WALANG humpay ang pagtawa ni Beau kay Eli nang ikuwento niya ang nangyari sa kanya sa bookstore kanina lamang. Nasa isang milk tea shop sila at maraming taong naroroon pero parang walang nakikita si Beau sa paligid kung pagtawanan ang kaibigan.
"Akala ko. . . Akala ko sa mga video ko lang mapapanood ang kiss or slap challenge, hindi mo naman sinabing kumasa ka na pala!" buyo nito sa kanya at muling tumawa.
"Shut up! Hindi nakakatawa!" inis na wika ni Eli kay Beau. Natural lang sa kanilang magkakaibigan na magbiruan paminsan-minsan pero sa kanilang tatlo, siya ang madalas mapikon.
"Paps, bakit naman kasi pinagawa mo sa kanya pareho? Ang choice lang naman ay 'kiss' or 'slap'!" dagdag pa nito na hindi talaga siya tinitigilan.
"Alam mo, paps, isa na lang talaga, ibubuhos ko sa iyo 'tong milk tea na iniinom ko!" banta naman ni Eli. Saka pa lamang tumigil si Beau nang makita nitong inaalis na niya ang takip at nagbabadyang bubuhusan ito.
"Ikaw naman, hindi na mabiro. Huwag! Sayang ang outfit ko na 'to!" awat nito sa kanya. Proud pang ipinakita ni Beau ang bagong bili niyang polo shirt na black and white stripe.
"Akala ko. . ." Napasandal si Eli sa kinuupuan niya nang matigil na si Beau.
"Pero ano bang nangyari? Bakit bigla kayong nag-kiss?" usisa ni Beau. Nakulangan ito sa kuwento ni Eli at dahil may pagkausisero ang kaibigan ay gusto pa nito ng karagdagang detalye sa totoong nangyari.
"It wasn't my intention to kiss her. It was just an accident! Malay ko bang magugulatin ang babaeng 'yon. Bakit kasi palagi ko na lang siyang nakikita kung saan-saan. Daig pa niya ang stalker," kuwento ni Eli.
"Palaging nakikita?" Napaisip si Beau. "You mean, ito 'yong babaeng accidentally natapunan ng coffee ang damit mo?" dagdag nito.
"Siya nga," dismayadong tugon ni Eli.
"Paps, hindi kaya siya na ang destiny mo?" natatawang sambit bi Beau na nagsabay ang pagtaas-baba ng kilay na para bang nang-uuyam.
"Destiny my ass. Wala akong balak ma-in love sa babaeng walang ginawa kung hindi sirain ang araw ko." Wala yatang araw na kapag nagkikita sila ng babaeng iyon ay gumaganda ang araw niya. Kung hindi kamalasan ang dala nito, puro kahihiyan naman ang nararanasan niya. Kaya itinatak na ni Eli sa kanyang bokabularyo na hinding-hindi niya mamahalin ang babaeng iyon kahit kailan.
"Huwag kang magsalita nang tapos, paps. Baka kainin mo rin 'yan sa mga susunod na araw, sige ka."
No. Kahit gumuho pa ang mundo, ipinapangako ni Eli na hinding-hindi siya magkakagusto sa babaeng nahalikan niya kanina.
"Maiba nga tayo. Nasaan ba si Ariston?" pag-iiba niya ng usapan para lang mawala sa isipan niya ang nangyari.
"Hindi ko nga alam, eh. Pero na-chat ko na, ang sabi, malapit na raw siya."
"Mga paps!" sigaw ng pamilyar na boses malapit sa kinaroroonan nila.
"Oh, ayan na pala, eh!" ani Beau.
Kaagad namang umupo si Ariston sa bakanteng upuan. "Ano'ng balita?"
"Saan ka galing? Hindi mo ba alam na itong kaibigan natin ay nakahalik na?" wika ni Beau. Napakapit na lang si Eli sa noo nang marinig ang sinabi nito kay Ariston.
Delikado na. Siguradong panibagong pang-aalaska na naman ang aabutin niya sa dalawa.
"Ay, talaga nga naman! Matinik din 'tong kaibigan natin, ano? Akalain mong wala pa sa MU ay nakatuka na!" Lumabas na naman ang pagiging Batangueño ni Ariston. Isa lang ang ibig sabihin niyon, kailangan niyang ihanda ang sarili at habaan ang pasensya dahil siguradong hindi siya titigilan ng dalawang ungas niyang kaibigan.
"Nakow! Sinabi mo pa, paps. Ay, hindi la'ang iyon: nakatikim din ng sampal pagkatapos tumuka, eh! Kainaman! Kita mo mo ga ang mukha?! Namo'y kamatis sa pula!" Hindi tuloy matingnan ni Eli ang dalawa sa hiya. Pinagtitinginan na rin sila ng mga tao sa paligid dahil sa puntong Batangueño nila at daig pa ang naka-megaphone kung mag-usap ang dalawa sa lakas ng boses.
"Ala! Ay, u-oh nga! Tunay namang kasakit niyan, ah!" sambit naman ni Ariston.
"Tumigil nga kayo! Nakakahiya sa mga tao rito!" awat niya sa dalawa.
"Mahihiya ka pa ga naman ay tayo-tayo lang naman din ang magkakasama!" sabi ni Ariston.
"Pinagtitinginan na kayo ng mga tao sa paligid! Hinaan n'yo lang ang boses ninyo," bulong niya sa dalawa.
Sabay namang tiningnan nina Ariston at Beau ang mga taong nakapalibot sa kanila. Saka lang na-realize ng mga ito na halos nasa kanila na ang atensyon ng mga tao sa paligid nang ikutin ng dalawa ang paningin ng buong milk tea shop.
"Oo nga pala. Sorry naman, nadala lang kami," ani Beau.
"Ang mabuti pa, sa condo ko na lang muna tayo tumambay! Gusto ko nang magpahinga," anyaya ni Eli.
Tatayo na sana ang dalawa nang biglang magsalita si Beau. "Teka lang, groufie muna tayo!" Inilabas nito ang phone niya at tumawag ng isang staff. "Boss, can you take a picture of us?"
"Sure, sir." Agad ibinigay ni Beau ang phone sa staff.
"Salamat."
Pumuwesto si Eli sa gitna ng dalawa. Si Beau naman ay nag-post na kunwaring umiinom ng milk tea nito habang si Ariston ay hinanda ang sarili sa kanyang finger heart post.
"Say cheese. . ."

Matapos makuhanan ay agad na ibinigay ng staff kay Beau ang kanyang telepono.
"Salamat, boss!" Sumaludong tumayo si Beau sa upuan matapos silang kuhanan nito ng picture.
Sabay-sabay na naglakad ang tatlo patungo sa parking kung saan naka-park ang kotse ni Beau. Nang makasakay sila ay hindi pa rin mawala sa isipan ni Eli ang babaeng iyon na sumampal sa kanya matapos ang accidental kiss nila. Wala naman talaga sa expectation niya na magkikita sila ulit ng babaeng 'yon. Hindi rin niya alam kung bakit parati na lang silang pinagtatagpo ng landas. And everytime they crossed their paths, palaging kamalasan ang dala nito sa kanya: noong una ay natapunan siya nito ng kape tapos ngayon naman ay bumagsak siya at nasampal na naman nito.
Nakakatawa lang talaga isipin na nagbibiro yata ang tadhana sa kanya at palagi silang nagtatagpo. Hindi niya tuloy mapigilang mapahagikhik habang nagmamaneho ng sasakyan.
"Paps, masama na yata ang tama sa iyo ng babaeng 'yan," tundyo ni Ariston.
"Mukha nga," segunda naman ni Beau.
"Shut up!" Kung nakakangiti siya nang hindi niya namamalayan, baka nga. . . tinamaan na siya ng lintik.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Gentle Bully
Novela JuvenilMontecillo University - wala sa isip ni Eli ang pumasok sa university na ito. Pero dahil sa kagustuhan ng ama, wala siyang nagawa. Maraming pagbabago ang naganap sa buhay niya noong kuhanin niya ang kursong BS Psychology, doon niya kasi nakilala si...