NAKASUKBIT sa kanang balikat ang isang strap ng bag at nakapamulsang naglalakad si Eli sa corridor. At habang palabas siya ng dorm ay pinagtitinginan siya ng mga nakakakita sa kanya.
“Gosh, ang tapang niya.”
“Oh, God! If ganyan katapang ang magiging jowa ko, I feel safe. . .”
“Ang lakas ng loob niyang tumakas kagabi. Saan kaya niya nakuha ang guts niya para sumuway sa rule?”
Iyon ang mga narinig niyang bulong-bulongan. Mukhang alam na ng lahat ang ginawa niyang kalokohan. Ibang klase pala ang mga estudyante sa school na iyon. Mas mabilis pa kumalat sa virus ang balita tungkol sa kanya. Instant sikat ngayon si Eli dahil sa kalokohang nagawa.
Habang naglalakad, nakita na naman niya si Cole. Saka pa lamang pumasok sa isip niya ang sinabi niya kina Ariston at Beaumont. Tinitigan niya ito nang masama pero si Cole, parang balewala lang.
“Patutunayan kong tama ang hinala ko,” sambit niya. Naputol lamang ang pakikipagsukatan niya ng tingin nang biglang dumating sina Ariston at Beaumont.
“Paps!” Pasigaw na tumatakbo si Beaumont sa kinaroroonan niya at kumakaway-kaway pa ito. Samantalang si Ariston ay relax lang na naglalakad at nakapamulsa pa.
“Saan ba kayo galing?” tanong ni Eli.
“We just ate. Tulog ka pa kasi kanina kaya hindi ka na namin niyaya. Hindi ka tuloy nakalibre kay Baby Tunton!” may kasunod na pagtawang sambit ni Beaumont.
“Shut up, you monkey eating monster!” angil ni Ariston sabay batok kay Beaumont. Pinakaayaw nito sa lahat ang tinatawag siya sa ganoong pangalan.
“Aray naman! I was just joking,” depensa ni Beaumont.
“Anyway, are you going to your class now?” tanong sa kanya ni Ariston.
Umiling naman si Eli. “No. Not yet. Sir Iñigo wants me to be in his office, now.”
Natawa ang dalawa sa sinabi ni Eli. Paano'y alam na niya ang palaging lintaya ng ama sa tuwing may ipapatawag sa office.
“You better change your attitude, paps. Bakit naman kasi may pagtakas ka sa gabi?” ani Beaumont.
“Ano namang gagawin ko? I was bored last night. So, lumabas ako,” paliwanag ni Eli.
Hindi niya gustong malagay sa alanganin ang mga kaibigan kaya pinili niyang siya na lang ang lumabas at huwag nang bulabugin ang mga ito. Mas mabuting siya na lang ang pag-initan ng ama kaysa mapasama pa sina Ariston at Beaumont.
“But you know what? I would love to do that,” ani Ariston.
"You should try.” Binigyan ni Eli ng nakakalokong ngiti si Ariston. Tila ba naghahamon ito sa kaibigan na gawin ang ginawa niya last night.
“Nah. Never mind,” pagtanggi ni Ariston. “Anyway, I have to go. May next class pa ako.”
“Ako rin, paps. Kita na lang tayo mamaya,” paalam din ni Beaumont.
“Sige.” Nang lingunin naman ni Eli ang kinaroroonan ni Cole ay wala na ito.
Binalewala na lang niya iyon. Saka na lang niya iisipin ang gagawin kapag may nakuha na siyang ebidensya na may kakaiba kay Cole. Naglakad siya patungo sa discipline office. Nang makapasok siya roon ay kalalabas lamang ng dalawa pang estudyante. Mukhang kagagaling lang ng ama niya sa sermon.
“I’m here.” Pabagsak na umupo sa mahabang sofa si Eli nang makapasok siya sa opisina.
