BUONG akala ni Eli ay sa pelikula o kuwento sa libro lamang mangyayari ang lahat. Hindi niya inaasahan na sa isang iglap, bubulaga na sa kanyang harapan ang pinakatatagong sikreto. He went to a bar that night. Panaginip lang sana ang nangyayari. Sana hindi na lang totoo ang lahat. Sana...
"Boss." Napukaw ang atensyon niya ng waiter na nasa harapan. Tila naghihintay ito kung ano ang balak niyang order-in.
"Whiskey on the rock please," he requested. Gusto niyang magpakalango sa alak sa gabing iyon. Hindi niya alam kung paano niya haharapin si Cassy ngayong gising na ang kakambal nito. Sigurado siyang alam na nito ang totoong nangyari kay Cole at hindi siya nito mapapatawad ngayong nalaman na nito na siya ang dahilan ng muntikan nang pagkamatay ng kanyang kakambal.
"Another glass, please," muli niyang wika sa waiter na kaharap nang maubos niya ang iniinom na alak sa shot glass. Alam niyang hindi ang alak ang makareresolba ng kanyang problema pero iyon lang ang tanging nakapagpapakalma sa kanya sa ganooong sitwasyon. Pinagbigyan naman siya ng waiter na nasa kuwarenta anyos na sa tingin niya.
"Family problem?" the waiter said out of the blue.
Napakunot ang noo niya sa narinig mula sa lalaking kaharap. "What?" patay-malisya niyang tugon.
"Ah, babae."
Napataas naman ngayon ang isang kilay ni Eli sa sinambit ng waiter. "Ano bang alam mo?" It was the first time he went to that bar kaya hindi niya alam kung bakit parang feeling close kaagad ang waiter na iyon sa kanya.
"Boss, sampung taon na akong nagtatrabaho rito. Lahat ng nagiging costumer ko; kung hindi nagpapagpag pagkagaling sa trabaho o school, may mabigat na dinadala." The man looked at him like reading his mind. "At tingin ko sa iyo, mukhang may nakadagan diyan sa dibdib mo na hindi mo mailabas," he added as he cleaned the wine glasses piled on the bar table.
Eli scoffed. "Bakit? Tingin mo ba, kapag sinabi ko ang problema ko sa iyo, mawawala ba ito?" I guess not." His tone went sarcastic.
"Hindi siguro, boss. Pero alam kong kapag nakinig ako sa iyo, kahit paano ay mababawasan iyang bigat ng nararamdaman mo." It was the first time he met a person who is willing to listen to him, at sa taong hindi pa niya kilala.
Eli drank the glass of whiskey. "Another shot," he just added after he finished his glass.
"I almost killed his brother. Hindi ko naman alam na siya iyon, eh. Hi...hindi ko naman sinasadya ang mga nangyari. I was so messed up that time. My dad wanted me to follow him. He wanted to control my whole life and hindi ko naman alam na mangyayari ang bagay na iyon. I know it's my fault pero bakit parang pinaparusahan ako ng tadhana? Kakambal pa talaga ng babaeng pinakamamahal ko ang taong muntik ko nang mapatay. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon." Bawat katagang binitawan niya ay parang mga karayom na isa-isang tumutusok sa kanyang dibdib. Pero kahit paano nga ay gumaan ang kanyang pakiramdam nang masabi ang mga nararamdaman sa taong kausap.
Narinig na lamang niya ang malakas na buntonghininga ng kausap. Mukhang ramdam din nito ang bigat na dinadala niya sa dibdib. "Hindi ko man alam ang buong kuwento mo, pero nararamdaman kong hindi madali ang pinagdaraanan mo. Alam mo, boss, isa lang ang naiisip kong solusyon diyan sa problema mo."
Eli shook his head, disbelief. "Ano naman 'yon?" he asked.
Kibit-balikat na sumagot ang waiter sa kanya. "Harapin mo, boss. Kung hindi mo haharapin ang problema mo, mas lalo ka lang nitong hahabulin. Mas lalong lalala ang bigat sa dibdib mo kung hindi mo kakausapin ang mga taong nagawan mo ng kasalanan. Humingi ka ng tawad. Baka sa paghingi mo ng tawad sa kanila, maging maayos na ang lahat."
"Paano kung hindi nila ako mapatawad? Natatakot akong mawala sa akin si Cassy."
"Eh, di... hintayin mo lang na patawarin ka niya. Lahat naman tayo, may malaking kasalanang nagagawa sa kapwa natin. Depende na lang kung gaano kalalim ang sugat na maiiwan mo sa taong iyon. Ngunit kahit gaano kasakit ang kasalanang nagawa mo, sigurado akong mapapatawad ka niya. Hindi lang ngayon pero balang-araw, mapapatawad ka rin niya." Sino ba 'tong taong ito? Feeling niya, kilalang-kilala siya ng kausap niya. Kung pagsalitaan siya nito na walang halong panghuhusga ay para bang alam nito ang buong pagkatao niya.
Eli was in confuse staring at the man he was talking to. At the same time, he felt he's going to doze off. The last shot took out his consciousness. Mukhang marami na nga siyang nainom noong mga oras na iyon na naging dahilan para tuluyan siyang mawalan ng malay.
"Sir! Sir!" Narinig na lang niya ang boses ng lalaking paulit-ulit siyang tinatapik. Nang magkamalay ay saka lang niya nakita ang waiter na kanina pa pala siyang ginigising mula sa mahimbing niyang pagtulog. Nakapagtatakang ang waiter ngayon na kaharap niya ay mas bata at tingin niya ay hindi nalalayo sa kanyang edad. Nang tingnan niya ang kanyang cellphone ay nakita niya ang ilang missed calls at text messages mula kay Cassy at sa mga kaibigan niya. Napansin din niya na dis-oras na ng gabi. "Sir, closing nap o kami," dagdag pa ng waiter na gumising sa kanya.
Nang tuluyan na siyang magkamalay ay saka lang niya naalala ang sinabi ng matandang waiter. Humingi ka ng tawad. Baka sa paghingi mo ng tawad sa kanila, maging maayos na ang lahat. "Brad, ano nga palang pangalan no'ng matandang waiter n'yo rito? Iyong nag-serve sa akin kanina?" tanong niya.
"Sir?"
"Si manong waiter, ano'ng pangalan niya?" ulit niya pero may pagtatataka ang waiter na kausap at tila ba walang ideya sa sinasabi niya.
"Sir, ako lang po ang nandito mula pa kanina. Wala rin pong matandang waiter dito maliban sa manager naming na wala naman po dito ngayon," paliwanag sa kanya ng kausap.
Imposible. Ibig sabihin ba noon ay namamalikmata lang siya? Noong una ay natakot siya sa nangyari pero naisip niya na baka isa lamang iyong senyales na kailangan niyang gumawa ng paraan para mawala ang problema niya.
"Keep the change," wika niya na inilapag ang five thousand pesos sa bar table bago nagmamadaling umalis. He needed to do something bago mahuli ang lahat.
"I need to see her. I need to talk to Cassy..."
BINABASA MO ANG
MU Series: The Gentle Bully
Teen FictionMontecillo University - wala sa isip ni Eli ang pumasok sa university na ito. Pero dahil sa kagustuhan ng ama, wala siyang nagawa. Maraming pagbabago ang naganap sa buhay niya noong kuhanin niya ang kursong BS Psychology, doon niya kasi nakilala si...