Chapter 7

8 3 0
                                    

Tapos nako sa pagluto at naka kain na rin pero si layrae tulog pa rin. Sinimulan ko nalang na gawin yung activities namin sa school habang hinihintay siyang magising.

"Oh my gosh aui my baby!!"akala ko kung ano na nangyari kaya napatingin naman kaagad ako sakanya. Bagong gising ang bruha na may hawak ng salamin syempre ano pa nga bang ginagawa niya edi nanalamin.

"Aui my honey!!!Ba't ang ganda ko??!!" the fuck bagong gising nag ingay agad ng dahil lang sa nagagandahan siya sa sarili niya baliw talaga kahit kailan

"Alam mo lay gutom ka lang kaya kung ako sayo kumain kana at simulan mo na yung mga plates mo tsk"

"Subuan moko Aui my dear" nagpa cute pa nga amp.

"Layrae may kamay ka" inirapan niya lang ako tas pumunta na ng cr para mag hilamos at nag mumog bago kumain.

Nagpatugtog ako ng music, slow and reverb lahat ng music na nasa playlist ko ansarap kasing pakinggan lalo na pag sad songs. Kumuha lang ako ng highlighter at iba pang gamit bago bumalik sa pag aral, hinighlight ko lang yung mga importante atsaka ginawa na rin yung mga activities na hindi masyadong mahirap.

"Ako'y alipin ng pagibig mo~"

"Handang ibigin ang isang tulad mo~"

"Hanggat ang puso mo'y saakin lang~"

"Hindi kana malilinlang, ikaw ang ilaw sa dilim~"

"At ang liwanag ng mga butuin~"

Wala na sinabayan na yung kanta, sino pa nga ba yung sumabay edi ang nag iisang bruha sa bahay na palaging nag papaconcert. Kung gusto niyong pumunta mag sabi lang kayo free lang just ready your ears sa mga pamalakasang birit ni Layrae .

Gagawa na nga lang ng plates nag rereklamo pa bat daw ang dami tas hindi niya daw kakayanin yun na gawin at sumasakit talaga daw yung ulo niya. Tinapunan ko nalang ng tingin at di na pinansin.Nakaupo siya at nakaharap sa study table niya na tambak sa mga gamit.

"Aui my honey mag archi kana lang din para matulungan moko, tutal magaling ka rin naman mag drawing mas magaling ka pa nga keysa sakin eh."

"Mag aarchi ako lay kung gusto ko hindi yung pipilitin moko mag archi para lang matulungan ka, di ko kasalanan na nagpakalasing ka at sumasakit ngayon yang ulo mo. Iuntog mo sa pader para mawala"

"Ang sama mo sakin may kasalanan ka nga rin eh."

"Ano??"

"Sino yung hot na guy na kausap mo ha??At di moko pinigilan na uminom kasalanan mo din yun no!!" pinaalala pa talaga yung lalaki na yun pero di ko na matandaan yung pangalan eh di naman importante.

"Di ko yun kilala."

Daming dada ng babaeng to kaya nag bingi bingihan na lang ako at yun nga sa wakas tumigil na din at gumawa na rin ng plates niya.

2 am na ng makatapos ko yung iba sa mga ginagawa ko konti nalang yung mga natira at gagawin ko yun bukas ng umaga dahil magsisimba kami pagkahapon. Di na kami nakapaglunch dahil busog kami kaya napagdesisyunann ko nalang na mag take out ng fastfood. Busy na busy si lay dahil di niya napansin na lumabas ako ng kwarto at wala naman talaga akong balak mag paalam dahil sasama lang yun.

Burger, nuggets and fries na may kasamang mcfloat ang binili ko at nilapag ko yun sa harap niya kaya kuminang naman kaagad ang mga mata niya.

Pagkatapos namin kumain, niligpit ko na agad yung mga kalat namin dahil balik sa mga plates na agad si lay. Napagdesisyunan ko na rin na lumabas para magpahangin. Nakaupo ako sa may  swing sa tapat ng bahay ng ma isipan ko na puntahan ang parte ng bakuran namin kung nasaan ko nilibing ang mga gamit ng kapatid at ng mga magulang ko. Nilinis ko ito winalisan at kinunan ng damo sa palagid kung nasaan ang nag iisang bulaklak na tinanim ko sa ibabaw neto diniligan ko na rin ang bulaklak para naman gumanda atsaka naupo sa harap neto ng nakangiti. Maraming pumapasok sa isip ko habang nakatulala lang ako kaya di ko namalayan na may tumulo na pala na luha sa mga mata ko, bago pako umiyak ng tudo ay pinunasan ko na yung naunang tumulo na luha atsaka tumayo para bumalik sa loob

The Nectar of PainWhere stories live. Discover now