Chapter 7

60 7 9
                                    


HANGGANG sa pag-uwi, hawak pa rin ni Cassy ang shirt na pinalalabhan sa kanya ni Eli. She couldn't even imagine that a guy like Eli can treat her like his slave. Wala pang nakagagawa sa kanya ng ganoong bagay, si Eli lang.

Habang nasa taxi siya kasama ang kaibigang si Trixie na panay ang hagikhik sa phone, nakatitig lang siya sa damit na hawak.

"That guy! Argh!"

Kung puwede nga lang niyang gutay-gutayin ang damit na iyon ay nagawa na niya. Kaso, tulad nga ng sinabi ni Eli, baka kulang pa ang monthly allowance niya kung babayaran niya ang damit na iyon. Nagtitipid pa naman sila sa mahal ng bilihin ngayon. Mabuti na nga lang at inilibre siya ni Trixie ng pan-taxi. Mas gusto pa sana ni Cassy na mag-jeep pauwi pero mapilit ang kaibigan at ito na lang daw ang bahala sa pamasahe niya. Ayaw kasing naiinitan ni Trixie kaya pumayag na siya.

"Ang guwapo talaga nila!" ani Trixie sabay hagikhik. Nang silipin naman ni Cassy ang phone ng kaibigan ay nakita niya ang litrato ng dalawang kaibigan ni Eli.

"Guwapo nga, ang sasama naman ng ugali," singhal ni Cassy sabay umirap ang mga mata.

Nawala ang ngiti ni Trixie at nabaling ang atensyon nito kay Cassy. "Alam mo, girl, kulang ka sa aruga. Palibasa kasi hindi ka pa nagkaka-boyfriend. Hanap ka kaya, para may mag-aaruga sa iyo," bawi naman ni Trixie sa kanya.

"No. I don't need boyfriend. Lalo na kung kasing sama ng ugali ng Eli na 'yon," giit naman ni Cassy.

Nagbuga ng mabigat na hangin sa dibdib si Trixie. "Kasalanan mo rin naman kasi. Bakit kasi um-order ka ulit ng kape? Ayan tuloy, natapunan mo siya. Maglalaba ka pa tuloy ngayon."

"It was supposed to be for Kuya Cole. Wala na tuloy akong pasalubong sa kanya dahil sa lalaking 'yon," paninisi niya kay Eli.

"Patingin nga niyang shirt. Mukhang mamahalin 'to, ah!" Hinablot ni Trixie ang kamisetang hawak niya. Pinagmasdan muna nito iyon bago inamoy.

"Yuck! Bakit mo inaamoy 'yan? Mamaya amoy putok 'yang shirt na 'yan!" sambit ni Cassy at gumuhit sa mukha niya ang pandidiri.

"Arte mo naman. Ang bango kaya! Amuyin mo!" sabi ni Trixie sabay ngudngod sa mukha ni Cassy ng damit para patunayang tama siya.

"Yuck! Ano ba, girl?! Kadiri!" Inagaw na niya ang shirt sa kaibigan. She was right; mabango nga ang damit. It was very manly smell pero hindi masakit sa ilong kapag inamoy. Pero hindi niya puwedeng ipahalata kay Trixie na nagustuhan niya ang amoy niyon.

Tatawa-tawa na lang si Trixie matapos ang ginawa nitong kalokohan sa kanya. "Pero alam mo, girl, bagay kayo n'ong Eli," ani Trixie.

"Kilabutan ka nga!"

"Kilabutan ka nga!" Trixie said mimicking her voice and the way how she said it. "Bahala ka sa buhay mo." Muling ibinaling ni Trixie ang sarili sa phone para lang matapos ang usapan.

Cassy couldn't help herself, she wanted to smell the fragrance of his shirt. Kaya habang abala si Trixie sa ginagawa ay pasimple niyang kinuha ang damit ni Eli at saglit sinamyo ito. 

*****

IT was the happiest day for Cole. Maaga siyang pumunta sa Montecillo University para sa admission niya bilang scholar ng nasabing unibersidad. Habang nilalakbay niya ang kabuuan ng pasilidad ay namamangha siya sa mga nagtataasang establishments doon. Hindi niya akalaing matatanggap siya sa isang prestihiyosong unibersidad at doon pa talaga sa pinapangarap niyang pasukan.

"Sir, here's your admission. Paki-fill out na lang po tapos pakipasa sa next window," sambit sa kanya ng office staff ng school.

"Thank you po," wika niya. He excitedly get the admission paper. Naghanap kaagad siya ng lugar kung saan siya tahimik na makakapag-fill out ng form.

Masaya niyang sinusulat ang bawat letra sa papel. Hindi maitago ang ngiti sa kanyang mga labi habang ginagawa ang dapat gawin. He promised to his parents that he will do everything to make them proud and happy. Very supportive naman ang mga magulang niya sa mga desisyon niya sa buhay. Kahit na medyo may kamahalan ang tuition fee sa Montecillo University, hindi nagdalawang-isip ang mga magulang niya na payagan siyang doon mag-aral.

Scholar siya ng university pero seventy five percent lang ang maaaring ibawas sa nakuha niyang scholarship. Kaya simula noon ay ipinangako na niya sa sarili na hindi niya sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa kanya ng parents niya.

Nang matapos na ang pag-fill out sa admission form na hawak ay kaagad siyang bumalik sa ibinigay ang papel sa kasunod na window. Matapos iyon ay binayaran niya ang balanse pang natitira. Puwede naman siyang mag-enroll online pero gusto niyang makita nang personal ang Montecillo University.

"Sigurado akong mag-e-enjoy ako sa pagpasok ko rito. Pero s'yempre, mas pagbubutihin ko ang pag-aaral ko," wika niya sa sarili.

Naisip niyang maaga pa para umuwi kaya napagdesisynan niyang mamasyal na muna sa loob ng unibersidad. Sa lawak at laki nito, kahit sino yata ay maliligaw sa lugar na iyon. At iyon nga ang nangyari sa kanya.

Kakamot-kamot ang ulo niyang nililingon ang bawat sulok ng eskwelahan. "Naliligaw na yata ako. Saan na nga ba ang labasan dito?" wika niya sa sarili. Walang katao-tao sa paligid maliban sa mga kotseng nakaparada. Kung hindi siya nagkakamali, parking area ang napuntahan niya.

Wala siyang choice kundi ang hanapin ang labasan dahil wala naman siyang mapapagtanungan. Sa kanyang paglalakad, hindi niya namalayan ang pagharurot ng sasakyan sa likuran niya. Nagulat siya sa biglang pagsulpot ng gray na sasakyan at sa isang iglap, tumilapon siya sa sementadong daan.

"Pare, dadalhin kita sa ospital!" dinig niyang sambit ng lalaking lumapit sa kanya. Gusto niyang sumagot pero hindi na niya magawang magpakawala ng boses dahil sa sakit ng ulo at pagkahiling nararamdaman. Namalayan na lang niyang pinasan siya ng lalaking tingin niya ay kasing edad niya sa likod nito at isinakay siya sa sasakyan.

Hindi niya alam kung ano'ng sumunod na nangyari. Ilang minuto lang ang lumipas ay unti-unti na niyang naramdaman ang panghihina ng katawan at pagkahilo hanggang sa tuluyan na ga siyang nawalan ng malay.

Mabubuhay pa kaya si Cole?

MU Series: The Gentle BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon