Chapter 26

2 2 0
                                    

Nagising lang ako sa biglaang pagsara ng pinto akala ko kung sino si Maive lang para na parang galit na galit.

"Bat ngayon ka lang ata nag tagal bago nakauwi?? May nangyari ba??Bat parang galit ka??"

"Bat parang ang daldal mo ha!!!" Sinigawan niya ako?? oo sinigawan niya ako na ikinagulat ko kay di ako nagpatalo sumigaw din ako.

"Bakit bawal bang mag tanong ha??!!!"

"Aba sumasagot sagot kana aurelia ah!!"

"Bakit bawal bang sumagot??!!"

Pakk!!!

Sinaktan niya ako??Sinampal niya ako sa kanang pisnge kaya agad din iyon namanhid. Tinignan ko siya na may galit sa mata pero parang wala lang sakayan na sinaktan niya ako, sinabihan niya din ako na bagay lang daw sakin yun dahil nakakarindi daw ang bunganga ko.

Lumabas ako ng kuwarto at pumunta sa isa sa mga guestroom ng bahay at dun ako humagulgol kakaiyak, masama daw sa buntis ang umiyak ng sobra kaya humingi nalang ako ng tawad sa anak ko pero di ko kayang tumahan. Dala na rin siguro ng pagbubuntis ko kaya ganito nalang ako kung makaiyak.

Ang saya saya ko lang kanina eh nung nalaman ko na buntis ako eh pero bat ganon?? bakit siya naging ganon?? Pagkatapos mismo ng kasal namin naging ganon na siya. Strikto sa strikto at siya ang dapat na masunod pero di ko akalain na aabot sa puntong sasaktan niya ako. Ganito ba talaga pagkatapos ng kasal??Nagiiba nalang bigla??.

Iyak lang talaga ng iyak ang ginagawa hanggang sa napagdesisyunan ko na lumabas at ganon na lang ang gulat ko na may biglang lumipad na pinggan papunta sakin kaya agad naman akong umiwas pero sa susunod na pagbato niya ng kutsara at tinidor di ako naka iwas kaya tumama yun sa ulo ko.

"Pagsaing at paglinis na nga lang ng bahay ang gagawin mo di mo pa magawa ng maayos!! Wala kang kwentang asawa ah!! Ano to?? Uuwi ako ng walang makain?? Tanga ka ba??!!!"

"Magluluto lang ako saglit...."

"Bilisan mo at baka di kita matantya!!"

Pagkatapos niyang umalis ay pinulot ko yung basag na pinggan at ang nakakalat na tinidor at kutasara bago nag hanap ng mailuluto. Ininda ko nalang yung sakit, dahilan ng pagkatama ng ibinago niya sa akin.

Naglagay na rin ako ng bigas sa rice cooker at nag hiwa ng mga gulay at manok. Bente minutos pa lang ata ang nakakalipas ng di pa ako tapos makapagluto kaya Galit na galit na si Maive naman ang nakita ko.

"Bakit ba ang bagal mong kumilos ha!! Ipinaglihi ka ba sa pagong??!! at ano yang niluluto mo? Alam mo naman na di ako kumakain niyan eh!!!!"

"Pasensya na di ko naman alam na ayaw mo pala ng------"

Naitigil ko ang pagsasalita ng bigla niyang kinuha ang kutsilyo at......... akala ko sasaksakin niya ako pero ang ginawa niya ay pinukpok niya yan sa ulo ko.

"Paganahin mo minsan yang kokote mo!!diyan ka na nga!!"

Kung kailan na buntis ako dun rin naman siya magaganyan.... kung kailan buntis ako dun niya rin naman ako sasaktan??

Di ko na ipinagpatuloy ang pagluluto ko at pumasok na lang sa kwarto para umiyak...

Sorry anak ko walang ganang kumain si mommy ngayon at sorry din kung nagaaway kami ng daddy mo. Di ko kayang tumahan anak.... nasasaktan kasi si mommy....

Sana narinig niya ako at sana mapatawad niya ako. Habang iniisip ko si Maive di na pagmamahal ang nararamdaman ko sakanya kundi takot.... Takot na baka masaktan niya ako ulit, takot na baka sumobra pa siya dun at takot na baka pati yung anak namin sasaktan na niya rin. Ang pagmamahal ko sakanya napalitan na ng isang takot na parang gusto kong magtago kapag naririnig ko siyang sumisigaw.

Gusto kong magtago dahil ayoko na baka yung tyan ko ang masaktan niya ng di sinasadya pero iniisip ko na pagod lang siya kaya niya nagawa to sakin at baka bukas wala na rin to. Oo tama pagod lang siya sa trabaho niya kaya nga di na nakakauwi minsan eh......

Wag muna akong matakot alam kong mahal na mahal ako ni Maive at di niya sinasadya ang nangyari ngayon. Kaya nagpahinga na lang ako gigising na lang ako para kakain mamaya kung sakaling gutumin ako.

Magpahinga kana aui mahal ka non at pagod na pagod lang talaga siya.....sana nga.....

The Nectar of PainWhere stories live. Discover now