Chapter 25

2 2 0
                                    

Eto na ang araw na hinihintay ko, 1 week na ang nakalipas at di ako dinalaw ng period ko at magtatapos na rin naman ang buwan kaya di na ako nag hintay pa na may period na dadating. Di ko rin sinabi kay Maive na pupunta ako ng ob para mag pa check up dahil bago siya umalis nun nakauwi lang siya ng 1 araw at alis naman at ngayon wala siya sa bahay at di rin ako nakapag pasama pa.

Pagkadating ko sa isang private ob ay sinabi ko na  kaagad ang pakay ko, kaya binigyan niya ako ng pt dahil tinanong niya ako kung nakapag pt na ba ako at angsm sagot ko naman ay hindi pa. Pumunta ako ng cr at kinuha sa pack ang isang pt. Magppt pa sana ako pagkatapos ng check up na to para may mailagay ako sa box na ireregalo ko kay maive para sa bday niya pero di na pala kailangan dahil magppt na ko ngayon.

Pinilit ko na umihi para magawa ang test, at yun na nga napilit din ang sarili kumuha ako ng konti at pinatak yun sa parang papatakan siyempre. Di ko alam kung anong mararamdaman ko kinakabahan ako dahil baka na delay lang talaga yung period ko at sumama lang ang tyan ko kaya nag suka ako, pero meron din sa sarili ko na masaya dahil kung sakali man na mabuntis ako magkaka baby na kami.

Ng tignan ko ang pt may nakita akong dalawang red line kaya agad ko naman na ibinigay iyon sa ob ko para patignan.

"Oh its positive mrs. saffron, now lets see kung ilang weeks ka ng preggy."

Pinahiga niya ako para gawin ang ultrasound at parang may nilagay siya don at nakatingin pa sa monitor.

"You are almost 7 weeks pregnant Mrs. Saffron, congratulations.

"Thank you doc..."

Agad niya rin naman akong pinaalalahanan sa mga dapat gawin at di dapat gawin kung anong pwedeng kainin para sa mga buntis at kung anong mga bawal. Ibinigay niya rin sa akin yun pt na nakalagay sa plastic at yung picture ng ultrasound ko kanina.

Bago ako umuwi ng bahay naghanap muna ako ng mangga at pipino sa palengke, gusto kong kumain nun eh o di kaya yun ang gusto ng baby ko eh. Napangiti na lang ako ng maisip na may iniingatan na akong baby sa tummy ko kaya kailangan ko na talagang mag ingat.

Pagkauwi ko di na ko nag aksaya pa ng oras dahil binalatan ko na yung mangga at hiniwa hiwa pati na rin ang pipino nilagay ko lahat yun sa iisang bowl tsaka nilagyan ng peanut butter na may toyo at bagoong.

Sarap na sarap ako sa kinakain ko pero biglang pumasok sa isip ko si layrae. Kaya kinuha ko yung laptop ko para makapag vc sakanya. Di niya rin naman pinatagal pa at sinagot na.

"Hi!!Hello!! aui my dearrr!!" Lakas ng energy neto ah..

"Layrae may sasabihin ako..."

"Bakit may nangyari ba?? nag away ba kayo ni maive??" bat di nalang kaya mag sabi ng ANO si layrae.

"Weyt may kukunin lang ako..." dahan dahan lang ang pagtayo ko halatang ingat na ingat sa bawat kilos. Kinuha ko naman yung pt at litrato ng ultrasound ko kanina para ipakita sakanya

"Im almost 7 weeks pregnant Layrae..." Sabi ko sakanya at agad ipinakita ang pt at litrato. Tumalon talon pa siya habang hawak ang bibig na gulat na masaya.

"Oh my gosh ilan sila baby aui?? girl or boy??bakla ba o tomboy??" the fuck layrae

"Ano ka ba lay!! Anong ilan sila?? Tanga ka ba 7 week pa nga lang dba kaya di ko alam kung ilan at kung anong gender wag ka ngang masyadong excited diyan!!"

"Okay dear sorry naman.... pero alam na ba yan ni papa maive??" Di ko nga alam kung kailan uuwi eh...

"Hindi pa..."

"eh kailan mo naman sasabihin??"

"Sa birthday niya eto ang ireregalo ko..."

"Tumpak ka dyan Aui my love!! sigurado ako na magpaparty yun ng limang beses!!"

"Ewan ko sayo layrae magpapahinga muna ako..."

"Pahinga well aui my honey iloveyou mwuahhh"

"Iloveyou lay.."

Pagkatapos ng tawag na yun inubos ko lang yung pinagkainan ko at inilipit. Pumunta na rin ako ng banyo para makapaglinis ng katawan dahil galing ako sa byahe at pagod ako gustong gusto kong matulog kaya pagkatapos ko mag linis ganon na lang ako kabilis makatulog...

The Nectar of PainWhere stories live. Discover now