Chapter 4

7 2 0
                                    


Pagkarating sa school ay hinanda ko na ang sarili ko lalo na at maghihiwalay na kami ng daan ni layrae dahil pupunta na siya sa kanilang building at ganon din ako . Ngunit ganon na lang ang gulat ko na walang nag abang sakin kanina , dati kasi meron eh natakot na ata kay layrae. Ikaw ba naman habulin ng meter stick ng dahil sa binully daw ako .

Habang nag lalakad ako papuntang room di parin ako nagpapakampante dahil impossible talaga na walang mambully sakin pero kung sakaling wala na talaga mas ok na yun at least maging peaceful naman tong school year na to lalo na at malapit na akong grumaduate.

Magpapamisa talaga ako dahil wala talagang nag abang sakin walang nag buhos ng maduming tubig , walang nag saboy ng panis na pagkain at walang nag bato ng bulok na itlog kaya naman good mood ako habang nag aantay ng proof namin

Nakasanayan ko narin na walang pumapansin sakin dahil di naman ako namamansin pabalik at lahat ng tao sa room na to ay may kaniya-kaniyang mundo na pinagkaabalahan ngunit tumigil lang nung dumating na ang proof namin .

Turo dito at aral doon ang ginawa namin hanggang sa mag lunch time na . Ang layo ng building ni Layrae sakin kaya ako nalang ang kumakain mag isa at syempre pinili ko yung sa pinakalikuran na upuan . Minadali dali ko na rin ang pagkain para makapunta ako ng library at makapag basa na rin kahit papaano.

Months pa lang nung pumanaw ang pamilya ko pero ipinagpatuloy ko ang pagaaral ko dahil alam kong ginagabayan parin nila ako kahit na nasa itaas na sila at alam ko din na isa ito sa ikakaproud nila kapag nakapagtapos ako .

Pagkarating ko ng library ay naghanap lang ako ng libro na pwedeng pagkaabalan na basahin o pamapalipas oras . Enjoy na enjoy ako sa binabasa ko kaya di ko namalayan na malapit ng matapos ang lunch break namin kaya dali dali nakong pumunta ng room .

Turo at bigay lang ng activity ang ginawa ng guro namin buong mag hapon kaya yung iba minsan di na nakikinig . Naglalakad nako sa hallway papuntang gate ng school dahil dun kami magkikita ngunit ganon na lang ang gulat ko ng may bumuhos sakin ng pintura na pula , kaya nag mumukha nakong regla .

Cancel ang magaganap na misa dahil kaninang araw lang pala sila hindi ng trip sakin dahil nag hahanda pala ngayong hapon hayup na to. Akala ko naman may anghel na na bumulong sakanila para maging mabait, naging mabait nga rin naman sila kaninang umaga at lunch break ngalang naging demonyo na ngayong hapon .

Medyo malagkig ang sinaboy nila sakin kaya pinunasan ko yung mukha ko gamit ang panyo ko at ganon na lang ang pagka inis ko ng marami na palang tao na nanunuod at yung iba tumatawa pa.

"Swerte mo Aurelia Amabel at ngayong hapon ka namin na pagtripan pero wag kang mag alala napakahina mo parin naman kasi napaka hinhin mo akala mo naman dalagang pilipina baka gusto mo ng one night lang with me?"  Ako pa ngayon ang swerte at hapon na pagtripan tas ng hingi pa ng one night aba wala na ata tong makitang ikama eh

"Hoy!!! mga put*ng nilalang kayo anong ginawa niyo sa aui ko ha!!!?" Ayan na lumabas na ang tigre

Namumula na sa galit ang mukha niya habang sumusugod na may hawak na kahoy aba hindi na meter stick, kahoy na . Ng makita siya ng mga lalaking nantrip o nanbully sakin ay kumaripas na sila ng takbo hahabulin na ata ng isang to kaya pinigilan ko nalang .

"Ibabalik ko kayu sa elementary tutal di na rin naman tumatanda yang utak niyo!!! mga isip bata kung mambully ng babae!!!" Nakalunok ng microphone besprend ko kaya ganon na lang kalakas ang boses niya lalo na at pasigaw pa

Hila- Hila niya ko sa kamay habang galit na galit na nagsasalita at tungkol kanina yung mga pinagsasabi niya akala niya ata sakin di sanay .

The Nectar of PainWhere stories live. Discover now