Chapter 1

44 2 0
                                    

It's been a few hours since my parents and younger brother were buried . They died accidentally without me . Kaya eto ako ngayon nag luluksa mag isa, nakaupo sa isang sulok, hawak ang kanilang litrato at walang tigil sa pag iyak.

Di alam ang salitang mag pakatatag dahil iniisip ko pa lang na wala na sila ay nanghihina nako. Di ko na rin alam pano mag simula pa, maraming  sana at bakit ang pumapasok sa isip ko .

bakit sila pa? kung pwede namang ako nalang.

sana nakasama nila ako nung nangyari yun ...

Kahit nanginginig ang mga tuhod ko ng dahil sa panghihina ay pinilit kong tumayo at nag simulang mag lakad patungo sa silid ng aking kapatid . Di ma iwasang mapangiti ng dahil sa mga alaala na nagdaan sa bawat sulok neto kung saan kami kumakain ng patago at kung saan kami palaging naglalaro ngunit bigla na lamang nag laho ang ngiti at nagsimula na naman tumulo ang mga luha ko na parang walang katapusan .

Sinunod kung puntahan ang silid ng aking mga magulang kaya bigla na lamang lumitaw ang mga nagdaang alaala sa aking isip kung saan pinilit namin ng kapatid ko na matulog sa gitna nila at naglalambing sakanila na akala mo'y walang katapusan .

Pagod nako kakaiyak ngunit di ko alam kung paano tumahan kaya na pag pasyahan ko na lamang na matulog sa aking kwarto, yakap ang kanilang litrato.

Nagising na lang ako sa isang mahinang katok kaya nag dali dali akong tumayo iniisip na pamilya ko ang kumakatok at panaginip lang ang lahat ng yun . Ngunit ganon na lang ang pagkadismaya ko na kaibigan ko ang aking nakita na may nag aalalang tingin sakin.

"anong ginagawa mo dito?" Kakabigkas ko pa lamang ng tanong ko isang masakit na tingin na agad ang binigay sakin tila nag laho ang nag aalalang tingin kanina.

"Kumain ka wag mong pababayaan ang sarili mo "

" Ilang beses ko bang sabihin na wala akong ganang kumain, ba't ba ang kulit mo?" Di ko maiwasang mairita kahit kaibigan ko pa siya, paulit ulit na lang kasi eh

"Alam mo Aurelia di ako si Lyrae kung di ako makulit kaya kung ako sayo padaanin mo na ako at papakainin kita" papakainin?? wag niyang sabihin na susubuan niya ko

Habang pineprepara ni Layrae ang pagkain di ko maiwasang tumulala sa hangin kaya ganon na lang ang gulat ko ng may pumitik sa noo ko .

" Kumain kana Aui baka magka sakit ka pa eh.....dito lang ako promise di kita iiwan" pagpapalakas loob neto sakin

Kahit walang gana ay pinilit kong kumain lalo na at may nagbabantay sakin sa bawat subo ko. Si layrae narin ang nag ligpit ng pinagkain ko pagkatapos at saka niya ko sinundan sa kwarto ko

Pagkapasok ko pa lamang sa kwarto ko ay isang yakap na agad ang binigay niya saakin kaya ang mga luha ko ay nag uunahan na naman. Ramdam ko rin ang kaniyang kamay na humahagod sa likuran ko . Ang sakit na ng dibdib ko at hindi ko alam kung hanggang kailan ito magtatagal at kung matatanggal pa nga ba.

" Kahit anong mangyari nandito lang ako Aui ,iiyak mo lang yan sasamahan kita ngunit kailangan mong magpakatatag dahil hindi gugustuhin nina tita at tito na makitang umiiyak ang prinsesa nila at sige ka pagtatawanan ka ni Sid." Kahit pwede ng isumpa ang kaibigan ko minsan ay nagpapasalamat parin ako na hindi niya ko iniwan lalo na ngayon na kailan ko talaga siya

Ilang oras na rin ang nakalipas at hindi parin kami nakakalis sa aming pwesto kaya ako na mismo ang umalis sa yakap ni layrae at kinausap ko ito na ilibing namin ang mga gamit ng kapatid at magulang ko sa tapat ng bahay. Tinulungan niya ko sa paghuhukay at sa pagkuha ng mga gamit at inayos na namin ang pagkalagay ng mga ito sa hukay pinagitna ko na rin ang libro na palaging binabasa ko sa kapatid ko at ang librong paborito ni papa.

Kahit na napakahina ko ay pipilitin kong maging matatag sa mga araw na dadaan at Pangako na hinding hinding ko sila makakalimutan.

Mahal na mahal ko kayo Sid , mama at papa .....

Mapait na ngiti ang aking binitawan pagkatapos ko itong taniman ng bulaklak sa ibabaw at linisan.

The Nectar of PainWhere stories live. Discover now