HAWAK ang isang libro, masayang naglalakad si Cassy patungo sa isang bookstore. Sa wakas, may natapos na naman siyang libro mula sa rental area ng bookstore. Hilig niyang magbasa ng mga romantic book series. Pero kahit na madami na siyang nabasang mga romantic series, never sumagi sa isip niya ang pumasok sa isang relasyon tulad ng mga nasa librong madalas niya g basahin. Wala kasi sa konsepto niya ang pakikipagrelasyon. Sapat na sa kanya ang kiligin sa mga nobela at sa paborito niyang PPop Group na SB19. Para sa kanya, okay lang na walang boyfriend kung pakikiligin naman siya ng mga hinahangaan niya.
"Mang Tony!" bati niya sa nagbabantay ng rental bookstore na pinuntahan niya. Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya ay malapad na ngiti kaagad ang isinalubong nito sa kanya.
"Cassy! Kumusta?! Natapos mo na ba?" tanong sa kanya ng lalaki.
"Opo! Ang ganda po ng kuwento! Sobrang nakakakilig!" She expounded how she felt after reading the book she rented.
"Mabuti naman at nagustuhan mo," wika ni Mang Tony sabay kuha ng libro. "Siya nga pala, dumating na 'yong volume two ng binabasa mo noong isang araw, nandoon siya sa taas ng book shelf sa may dulo," dagdag nito.
"Talaga po?!" excited na sabi ni Cassy.
"Oo, gusto mo bang kuhanin ko?"
"Naku! Naku! Ako na po. Kumain na lang po kayo riyan." Napansin kasi ni Cassy na kumakain si Mang Tony ng pansit noong dumating siya. Kaya hindi na siya nagpaabala pa rito.
"Sigurado ka ba?" tanong nito sa kanya.
"Opo."
"Sige. Doon sa may dulo, ha?"
Kaagad namang pinuntahan ni Cassy ang sinasabing bookshelf ni Mang Tony. Pero bago pa siya makarating doon ay napansin niyang may lakaking nakupo sa couch at seryosong nagbabasa. Hindi niya makita ang mukha ng lalaki dahil natatakpan ang mukha nito ng librong binabasa. Kung hindi siya nagkakamali ay horror story ang binabasa nito dahil sa cover.
May bago na palang tumatambay dito. Balak sana niyang kausapin ang lalaking iyon pero mukhang naka-focus ito sa binabasa kaya hindi na lang niya inabala pa ang sariling lapitan ito para sana malaman kung ano'ng hilig pa nitong basahin. Natutuwa naman siya at may bagong tumatambay sa sa lugar na iyon. Hindi na siya mag-iisang magbabasa kung sakali.
Hinayaan na lang muna niya ang lalaki at tinungo ang bookshelf kung saan mahahanap daw niya ang volume two ng binabasa niya. Nang makita niya ang shelf ay napakamot siya ng ulo.
"Ang taas naman nito," reklamo niya. Masyadong mataas ang kinaroroonan ng librong gusto niyang kuhanin. Nilingon muna niya ang paligid para maghanap ng bagay na maaaring makatulong sa kanya. Pero isang bangkito lang ang nakita niya. Agad naman niya iyong kinuha pero nang tungtungan niya iyon ay hindi pa rin sapat ang taas niya para maabot ang libro.
Maya-maya lamang ay nakarinig siya ng tinig mula sa likuran niya. "Miss, tulungan na kita," sabi nito.
Nagulat siya sa narinig at hindi sinasadyang mapaharap siya rito at mahawakan ang dibdib ng lalaki. Dahil sa nangyari, tuluyan silang nawalan ng balanse at nahulog sa ito sa sahig habang siya naman ay nasa ibabaw nito. Eksakto namang sa pagbagsak nila ay napadampi ang labi niya sa labi ng lalaki. Nagulat siya sa nangyari. That was my first kiss! Hindi siya makapaniwala. Pero ang mas nakakagulat ay nang magtama ang kanilang mga mata ng lalaking kinaiibabawan niya. Si Eli! Si Eli ang first kiss niya?!
Hindi niya sinasadyang masampal ang binata dahil sa nangyari. Para bang kusang gumalaw ang palad niya at malakas na dumampi sa mukha ni Eli.
"Ouch!" angal nito.
"Sorry!" Napatakip siya ng bibig at mabilis na tumayo mula sa pagkakapatong kay Eli.
Hindi na niya pinansin kung ano ang magiging reaksyon pa nito matapos niyang magawa iyon sa binata. Sa halip, patakbo siyang lumabas ng bookstore. Paulit-ulit pa siyang tinawag ni Mang Tony pero parang bingi lang siyang lumabas ng pinto.
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla niyang nasampal si Eli. Dahil ba ito ang unang lalaking nagnakaw ng halik sa kanya? Pero teka! Pagnanakaw na ba ng halik ang tawag doon kung hindi naman sinasadyang magdampi ang kanilang mga labi?
Napahawak tuloy siya sa labi niya at hindi pa rin mawala sa isipan ang nangyari kanina lamang. Para bang may umahong kuryente sa buo niyang katawan at nagsitayuan ang balahibo niya habang nananatili pa rin sa isipan ang naganap.
"No! No! Hindi 'to p'wede!" Hinampas niya nang malakas ang magkabilang sentido para lang maalis sa isipan ang nangyari. Pero walang epekto, paulit-ulit na parang sirang-plaka sa kanyang isipan ang lahat.
Hindi niya rin maintindihan kung bakit ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi naman siya kinakabahan. Tila ba iba ang naging epekto sa kanya ng sudden kiss na iyon.
"Nakakahiya!" Napasabunot siya sa buhok at napaupo sa tabing-daan. Hindi niya alam kung makakabalik pa siya sa bookstore na iyon matapos ang lahat.
"Girl!" Pamilyar na boses ang narinig niya sa likuran. Nang lingunin niya kung sino iyon ay nakita niyang palapit si Trixie. "Huy! Ano'ng ginagawa mo riyan?" usisa nito.
"H-Ha? Ano kasi. . ." Hindi niya magawang makasagot. Ano bang dapat niyang sabihin?
"Okay ka lang? Bakit parang namumula ang mukha mo? May sakit ka ba?"
Namumula? Does she mean Cassy was blushing? Dinampi-dampi pa ni Trixie ang palad sa noo niya.
"No! Okay lang ako," saad niya.
"Sigurado ka? Para kasing may sakit ka, eh. Saan ka ba galing?" usisang muli ng kaibigan sa kanya.
"S-Sa bookstore!"
Trixie crossed her arms and said, "Tumambay ka na naman para makita ang mga imaginary boyfriend mo sa book. Hindi mo naman mahahalikan ang mga 'yon sa personal!"
"Actually. . . " Sasabihin ba niya kay Trixie?
"Actually ano?" ani Trixie na nag-aabang ng sagot niya.
Bahala na. "I just had my first kiss," sagot niya.
"W-What?!" Napamulagat si Trixie sa sinabi niya. Hindi nito alam ang magiging reaksyon sa mga narinig. "Sino?" sumunod na tanong niya.
"Si Eli."
"Oh my God! Totoo ba 'yan? Baka ini-echos mo ako, girl. Hindi ka nakakatuwa." Siguro mas okay nang hindi maniwala si Trixie. Kasi kahit siya, hindi rin makapaniwala sa nangyari.
Paano na kaya kung magkita ulit sila? Ano kayang magiging reaksyon nito sa kanya?
BINABASA MO ANG
MU Series: The Gentle Bully
Novela JuvenilMontecillo University - wala sa isip ni Eli ang pumasok sa university na ito. Pero dahil sa kagustuhan ng ama, wala siyang nagawa. Maraming pagbabago ang naganap sa buhay niya noong kuhanin niya ang kursong BS Psychology, doon niya kasi nakilala si...