Chapter 5

6 2 0
                                    

Paulit ulit nalang ang mga nangyari sa mga nag daang araw. Layrae na palaging alarm clock kapag umaga, Pa concert niya na ako lang ang nakikinig na ririndi pa , Mga nag aabang na bully sa school o di kaya lunch time at hapon kung mantrip kaya ganon na lang din ang habol sakanila ni layrae na may hawak na kung ano- ano bilang pamalo at mga activities na kailangang gawin.

"Aui my love smile kana diyan friday na oh ibig sabihin lang nun last day mo na ngayon para makaranas ng pambubully" oo nga at last day pero two days ba naman lang na pahinga ibubully kaparin pag dating ng monday.

"At isa pa ready kaya ako kung sakaling pagtripan ka nila" ready nga siya dahil pinakita niya sakin yung bamboo stick na one meter ata yung haba at nakangiti pa siya nung ipinakita niya ah

Di parin ako umimik hanggang sa makarating kami ng school at ganon din ang pag sunod sakin ni layrae na parang baliw dahil hinahampas ba naman sa kamay yung stick tas kaliwa't kanan yung tinitignan.

Tahimik lang akong naglalakad ngunit ang mali ko lang ata di ako tumitingin sa dinadaanan ko dahil lumilipad ang isip ko kaya naman na tisod ako o mas sabihin na natin na tinisod ako ng mga walang hiya ang ikli pa naman ng skirt ko hayup na to.

Napadaing na lang ako sa sakit ng tuhod ko pero tang*na si Layrae para paring baliw na pahampas hampas sa kaniyang kamay ng stick di ata nakita yung nangyari sakin. Late reaction ang gag* may pahawak pa sa bibig na akala mo gulat na gulat pano ba naman kasi kaliwa't kanan lang yung tinitignan di yung gitna kung saan ako naglalakad .

Inaasahan ko na ang susunod na mangyayari di niya ko tinulungan kasi hinabol niya yung nantisod sakin at pinaghahampas ng hawak niya, itinayo ko ang sarili ko kahit sobrang sakit ng tuhod ko magkakapasa pa ata eh pasahin pa naman ako na tao. Hingal na hingal ang bruha pagkabalik niya ang ganda pa ng ngiti kasi napuruhan daw yung isa kakahampas niya. Hinatid niya ko hanggang building pinapabalik ko na nga kaso gusto hanggang room daw para ma sigurado niya na wala ng kasunod yun.

"Don't worry Aui my loves di ako ma lalate runner kaya to, sige na pasok ka na sa room niyo babushhhh" Runner na madaling hingalin tsk daig pa yung dati kong jowa eh

Maaga pa nga naman kaya hindi siya ma lalate ngayon . Nauupo na lang ako sa upuan ko sa pinakalikuran malapit narin sa pinto tsaka ko tinignan ang sugat ko na namamaga na, nilagyan ko lang ito ng gamot at tsaka pinabayaan.

Nilibot ko yung paningin ko sa room may mga naglalandian tas yung iba nag papaganda pero meron din naman na nagbabasa ng libro.

Pagkadating ng prof namin turo na agad walang inaksayang oras para makipagkamustahan samin. Nakikinig lang din ako sakanya at nag susulat na rin ng mga importante niyang mga sinasabi hanggang sa mag time na. Lunch time inaantay na oras ng mga patay gutom kagaya ng kaibigan ko, pagkadating ng cafeteria order lang ako kaagad ng pagkain tas upo sa pinaka gilid. Sarap na sarap ako sa kinakain ko ng naramdaman ko na may nag text sa phone ko na nasa bag ko.

from:Layrae
Hi aui my bebe, done eating lunch?? may nantrip ba sayo?? bar tayo mamaya plsss wala namang pasok bukas eh

Yung bruha lang naman pala nag aaya ng bar, papayag bako??hmm friday nga ngayon tas madami pang activity na gagawin tas panigurado madaming plates din na gagawin yun eh pero kailangan din namin mag chill at isa pa months na din ang nakalipas bago yung huli kong pag bar eh.

to:Layrae
di pa ko tapos kumain at walang nantrip sakin.

from:Layrae
how about going to the bar later??

to: Layrae
Sure.

Nagpasalamat lang ang bruha ngunit di ko na nireplyan pa dahil baka di ako maka kain ng maayos dahil may posibilidad pa na hahaba ang convo namin.

The Nectar of PainWhere stories live. Discover now