Chapter 6

6 2 0
                                    

Nagaayos na kami dahil nga pupunta kaming bar ngayon. Sleeveless Drawstring dress na kulay black ang suot ko at 3 inches na heels na may kasama din na shoulder bag na black. Si layrae naman ay naka high waist jeans at spaghetti crop top at 4 inch heels. Same lang din kami na naka light make up.

Nasa sasakyan na kami si layrae ang driver papuntang bar at habang nag dadrive ang daming bilin sakin bat di niya kaya sabihin yun sa sarili niya tsk.

"Aui my honeybunch wag kang masyadong uminom ng madami baka malasing ka tas ma uwi ng ibang lalaki" woah eh siya lang naman yung sobra kung uminom eh atsaka ano pang kwenta ng bar kung di rin naman magpapakalasing.

"At wag ka rin makipaghalikan sa mga lalaki mamaya lagot ka sakin" eh siya nga yung gumagawa nun dati eh ba't sakin niya sinasabi?

"ok." yan lang ang tanging nasabi ko dahil di naman ako magpapakalasing mamaya dahil walang mag uuwi saming dalawa

Pagkababa ng sasakyan sumigaw agad si Layrae nakakahiya ang ganda ng ayos mukha namang baliw agad naman akong nag iwas para di nila masabi na ako yung kasama ng baliw tsk. Bat ba naman kasi sumigaw ng itigil ang kasiyahan edi napatingin sakanya yung iba buti nalang talaga malakas yung sound kaya yung mga malapit lang yung naka rinig sakanya.

Punta ka agad ako sa bartender para umorder ng drinks ganon din si layrae na naka sunod sakin.

"One bloody mary please " Cocktail lang ako ngayon dahil wala akong plano magpakalasing dahil may iuuwi akong lasing mamaya.

"Three shots of tequila please" Si layrae nagorder nun nilapag naman ng bartender yung order niya at sunod sunod niya shinot tas punta agad ng dance floor

Pagkalapag ng akin inumpisahan ko na agad inumin. Mataas rin naman yung alcohol tolerance ko kaso wala eh ako yung magiging driver mamaya. Kung nandito lang yung mga nantrip sakin baka sabihin nila na first time nila maka kita ng mahinhin sa bar na umiinom well mahinhin ako pag sa school pero pag sa labas na iiba din naman.

Busy na ata ako sa pag inom kasi di ko namalayan na may hawak ng beer tas nagsasayaw kasama ng isang lalaki si layrae nakahawak pa siya sa leeg ng lalaki tas yung lalaki naman nakahawak sa bewang niya. Normal na sakin yung mga ganyanan ni Layrae mga kalandian niya sa katawan.

Pagkaubos ng drinks ko kumaha agad ako ng isa pa at para ma iba martini yung kinuha ko. Inom lang ako ng inom pero kontrolado ko ang pag inom di gaya nung isa na di na mabilang yung shots at beer na ininom kaya sigurado ako na lasing na yun .

Iinomin ko na yung natira sa glass ko ng may tumabi na lalaki sakin pero di ko nalang pinansin pa at inubos na nga yung martini.

"You don't like hard drinks miss??" ako ata kausap neto eh at ba't ba to nangingialam pero syempre bingi-bingihan lang si ako, ayoko ko siyang kausapin eh

Rinig ko din na umorder siya ng rum. Umorder na din ako ng Heineken sinisigurado ko talaga na di ako malalasing ngayon.

"May i know your name miss?" kulit neto ah kaya hinarap ko siya at medyo gulat lang ako kasi nakaharap na siya sakin habang hawak yung rum niya

"Why are you asking for my name??"

"Because i want to know your name miss" nakakarindi na yung miss at mas nakakarindi pa kay layrae itong lalaking to

Inirapan ko nalang siya at di binigay ang pangalan ko ano siya siniswerte.

" you are alone or not??"

"i'm not." the hell

"Who's with you miss??" confirmed chismoso to

"Friend." sabi ko nalang sabay turo kay layrae na yung dalawang kamay sa leeg na ng lalaki , ibang lalaki naman to ah

"She's drunk " Pake niya trip magpakalasing ni layrae eh

put*ng*na nakikipaghalikan na si layrae sa lalaki pagkalingon ko put* talaga. Agad naman akong tumayo at nag lapag ng pera bago puntahan si layrae.Sarap na sarap pa yung bruha kakahalik sa lalaki ng bigla ko itong kurutin sabay hila sa braso .

Halatang lasing na lasing na dahil nag rereklamo na ng di ko naiintindihan . Pagkarating namin sa parking lot kung saan ang sasakyan namin tinignan niyako ng masama. Tusukin ko kaya mata neto parang sinasabi kasi na panira ako sa halikan niya eh.

"Miss?? Do you want me to take you home??" Di ata to titigil eh kainis sumunod talaga siya sakin.

"No thanks Mr"

"Don't call me Mr i'm Maive " sabi niya sabay lahad pa ng kamay ngunit tinignan ko lang iyon at pinasok sa kotse ang lasing kong kaibigan

Pumasok na din ako at pinaandar agad ang kotse agad naman siyang umatras at nasakin parin ang tingin . Nagsimula nakong mag maneho dahil inaantok na rin ako .

The Nectar of PainWhere stories live. Discover now