Chapter 3

13 2 0
                                    

Its sunday and its church day too

Naghahanda nako ng susuotin kong formal dress ng marinig kong kumakanta sa cr ang bruhilda. Di ata makokompleto pagligo neto kung di kakanta eh kaya palaging nagtatagal sa cr tsk.

"oh baby baby baby Auiiiiii!!~" kita mo dinamay pa pangalan ko

"When you touch me like this!~"

"And when you hold me like that!!~"

Mawawalan na ata to ng hangin kakabirit eh

"Ano ba yan Lay baka umulan pa niyan eh!"

"Heh! inggit ka lang sa mala dyosa kong boses my baby aui"  nakakadiri na talaga tong babaeng to

Pagkatapos ng malakasang concert ni Layrae ay ako na sumunod na naligo di rin naman ako nag tagal sa pagligo di kagaya nung bruha na yun na aabutin pa ata ng susunod na taon. Sinuot ko ang dress ko na kulay puti matchy- matchy kami ni layrae dahil yun daw ang gusto niya para naman daw mag mukha kaming kambal .

Habang pinapatuyo ko ang buhok ko siya naman ay naglalagay na ng kaniyang sandals.

"Auii my love ipagdasal mo mamaya na sana bukas wala ng bully na aabang sayo ha kung ayaw mong maging demonyo ang dyosang mukhang to " sabi niya sakin habang nag papacute na parang bata sa harapan ko

speaking of bully nasa college nako pero yung mga yun akala mo di naka ranas ng highschool eh kaya ngayon na isipang mang bully at ako pa talaga ang target nila eh wala naman akong ginawang masama sakanila . Minsan ko na nga rin silang tinanong kung bakit ako yung pinagdiskitahan nila eh ang sagot ba naman "ang hinhin mo eh" Alangan namang mag wala ako sa school o di kaya susuntokin ko lahat ng estudyante dun para masabing di nako mahinhin .

Pagkarating namin sa simbahan ay nag sisimula na ang misa kaya naman nag dasal na rin kami. Routine na rin namin to every sunday na kahit sobrang busy sa school ay hindi dapat kinakalimutan ang mag simba. Ipinagdasal ko palagi ang aking mga magulang at kapatid at pati narin tong babaeng nasa tabi ko .

"Lay congrats nawala na yung sungay mo!!" Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh ansakit na agad ng tingin sakin pero syempre kampanti ako na di niyako mapapatay sa tinginan lang dahil kakagaling niya lang sa simbahan eh

" Magpakasaya ka ngayon Aui my honey dahil siguraduhin mo munang nadinig ang dasal mo na walang ng bully bukas tsk"  Kahit ipagdasal ko pa sila sa lahat ng simbahan nasakanila na yun kung titigilan nila ako

Kumain muna kami bago umuwi sa bahay gabi narin at nag pahinga na kami dahil may pasok pa bukas . Kaya naman kinaumagahan nasanay nako na si Layrae ang nagsisilbing alarm clock ko.

"Lumalamig ang gabi~"

"Hindi na tulad ng dati~"

"May pag asa pa ba , kung susuko kana~"

"Larawan mo ba'y lulukutin ko na~"

"Sa hirap at ginhawa tayo ay nagsama~"

"Damdamin mo tila'y nag bago na~"

" Ikaw at ako ay alaala nalang , kung susuko kana~"

Nagiinarte pa na parang broken tong babaeng to habang hawak ang sandok bilang mic niya. Nagpupunas pa kunwari ng mga luha at yinayakap yung sarili na kala mo iniwan eh wala ngang jowa .

"Oh aui my sweetheart good morning"

"Mornin"

"Wala bang good sa morning mo kaya mornin nalang yung sinabi mo??" nasusunog na yung niluluto niya di pa niya napapansin

"Lay sunog na yung niluluto mo , naku naman" umarte pa na parang nagulat bago pinatay ang gas stove ang galing talaga ng babaeng to

Kahit sunog yung niluto niya proud pa rin siya kaya dinali dali ko nalang yung pagkain, ayaw ko sanang kainin kaso baka umiyak na parang bata to kaya no choice ako subo ng kanin tas inom agad ng tubig yung ginawa ko

Pagkatapos kumain ako na nagligpit dahil naligo na siya at naligo na rin ako sa kabilang cr di ko na kayang hintayin pa yung babaeng yun at baka ma late pa kami . Kahit mas nauna siyang naligo at nahuli ako di nako nagulat na sabay pa kaming nag suot ng uniform namin.

The Nectar of PainWhere stories live. Discover now