Chapter 10

6 2 0
                                    

Kahit kinakabahan ako sa mga araw na nag daan ay pinapatatag ko nalang ang sarili ko. Magaaral na ba ako ng martial arts??Para naman ma protektahan ko ang mahina kong sarili. Iniiwasan ko na rin yung maive na yun dahil nakakainis na minsan at di ko na rin pinaalam pa kay layrae yung nangyaring pambabastos sakin dahil baka biglang sumabog ang bulkan.

Ngayon ang araw na importante sakin dahil ngayong araw ay magtatapos nako at para to sa pamilya ko dahil wala silang ibang hiniling pa kundi ang magtapos ako at magkaroon ng masayang buhay. Kinakabahan akong pasulyap sulyap sa kinaroroonan ni layrae na nakangiti sakin habang hawak ang camera niya. Halata sa mukha niya ang sobrang pagka proud sakin.

Kaibigan ko siya pero kung umasta minsan parang nanay ko na at nagpapasalamat ako na dumating siya sakin. Dahil di ko alam kung anong mangyayari sakin kung walang layrae na palaging nasa tabi ko.

"Aurelia Amabel Zabini." isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko bago tumayo at ngumiti habang naglalakad papuntang stage.

Nakipagkamayan ako habang nakahawak sa diploma ko di na maiwasang umiyak kaya pasimple ko itong pinunasan. Seryuso din si layrae sa pagkuha ng mga litrato sakin kahit nag lalakad ako kuha parin siya ng kuha ng mga litrato.

"Congrats Aui my dear!!" kahit tapos na yung graduation di parin ma alis yung ngiti niya sa kaniyang mga labi. Sobrang saya niya para sakin at masaya din ako na malaman yun.

Ngunit nakaramdam din ng kirot at lungkot. Mas masaya sana kung kasama ko sila sa araw na to dahil isa ito sa pinakamahalagang araw ng buhay ko at masakit lang dahil nga sa wala sila rito. At hindi na sila makakapunta pa rito dahil pinapanood na nila ako sa itaas.

Bago pako umiyak ay nakipagpicture picture muna ako kay layrae at sobrang saya magkaroon ng kaibigan na proud na proud sayo HAHAHHA

Andito kami ngayon sa may sementeryo kung nasaan nilibing ang magulang at kapatid ko. Naglapag kami ng mantel atsaka nilabas na ang pagkain. Nagtirik na din ako ng kandila at nag lapag ng bulaklak para sakanila.

"Tito, tita Ang prinsesa nyo nakapagtapos na!!" masayang sabi ni layrae habang nakatingin sa lapida ng nga magulang ko bago tumingin sa lapida ng kapatid ko "oh ano ka ngayon sid Flight attendant na ate mo oh Hahahaha" nahawa nalang ako sa tawa ni layrae. Palagi kasi silang nagbabangayan ni sid kapag pumupunta siya sa bahay kaya ganon na lang yung tono niya ngayon kung makapagsalita HAHAHAH

"Mama , papa at sid alam kong masaya kayo ngayon para sakin at sana gabayan nyo po kami ni layrae para sa mga araw na dadaan at para narin sa pangarap namin na unti unti ng natutupad. Mahal na mahal ko po kayo at ang diplomang hawak ko po ngayon ay alay ko sainyo. Pinunasan ko ang mga luha ko at ramdam ko na rin ang pagyakap sakin ni layrae.

"Tama na ang iyakan, kainan na po. Tita at tito kuha lang po kayo kung gusto niyo at ikaw sid singkwenta isa yung slice ng pizza at yung manok naman one hundred na para sayo " Pagkakausap ni layrae sa mga magulang ko at bilang pangaasar sa kapatid ko nilagyan niya ng presyo ang mga paborito neto HAHAHHA dating gawain nilang dalawa

Sobrang saya ng araw ko ngayon lalo na at nasaharap kami ng mga magulang ko ramdam ko narin ang biglaang pagihip ng hangin. Alam ko pong nandyan kayo salamat sa pagpapalaki sakin at salamat sa pagmamahal na ibinigay niyo po di ako mag sasawang sabihin na mahal na mahal ko kayong tatlo.

Para daw sa memories sabi ni lay mag picture daw kami ngayon dito sa sementeryo. Daming arte ng babaeng to kung ano anong pinagagawa sakin at andami na rin naming picture na magkasama.

Nilinisan lang namin yung mga kalat namin bago umuwi nagpaalam na rin kami pagkatapos. At dala na rin ng pagod nakatulog kaming pareho pagka uwi ng bahay.

The Nectar of PainWhere stories live. Discover now