Kinukusot-kusot pa ni Iñigo ang itaas na bahagi ng ilong na tila stress na stress na sa mga estudyanteng nagpapasaway sa paaralan at dumagdag pa si Eli sa mga ito.
“Eli . . .” Nagbuga muna siya ng hangin. “Kailan ka ba matututo? This is your fourth time here and you still doesn't know the rules!” Hindi magawang tingnan ni Eli ang ama. Nakataas lamang ang isang kilay nito at bahagyang nakanguso na para bang gustong magwala.
“Ginusto mo akong papasukin dito, hind ba?! Then you should know why I'm doing this!” angil niya sa ama.
Kalmado lang si Iñigo at hindi magawang makipagsagutan sa kanya.
“What do you want me to do para matigil na ’to? Nakakapagod ka na! Hindi na nakakatuwa ang ginagawa mo!”
Saka pa lamang niya tiningnan nang matalim si Iñigo. “Wow! Big word! Nakakapagod? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung bakit ko ginagawa 'to? All my life, ikaw ang palaging nasusunod. Mame and I doesn't have the right to say anything against your words. Kasi palagi kang tama. Palagi kang nasusunod. Ikaw ang matalino. Ikaw ang haligi ng tahanan. Ikaw lahat. Tapos tatanungin mo ako kung ano ang gusto kong mangyari?”
Tila binuhusan ng napakalamig na tubig si Iñigo sa mga sinabing iyon ni Eli. Ni hindi nito magawang makakilos o makasagot man lang sa mga salitang ibinabato sa kanya ni Eli. Sa wakas, nailabas din ni Eli ang lahat ng sama ng loob na kinikimkim niya sa ama. Simula kasi pagkabata ay wala siyang ginawa kung hindi ang sumunod lamang sa gusto ni Iñigo. Naisip na siguro nito na may pagkakamali din itong ginawa bilang ama.
"Eli, all the things I did was for your own good. Gusto ko lang namang maging mabuti kang tao kaya ginawa ko ang lahat ng iyon!” saad ni Iñigo.
“Well, guess what?” Bahagyang lumapit si Eli sa ama. “You create a monster instead of angel.”
Hindi na niya pinaisa pa ang ama. Mabilis niyang kinuha ang bag sa sofa at lumabas.
“Eli! Come back here!” sigaw ni Iñigo pero wala itong nagawa. Parang binging naglakad palayo si Eli sa opisina ng ama. Pero umiiyak ito at panay ang pahid ng luha sa mga mata. Hindi niya kayang tiisin na hindi ilabas ang sama ng loob sa kanyang ama kaya ganoon na lamang ang pagtaas ng boses niya nang kausap niya ito kanina.
Habang naglalakad papasok ng classroom ay hindi sinasadyang makabangga siya ng kaklase. Nalaglag pa ang dala nitong gamit kaya naman tinulungan niya munang damputin ang notebook nito na nahulog sa sahig.
Nang balingan niya ng tingin kung sino ang kaklaseng hindi niya sinasadyang mabangga ay laking gulatn niya nang makitang si Cole pala iyon.
“Okay ka lang?” tanong nito.
“Y-Yes, I'm okay.” Mabilis niyang iniwas ang tingin dito at umupo sa kanyang silya.
Eli was mesmerized when he saw the eyes of Cole. Parang may kakaiba sa mga mata nito na hindi niya maipaliwanag. Ang pinagtataka pa niya, nawala sa isip niya na may hinala siya kay Cole. Para bang nawala ang galit niya at napalitan ng kaba nang magtama ang kanilang mga mata.
Hindi kaya . . . huwag naman sana.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Gentle Bully
Teen FictionMontecillo University - wala sa isip ni Eli ang pumasok sa university na ito. Pero dahil sa kagustuhan ng ama, wala siyang nagawa. Maraming pagbabago ang naganap sa buhay niya noong kuhanin niya ang kursong BS Psychology, doon niya kasi nakilala si...