cassy ng apple juice sa nalaman. Tila ba natuyuan siya ng lalamunan sa narinig sa kaibigan.
“Well, it’s just hearsays. Kung totoo man, mag-ingat ka na lang sa kanya,” paalala ni Trixie.
“Hindi naman siguro ganoon si Eli.”
“Wow! Nag-iba yata ang ihip ng hangin. Dati-rati, halos isumpa mo na ang lalaking ’yon. Bakit parang ngayon, tagapagtanggol ka na niya?” Muling bumalik ang malisyosang ngiti ni Trixie.
“Ewan ko sa ’yo.” Hindi na nakipagtalo pa si Cassy. Baka kasi mas lalo pang mag-isip ng kung ano si Trixie.
Sa kanila namang pag-uusap ay nakatanggap si Cassy ng isang message sa phone niya.
May ipapakita raw siya. Ano naman kaya ’yon?
BINABASA MO ANG
MU Series: The Gentle Bully
Teen FictionMontecillo University - wala sa isip ni Eli ang pumasok sa university na ito. Pero dahil sa kagustuhan ng ama, wala siyang nagawa. Maraming pagbabago ang naganap sa buhay niya noong kuhanin niya ang kursong BS Psychology, doon niya kasi nakilala si...