Chapter 24

3 2 0
                                    

Nagising ako dahil parang ang sama ng pakiramdam ko at parang may naghahalukay sa tiyan ko. Dali dali naman akong tumayo papuntang cr dahil parang nasusuka ako at ayun na nga nakatuwad nako sa cr habang sumusuka. Pagkatapos nun nag mumog na rin ako at nag toothbruh tinignan ang oras at 7:30 na pala ng umaga.

Kitchen agad ang pinuntahan ko, tinali ko ang buhok ko bago mag hanap ng lulutuin sa ref. May ampalaya ako nakita kaya kinuha ko yun at sinunod ang bacon.

Hiniwa hiwa ko ang bacon dahil igigisa ko yun at lalagyan ng itlog. Pinirito ko muna yung bacon bago igisa ang ampalaya same pan lang ang ginamit ko.

Habang naghahanda ako ng pagkain biglang bumukas ang pinto at tumambad sakin si Maive na parang pagod na pagod. Di niya ata ako nakita dahil dire diretso lang siya papuntang kwarto kaya agad ko naman itong sinundan.

"Breakfast with me??" Pagaaya ko sakanya kaya agad naman niya akong tinignan.

"I want to sleep..." sleep huh?? eh may trabaho siya ng ganitong oras at araw eh. Pero wala akong magawa di na rin ako nag salita at hinayaan lang siya na matulog sa kuwarto.

Binalikan ko na rin naman kaagad yung mga hinain ko kanina, di ako nakapagsaing kaya kakainin ko yung ampalaya na walang kanin at yung bacon naman ilalagay ko sa pan at lalagyan ng mayo.

Ang dami ng niluto ko pero naubos ko. Ngayon lang ako nakakain ng ganon karami at sarap ma sarap talaga ako na parang gusto ko pa ulit kaso baka masira na katawan ko nun i mean baka tumaba nako. Kahit di nako flight attendant gusto ko kasi nasa 26-29 lang yung bewang ko, ayoko na tumaba pa dun.

Sinilip ko sa kuwarto si Maive at yun na nga parang pagod na pagod na kakatrabaho dahil sa sobrang himbing ng kaniyang pagkatulog. Ganon na ba ka hirap ang kaniyang trabaho at pagod na pagod siya at di pa makuhang umuwi dito sa bahay. Parang naawa ako bigla kung sana lang kasi na di niya ko pinaresign edi sana dalawa na kami nagtratrabaho.

Biglang pumasok na man yung nangyari sakin kaninang umaga yung biglaang pagsuka ko, di kasi impossible na hindi dahil gaya nga ng sabi ko kay lay may nangyari samin ni maive at walang masama naman dun dahil asawa ko naman.

Pero maghihintay muna ako ng 1 week kung di talaga dadating yung akin magpapacheck up nako o di kaya bibili ng pregnancy test para masure.

Lunch time na rin ng magising si Maive eksaktong pagkatapos kong maka luto ng hapunan. Bagong ligo siya ng maupo sa mesa di umimik at kuha ng plato at lagay ng pagkain lang ang ginawa di man lang ako tinapunan ng ngiti o di kaya di man lang ako ngitian.

Tahimik lang kaming kumakain parang gaya nung una niya akong ihatid sa trabaho di siya umiingay pati na rin sa hawak niyang tinidor at kutsara ingat na ingat parang ayaw makagawa ng ingay.

"Gusto mo ng juice babe??" pagbabasag ko ng ingay ngunit tinignan niya lang ako at umiling. Dali dali niya rin inubos ang natirang pagkain sa kaniyang plato at hinayaan ko nalang din siya.

Niligpit ko ka rin ang pinagkainan namin at hinugasan. Lumabas na rin ako para mag pahangin, nakakarelax pag fresh yung hangin at di rin naman masyadong mainit kahit lunch time pa lang.

Ang tahimik ng paligid kaya nakakaantok kaya naman tumayo ako at papasok sana ng bahay ng mapaatras ako dahil bumukas yun at iniluwal ang asawa ko na bihis na bihis at may dala pang bag.

"Asan punta mo babe??"

"Work...3 days ako dun ang layo kasi at ayoko mag aksaya ng oras "

"Ahh ganon ba??"

"i have to go... take care of yourself" yun lang?? wala ng i love you babe??? diretso pasok sa sasakyan agad at alis tsk....

Ganito ba talaga ang buhay asawa?? nawawalan ng oras yung lalaki dahil kailangan magtrabaho para may pangtustos sa pamilya?? Bat sa iba di naman ganito kahit na busy ang padre de pamilya nila kaya parin nitong mag laan ng oras para sa pamilya.... bat iba yung sakanya??Nakakainis pero wala akong magawa kundi intindihin nalang di rin naman ako makapagreklamo kaya pumasok nalang ako ng bahay para magpahinga.

The Nectar of PainWhere stories live. Discover now