Akala ko lang pala......akala ko lang pala na di niya yun sinasadya..... akala ko dala lang yun ng pagod niya pero hindi. Napatunayan ko na hindi lang yun dala ng pagod niya dahil kahit hindi siya pagod ay sinasaktan niya parin ako at ganon lang din ang pag proteksyon ko sa aking tyan upang hindi niya matamaan.
Binabato niya ako ng kahit anong mahahawakan niya...Pinapatulog sa labas kapag galit na galit minsan naman tinatadyakan sa likuran at pinapalo ng kung ano ano minsan di rin ma iwasan na pukpokin niya ako sa ulo ng mga kutsara at kung ano pang mahawakan.
Natatakot na ko di ko rin magawang sabihin na buntis ako dahil baka yung ang punteryahin niya. Natatakot ako para sa anak namin kaya na isipan ko na umalis muna.
Pupunta ako sa dating bahay ko....sa bahay ng mga magulang ko dun muna ako baka sakaling lumamig ang ulo niya at makapagisip ng maayos.
Pagkadating ko ng bahay agad kong kinuha ang susi sa bag ko para buksan ang pito. Tumambad sakin ang madalim na sala kaya agad kong hinanap ang swtich nun at inon. Diretso sa kwarto na kaagad ako para mag pahinga ng makita ko ang litrato naming apat ng mga magulang ko.
Mama, papa may apo na po kayo.... sid may pamangkin kana oh HAHAHAH ang bilis lang ng panahon ma, pa sa susunod mahahawakan ko na ang anak ko, may makakasama na ako at di na ako malukungkot at mababagot pa. Gabayan niyo po sana ako habang pinagbubuntis ko ang apo at pamangkin niyo. Pangako ko po mama at papa na magiging mabait na mommy po ako sa anak ko at sa magiging anak ko pa, papalakihin ko ang anak ko kagaya ng pagpapalaki niyo sa amin ni sid..... Mahal na mahal ko kayong tatlo.
Hihiga na sana ako sa kama ko ng biglang may kumatok sa pinto. Di muna ako lumpit dun dahil palakas ng palakas ang katok. Maaring si maive yun dahil kung sakaling umalis man ako sa bahay namin dito lang din naman ako hahanapin.
Baka lumamig na yung ulo niya at susunduin niya ako kaso bakit lahat nalang ng inaakala ko mali tsk.
Pinagsisipa niya ang pinto habang sumisigaw halatang galit na galit na. Di ko alam ang gagawin ko kaya na upo na lang ako sa sulok ng kuwarto ko at umiyak. Tinakpan ko ang bibig ko dahil palakas na ng palakas ang pagiyan ko dala ng takot.
"Aurelia!!!Lumabas ka diyan!!! Wag mo ng hintayin pa na pasukin kita!!!!"
Mas natataranta ako sa bawat sigaw niya. Siya ang taong pinakasalan ko pero yung takot na nararamdaman ko sumosobra na, nawawala na yung pagmamahal. Sobra sobra ang kaba na nararamdaman ko lalo na ng maramdam ko na pinasok na niya nga ang bahay at Mas namutla na lang ata ako ng maramdaman ko ang katok niya sa kuwarto ko.
"Alam kong nandiyan ka!!Lumabas ka kung ayaw na ma saktan pa kita!!"
Gusto kong tumato, gustong gusto ko na pagbuksan siya ng pinto kaso nananaig ang takot na nararamdaman ko. Iniisip ko pa lang siya sobra na ang takot ko.... Mahal niya pa ba ako?? katangahan ang sagot pag oo
Kung mahal ko pa rin ba siya ang tanong sa akin sigurado akong di ko alam ang sagot dahil puno ng takot ang nararamdaman ko. Para siyang isang Mabangis na hayop na kailangan kong iwasan. Napagitla na lang ako sa kinauupuan ko ng bigla niyang sipain nag pinto ng kwarto ko na ikinadahilan naman ng pagwasak nun at madali siyang nakapasok.
Napatingin tingin siya sa paligid hanggang sa dumapo ang tingin niya sakin. Yung tingin niya.... kayang kaya na nun pumatay ng isang tao.
Agad niya akong nilapitan at marahas na hinatak. Pagsinabi ko ba na buntis ako ngayon din titigalan niya ba ako?? Kaso wala nananaig pa rin ang takot ko sakanya.
Pilit niya akong pinasok sa sasakyan niya at nagmaneho siya ng napakabilis halos lumabas na ang kaluluwa ko sa katawan ko sa sobrang bilis. Napapikit nalang ako at nagdasal na sana naman bagalan niya at sana kakausapin niya lang ako mamaya.
Pero di napakinggan ang dasal ko at marahas niya akong hinatak pababa ng sasakyan at hinatak papasok ng sasakyan.
"Wag na wag kang magbabalak na aalis pang putangina ka!!" galit na galit siya halos lumuwa na ang kaniyang mga mata sa sobrang galit sakin.
Agad niya akong sinampal kaliwa't kanan at sinuntok sa may bandang balikat. Takot ako na matamaan niya ang tyan ko kaya bawat sutok niya ay ganon din ang iwas ko. Dinuraan niya muna ako bago hinayaan lang dito sa sala at siya naman ay pumasok na sa kuwarto
Pasain ako na tao kaya ganon na lang kadali ang paglitaw ng mga pasa ko agad ko naman iyon nilagyan ng ice. Nakakapanghina na pero kailangan kong maging matatag.....
YOU ARE READING
The Nectar of Pain
Teen FictionAurelia ask her whole being if she was cursed by just because of the pain she was experiencing