Chapter 29

5 2 0
                                    

Pagbukas ko ng mga mata ko kulay puti nalang lahat ng naaaninag ko....patay na ba ako?? impossible naman yun. Agad naman akong napaupo ng maalala ang nangyari kanina. Di ma ipinta ang mukha ko dahil parang gusto ko ng umiyak pa ulit. At mas lalong nag halo ang galit at pag iyak ko ng makita ko ang lalaking dahilan ng pagdugo ko kanina at kasama niya pa ang walang hiyang babae niya.

Hanggang dito ba naman!!! Wala na ba talagang natirang respeto sa katawan ng  babae at nanaig ang kalandian niya. May gana pa silang magpakita saakin pagkatapos ng nangyari!!

"Anong  nangyari sa anak ko ha??!!! "

"Sumagot kayo!! dahil oras na makatayo ako dito sisisguraduhin ko impyerno agad ang makikita niyo!!"

"Kumalma ka Aurelia!"

"Sagutin niyo ang tanong ko!!"

"Im sorry.....wala na sa sinapupunan mo ang bata. Bat ba kasi di mo agad sinabi sakin??!"

"Wow ha!! Sinisisi mo ba ako?? Pano ko sasabihin ha!! Pano ko masasabinna buntis ako kung palagi mo akong sinasaktan!!!Ayoko na malaman mo na magkakaanak tayo dahil baka pati yung bata ayawan mo!! At yun ang puntiryahin mo!!! Masisisi mo ba ako sa takot na nararamdaman ko?? Mga tangina kayo!!!!" Nageecho ang boses ko sa apat ng sulok ng kuwartong ito di na siya naka sagot pa sakin

Bigla akong tumayo kaya agad naman silang natataranta sa ginawa ko.

"Aurelia mag pahinga ka, bawal ka pang lumabas sa hospital!"

"Bakit nandito yang babae mo??!! Kung kanina mataray siya sakin ngayon parang pusa na nakaharap sa isang tigre. Tigre na papatay sakanya.

"I just want to say sorry...."

"Sorry?? maibabalik ba niyang sorry niyu ang buhay ng anak ko?? dba hindi?? Kaya wag na wag kayong humingi ng pasensya dahil di niyu maibabalik ang natitira saakin!!"

"Dugo pa lang naman siya ahh bat ayaw mong tanggapin ang sorry ko??"Baliw ang babaeng to.

"She's right Aurelia." Tangina. Napaupo na lang ako sa kama ng dahil sa sinabi nila.

"Oo dugo!! dugo pa lang ang anak ko pero ipinagkait niyo na sakin!!! at ikaw ang ama nun Maive pero parang wala lang sayu na nawala siya sa sinapupunan ko!!! Mga Walang hiya kayo!!! Isa kayong Malaking Putangina!!!"  Iniyak ko na ang lahat ng sakit bago tumayo at tinignan sila ng masasakit. Hinugot ko ang swero na nakaturok sa kamay ko, namamanhid na ako kaya wala na akong sakit na nararamdaman pa.

Dali dali akong tumakbo palabas ng hospital. Pinagtitinginan ng lahat pero wala akong pakialam ang gusto ko lang makaalis na sa lugar na to. Wala akong sasakyan kaya pumara ako ng taxi.

Nung una ayaw pa akong pasakayin dahil mukha akong baliw. Pero ganon na lang kalaki ang pasalamat ko sa lalaking to, pinasakay niya ako at wag na daw akong mag bayad. Iyak ako ng Iyak hanggang sa makarating akon bahay..... bahay ng mga magulang ko.

Nasa sala pa lang ako ngunit di ko na maihakbang pa nag mga paa ko, sobrang sakit na......ayoko na....

Lahat nalang ng nakakasama ko nawawala.....lahat ng kinukuha saakin. May ginawa ba akong mali para ganituhin ang buhay ko?? Isinumpa ba ako?? Kung hindi, Bakit ganito na lang kasakit ang buhay ko!! nakaranas nga ako ng pagmamahal nawawala naman. Kailan ko ba mararanasan ang pagmamahal na walang hanggan?? yung pagmamahal na walang sakit. Deserve ko ba talaga ang salitang mahal??

Ang pamilya ko.... Nakasama ko sila ng matagal, naranasan kong mahalin nila ng matagal pero isang araw nabalitaan ko nalang na binawi na sila saakin.

Yung kaibigan ko..... si layrae siya ang naging sandalan ko sa lahat. Taga buo ng araw ko dati, ginawang masaya ang bawat araw ko.... di siya binawi ng mundo saakin ngunit binawi naman siya ng mga magulang niya.

Nakatagpo ako ng lalaki..... akala ko sakanya ko mararanasan ang isang buong pagmamahal....Ngunit isang kasalan ang naganap at nag bago ang lahat. Nag bago ang pakikitungo niya saakin at binubugbog ako araw araw..... Di rin siya kinuha ng mundo sakin ngunit kinuha naman saakin ang pagmamahal niya.

Ang panghuli ang anak ko..... Masayang masaya ako ng nalaman ko na dumating siya sa buhay ko, di mapaglagyan ang sayang nararamdaman ko ngunit di ko inaasahan na di ko man lang maranasan ang araw araw na morning sickness na sinasabi nila, di ko man lang siya naipaglihi, di ko man lang siya nakasama sa loob ng aking sinapupunan sa loob ng siyam na buwan dahil kinuha na siya saakin..... gaya ng mga pamilya ko....kinuha na rin siya ng mundo sakin..... Ipinagkait pati ang anak ko.

Sukong suko na ako sa buhay na meron ako.... ayoko na!!!

Patawarin mo ako lay naging mahina ako.... ngunit ayoko na talaga...

Sobrang saklap ng mundo saakin...

Pagod nako......

The Nectar of PainWhere stories live. Discover now