Chapter 12

3 2 0
                                    

Kung makakuha ng damit tong si Layrae akala mo naman nasunugan sa sobrang dami. Kuha dito at kuha doon, di man lang tinitignan ang size ng mga pinangunguha niya kung large ba medium o small kung ka size niya ba yung mga shorts at skirt na kinukuha.

Winter cloths yung iba sa mga pinanguha ko para sa mga flight ko dinagdagan ko narin ang mga jacket ko. Bumili na rin ako ng mga pamparty na dress kahit parang wala naman akong pupuntahan na party maliban na lang siguro kung mag bar ako.

Skin care naman ang sinunod ko di kami magkasama ni lay dahil naiirita lang ako kakatingin sa mga gingawa niya. Kinuha ko nalang yung mga wala na sa mga skin care ko at ang iba naman dinagdagan ko nalang bumili na rin ako ng lotion at shampoo dahil parang malapit ng maubos yung nasa bahay. Bayad na lang din ako pagkatapos dahil baka madagdagan naman yung bibilhin ko.

Saming dalawa halata naman na si Lay ang may pinaka madaming hawak na shopping bags. Akala ko pa nga mag aaya siya na magtatagal kami ng mall pero himala nalang na uuwi na daw kami kahit 3pm pa lang naman ang aga pa kung maghahanda lang papuntang bar ang gagawin namin.

"Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan~"

"Hanggang ang puso'y wala ng maramdaman~"

"Kahit matapos ang magpakailanpaman~"

"ako'y maghihintay sa ngalan ng pagibig~"

"Hanggang kailan ako maghihintay na para bang walang iba sa piling mo~"

"Nasan kaman, sigaw ng puso ko ay ang pangalan mo~"

"Wohoo ohhh!!~"

Ganda na sana ng pagkanta eh panira nalang talaga pag tinataasan niya ang boses niya. Mahilig mag birit wala naman sa tono tsk.

"Aui my honey kanta ka kaya para makatulog ako.." Nasa sala kaming dalawa ngayon nanunuod ng movie dahil ito nag guso niyang gawin. Nakahiga rin siya sa legs ko dahil nakaupo ako.

"Ayoko nga." Last na kanta ko si mama pa yung kinantahan ko kaya parang ayaw ko ng kumanta pa

"Sige na plsss iiyak talaga ako pag di moko kakantahan." nagpacute pa nga

"I knew i needed you~" panimula ko sa pagkanta at napapikit nalang habang ipinagpatuloy ang pagkanta

"But i never show~"

"But i wanna stay with you until we're grey and old~"

"Just say you won't let go~"

"Yes dear di ako mag leletgo huhuhuhu!" kahit kailan panira tong babaeng to. Pintik ko siya sa noo at tumayo na tutal na pagbigyan naman sa gusto niyang kakanta ako.

Pagpasok ko ng kwarto ay dun ko lang napansin na wala sakin yung phone oo o tamang sabihin na naiwan ko ata sa sala. Nakita ko nga ito nakapatong sa lamesa sa gilid ng sofa.

Nakita ko sa labas ng pintuan si layrae na may kausap kaya pinuntahan ko ngunit di ata ako napansin.

"Ha?oo ako na ngang bahala...Yes naman HAHAHAH Yung sinend ko sayo pakinggan mo ahh!! babushhh!" bahala saan?at anong sinend??Jowa niya ba yun??

"Tang*na mong palaka ka!!!" gulat na gulat ahh pagakalingon kasi ako na yung nakita nya di naman ako multo pero magulat kala mo naman....

"Boyfriend mo?? bat di ko alam yan ha??!"

"Eto naman aui my loves wag nang selosa ha di ko yun bf no atsaka wala pa kong nabingwit na engineer eh kaya relax kaibigan ko lang yun." Kaibigan ha

"Ako lang ang nagiisa mong kaibigan layrae" Kahit ang sakit na ng tingin ko parang wala lang sakanya.

"Ehh edi kakilala, katrabaho ba" sige dahilan pa kala naman niya di ko mahahalata na nag dadahilan lang siya.

Ayaw na niyang sumagot ng tanong ko kaya yung ginawa niya lumusot sa gilid ko nakaharang kasi ako sa pintuan eh.

Maghanda nalang daw kami para sa pagpunta sa bar mamaya. Bukas pa ulit ng gabi yung flight ko at may four days na layover yun.

dress na kita yung likod at 4 inch high heels suot yan ni layrae. Drawstring green na dress yung akin na may kapartner na black high heels at nag ipit na lang din ako ng hairpin sa buhok ko. Light make up lang yung nilagay ko sa mukha ko samantalang kay Lay naman dark halatang bruha na tignan.

"Di ata pwedeng pumasok sa loob Lay eh.. Sa iba nalang tayo" Pagkarating kasi namin puno ng rose petals ang entrance ng bar kaya baka may nagaganap na birthday.

Pero laking gulat ko ng bigla akong nilagyan ng piring ni Layrae tumawa pa ito ng malakas hanggang sa inalalayan niyako na mag lakad papasok. Gusto kong tumakbo at awayin si layrae kaso bigla akong na curious kung anong nangyayari kaya hinayaan ko nalang ang bruha na gawin ang ginagawa niya.

The Nectar of PainWhere stories live. Discover now