"Mama, papa wala na si layrae sa bahay.....wala nakong kasama dun sa bahay kaya kung gusto niyong bumisita bukas po palagi ang bahay sa inyong tatlo...."
"Ma, pa at sid may nagaalaga na po sakin ngayon maliban kay layrae....ipapakilala ko po siya sa inyu sa susunod. Di ko po inaakala na magiging kami dahil parang wala naman akong interest sakanya nung una eh kaso di siya nag patalo at nanligaw talaga at sana po tanggap niyo po ang lalaking yun para sakin...." Nandito ako ngayon sa puntod nilang tatlo dahil may isang bagay na pumasok sa isip ko kagabi at linggo na rin ang nakalipas ng makaalis si layrae.
"Sorry po.... ma di ko sinasadya.... papa patawarin niyo po ako.... humihingi ako ng tawad dahil diko na po maalala yung boses niyo di ko po yun sinasadya nagising na lang po ako na limot na ang mga boses niyo......" Nagsimula na rin akong ma iyak. Isa ito sa pinakamasakit para sakin ang malimutan ang boses nila at ayoko dumating sa punto na pati na rin ang mga mukha nila ay malimutan ko.
"Bumulong naman kayo sakin minsan oh..... maalala ko lang ulit ang mga boses niyo magiging masaya nako pero kahit na limot ko na ang boses niyo wala parin pong pinagbago mahal ko parin po kayo..."
Nagtagal ako ng ilang oras pa sa puntod nila. Nakatulala sa mga bulaklak at kandila na tinirikan ko. Magtatagal pa sana ako kung di lang tumawag si Maive sakin para sa dinner. Isang ngiti ang pinakawalan ko bago naglakad papuntang sasakyan, magkikita daw kami sa restaurant na paborito niya....
Pagka park ko ng sasakyan di muna ako bumaba dahil inayos ko muna ang mukha ko.... hapon na nung pumunta ako ng sementeryo kaya eksaktong dinner na ngayon at naka dress pa ako.
Pagkapasok ko nakita ko kaagad siya dahil kumaway ng nakangiti agad naman akong lumapit sakanya....
"What do you want to eat babe??"
"Nakaorder kana ba??"
"Ahmm yes pero kung may gusto ka just tell me i will order it..."
"dessert nalang later babe" isang tango lang ang binigay niya sakin at nagtawag ng waiter para sabihin yung dessert na para mamaya.
Masayang nag uusap kaming dalawa tungkol sa mga ganap namin sa mga araw na nagdaan at tungkol na rin sa trabaho namin. Nag dumating ang pagkain ay masaya na rin kaming kumain walang nagkikibuan pagkatapos nun nag aya lang naman siyang manuod ng sine at umuwi na rin.
Nakasunod lang ang sasakyan niya sa sasakyan ko dahil gusto niyang sigurado daw na makauwi ako ng bahay ng safe... Tatlong busina para sa I love you ang ginawa niya bago lumiko at umuwi na rin.
Sa mga nag daang araw na trabaho at si maive lang ang mga ganap ko sa buhay at pa minsan minsan na Video call at message ni layrae sakin.
Ang dali lang lumipas ng araw, buwan at taon dahil di ko inaakala na nakapagpropose na saakin si maive at naipakilala ko na rin siya sa mga magulang ko. Nagkakaroon kami ng tampuhan at away minsan pero nauuwi lang din naman sa lambingan. Nagpapasalamat ako na may lalaking kagaya niya na handa akong iharap sa altar sa mga susunod na buwan.
Akala ko nga nananaginip lang ako eh dahil di ko akalain na napakabilis lang ng araw dahil sa paghahandang ginagawa namin ngayon para sa kasal. Ipinaalam ko na rin ito kay layrae at sobrang saya niya rin sakin dahil nakuha niya pang umiyak habang tumatalon talon pa. Di niya rin kinalimutan na ipaalala sakin na bigyan siya ng mga pamangkin at handa daw siyang maging ninang sa lahat ng magiging anak ko.
May nagmamahal na rin dun kay layrae sa canada. Akalain mo yun sakristan yung mga tinitignan niya dati pero naghahanap ng engineer at ngayon sa isang doctor lang pala kakalampag ang bruha.Masaya daw siya kasama ang lalaking mahal niya kaya masaya na rin ako para sakanya at miss ko na rin siya sobra sana sa araw ng kasal namin makapunta silang dalawa ng soon to be hubby niya.
Nakaupo ako ngayon habang di naalis ang titig sa wedding gown ko kaya ganon na lang ang pagtawa sakin ni maive para daw akong bata na takot maagawan ng pagkain kaya bantay na bantay kahit sa tingin lang. Di niyako masisisi minsan lang maganap ang kasal sa buhay ko at siya pa ang lalaking papakasalan ko kaya ganon ng lang ang kaba at saya na nararamdaman ko......
YOU ARE READING
The Nectar of Pain
Teen FictionAurelia ask her whole being if she was cursed by just because of the pain she was experiencing