Chapter 26

32 5 3
                                    

“LAGOT na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“LAGOT na. . .” Hindi malaman ni Eli kung saan susuot lalo’t nakikita niyang palapit nang palapit ang liwanag sa kanya. Siguradong ang guard ng university ang paparating. Bente-kuwatro oras kasi ang pagbabantay sa Montecillo University. May guwardiya sa umaga at pagdating naman sa hapon ay nagpapalit ng shift ang mga ito.

Aligaga siyang naghanap ng matataguan bago pa siya mahuli ng kung sino mang palapit sa kinaroroonan niya. Wala nang oras, kailangan niyang tiisin ang baho sa ilalim ng bench na kinuupuan niya. Amoy bakal na naulanan iyon kaya kailangan niyang tiisin ang malalanghap niya oras na magtago siya sa ilalim ng bangko. At iyon nga ang ginawa niya.

Tinakpan na lamang niya ang kanyang bibig at pinigilang huminga upang hindi maamoy ang nakasusulasok na basura sa ilalim ng bench.

Kailan ba huling nalinis 'to? Sa dami ng basura roon, kahit na sino ay hindi makatatagal na pumuwesto roon. Pero wala siyang magagawa kundi ang magtago.

Dinig na dinig niya ang papalapit na paghakbang ng security guard. Pasipol-sipol pa ito habang naglalakad. At sa kamalas-malasan nga naman, sa tapat pa niya mismo tumigil ang guard. Tumigil pa ito mismo sa pinagtataguan niya at naramdaman na lang niya na tila nababasa ang kanyang damit. Huli na nang malaman niyang umiihi pala ang guard sa kinaroroonan niya.

Kaya siguro ito luminga-linga sa paligid para alamin kung may makakakita sa kanya sa kalapastanganang gagawin. Well, oo. . . may nakakita. At si Eli iyon. Kaya lang, hindi siya puwedeng sumigaw o gumawa man lang ng kahit anong komosyon dahil siguradong mahuhuli siya. Mas lalo pang dumiin ang pagtakip niya sa kanyang bibig at napapikit na lamang sa inis. Sa dami ba naman ng puwedeng ihian, doon pa talaga sa kinalalagyan niya.

“Ahh. . . haaay. . . salamat,” dinig niyang wika nang guard nang matapos itong iraos ang sariling pantog. Nang marinig na ni Eli na nagtaas na ito nang zipper ay saka pa lamang nabawasan ang kaba ni Eli.

Ilang minuto lang din ay tuluyan na itong nakalayo. Saka pa lamang siya lumabas sa pinagtataguan nang masiguradong wala na ito sa field. Nang makatayo siya ay amoy na amoy niya ang mapanghing simoy na nagmumula sa kanyang hoodie.

“Yuck! Nakadiri naman si manong guard! Sa tapat ko pa talaga?!” reklamo niya. Wala na siyang sinayang na sandali. Hindi niya kayang tiisin ang mapanghing amoy kaya nagmamadali siyang bumalik ng dorm.

Pagkapasok na pagkapasok pa lamang niya sa kuwarto ay mabilis niyang hinubad ang suot na hoodie jacket. Pero kahit na nahubad na niya ang suot ay hindi pa rin siya makatiis. Pakiramdam niya ay nakakapit pa rin sa kanyang katawan ang amoy ng ihi ng security guard na walang pakundangang umihi mismo sa harap niya.

“I should take a shower before I sleep,” suhestiyon niya sa sarili bago hinubad ang mga suot na samit at pumunta sa bath room. Kinuskos niyang mabuti ang bawat sulok ng katawan masigurado lamang na walang maiiwang amoy roon. Hindi niya kakayaning matulog na nangangamoy siya. Kaya kahit gabi ba ay nagawa pa rin niyang maligo bago matulog.

*****

NAGISING na lang si Eli sa paulit-ulit na tunog na nagmumula sa labas ng kanyang dorm. Ang aga-aga pero may nangangatok na. Alas-otso pa lamang ng umaga pero mukhang bubulabugin na naman siya ng dalawang kaibigan. Patamad siyang bumangon ng kama at tanging boxer brief lamang ang suot. Mamayang hapon pa naman ang klase niya kaya hindi niya inalala ang oras. Pero hindi talaga siya patatahimikin nina Ariston at Beaumont sa araw na iyon.

“Andiyan na!” sigaw niya na kinukusot-kusot pa ang mata. Kaagad niyang binuksan ang pinto upang salubungin niya ang dalawa kaya lang. . .

“Bakit ba ang—” Natigilan siya na ang makita ang ama pala ang kumakatok. Buong akala niya ay si Beaumont at Ariston.

“Where were you last night?” tanong kaagad ni Iñigo. Lagot na! Mukhang nahuli siya. Pero hindi siya dapat umamin kung ang pagbabasehan lang ay ang suot niyang hoodie jacket na pink.

“Last night? I was here,” sagot niya.

Sinenyasan ni Iñigo ang isang estudyante. Hindi niya alam kung ano'ng ibig sanihin niyon pero bigla na lang pumasok ang estudyante sa loob ng kanyang kuwarto.

“Hey! What are you doing?” tanong ni Eli sa estudyanteng sinenyasan ni Iñigo habang hinahalungkat nito ang laundry basket niya. Maya-maya lamang ay nakita nito ang pink hoodie jacket na suot niya kagabi.

Napapikit at napakagat na lang siya ng labi matapos makita ang iyon. Oo nga pala.

“Nakita sa CCTV na may estudyante na may lumabas ng dis-oras ng gabi na nakasuot ng pink hoodie jacket. Hindi ba, ito 'yon?” Naningkit ang mga mata ni Iñigo.

“Dade—”

“Sir Iñigo. You should call me sir,” diin nito sa kanya.

“Sir, hindi lang ako ang may ganyang hoodie jacket dito. Malay ko ba kung may katulad din ng ganyang jacket ang iba pang students dito!” paliwanag ni Eli.

Bahagyang lumapit sa kanya ang ama.  “Markus Eliazar Alejo.” Tinawag siya nito sa buo niyang pangalan. Ibig sabibin lang niyon ay galit na ito. “Anak kita. Alam ko ang bawat hakbang ng paa mo at kung paano ka maglakad. Baka rin nakalilimutan mo na ako ang nagregalo sa iyo ng hoodie jacket na ito kaya sigurado akong ikaw ang nakita sa CCTV,” sambit nito.

“Bakit ako lang ang pinagbibintangan ninyo? Eh, may kasama pa naman akong isang lalaki—” Napatakip siya ng bibig sa sinabi. Hindi nga pala siya dapat umamin dito. 

“See? So, lumabas ka nga kagabi,” sambit ni Eli.

Tila wala na siyang kawala sa ama. Sa bibig na niya lumabas ang sagot na gustong malaman ni Iñigo.

“Fine! Oo! Ako nga 'yon! So, ano’ng gagawin mo?” May paghahamon na wika ni Eli.

Nagsalubong ang kilay at umigting ang panga ni Iñigo. “Inuubos mo talaga ang pasensiya ko. Hanggang kailan ka ba talaga magiging pasaway?”

“Ang simple naman ng sagot sa tanong mo. S'yempre, hangga’t nandito ako, walang puwedeng makialam sa buhay ko. . .  lalo ka na,” sambit ni Eli.

“Kung inaakala mong aatrasan kita, nagkakamali ka,” banta ni Eli.

“Magbihis ka muna. I need you at my office, now!” sigaw Iñigo.

Ngayong nahuli na siya ng ama na siya mismo ang nasa CCTV, ano kaya ang susunod na magiging hakbang ni Eli?

MU Series: The Gentle BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon