"Ready na po ba kayo maam??" tanong ng wedding organizer namin. Kinakabahan naman akong tumango sakanya.
Ngayon ang araw ng kasal ko at di naka punta si layrae dahil daw sa emergency at naintindihan ko naman yun.
Nandito ako ngayon nakatayo at nakaharap sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal namin. Ang lugar kung saan magaganap ang seremonya upang legal na kaming mag asawa ni Maive.
Wala pa nga naiiyak nako ano nalang kaya kapag nasaharap na niya ako. Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ng simbahan ay inangat ko ang tingin ko anlayo niya sa pwestong kinaroroonan ko ngayon. Ng nagsimula akong ma lakad at ganon din ang pagsimula ng tugtog.
Dahan dahan lang akong naglakad iniisip na nasatabi ko si papa at inaalalayan akong makarating sa altar kung saan naghihintay ang taong mahal ko. Napapangiti na lang ako ng makitang anlapit ko na sakanya at ng makarating na nga ako sa harap niya ay agad niya akong inalalayan papunta sa harap para makasimula na ang pari.
Nanginginig ako sa kaba at saya habang Sinasabi ang wedding vows ko sakanya.
I,Aurelia Amabel Zabini, accept you, Vesper Maive Saffron, as my lawful partner.To have and to hold for this day forward , for better and for worse, for richer and poorer, in sickness and in health, until death do us part...
"You may now kiss the bride.." Agad naman na pumalakpak ang mga tao pagkatapos akong halikan ni maive. Kahit ang bigat ko ay binuhat niya parin ako papunta sa sasakyan para maihatid kami sa reception.
Church wedding kami pero ang reception namin ay nasa garden ng isang hotel. Pagkarating namin dun marami ng bisita at nakahanda na rin ang lahat lahat. Pagkain, cake at mga inomin.
Ng Makarating na ang lahat ng mga bisita namin ay nag simula na ang program. Kung saan nagsusubuan kami ng cake at nagsayaw sa gitna ng lahat. Wala kahit ni isang pagod akong nararamdaman habang naglilibot kami para magpasalamat sa mga bisita namin na dumalo siyempre di ma iwasan ang picture picture.....sayang nga lang at walang layrae na nakarating.
Natapos na namin kakalibot ang mga bisita namin para magpasalamat ng biglang tumawag si Layrae.
"Oh my goshhhh babyyy aui ang ganda mo!!! ikaw na ang pinakamagandang bríde na nakita ko!!!!"
"Lay sayang ikaw dapat ang makasalo ng bouquet ko eh kaso wala ka dito mandadaya pa naman sana ako kung nandito ka"
"Ano ka ba aui magpakasal ka nalang ulit kapag nakauwi ako HAHAHAH" kala sakin nito ang yaman yaman eh
Gusto niyang makita ang reception kaya inilibot ko siya, pinagbigyan dahil wala siya dito. Ang daldal niya sobra at paulit ulit lang din na wow at oh my gosh ang sinasabi halatang gandang ganda sa reception. At dahil siya si layrae bago matapos ang call ay binigyan niya ako ng isang pamalakasang concert.
"Okay sa lahat ng mga brides maid magtipon tipon na kayo dahil maghahagis na ng bouquet ang bride natin ang sa mga grooms men naman diyan mag ready na rin kayo...."
pumwesto nako sa harap at nag bilang na sila kaya inihagis ko ang bulaklak. Swerte ng babaeng matangkad at maganda dahil siya ang nakakuha nun.
Sunod na kinuha ni maive sa legs ko ang garter at para maihagis na rin sa mga grooms men. Natawa na lang ako sa isang lalaki na determinado na makuha yun dahil halatang may gusto siya sa babae kaya ang ginawa ng iba nag kunwaring di magpapatalo pero nung inihagis na ni maive ang Garter ay siya na lang ang natira sa gitna dahil nagpaubaya na yung iba.
Masaya niya yun na sinalo at tinawanan na lang namin siya dahil namumula na habang sinusuot yun sa babae hiyang hiya dahil sa pangaasar.
Nagpasalamat na kami ni Maive sa mga bisitang nag dalo pati na rin sa mga parents nito.
Pagkarating namin sa hotel room namin ay maghuhubad na sana ako ng gown kaso di ko maabot yung zipper.
"Babe pababa naman oh please..." agad naman siyang lumapit sakin at ginawa ang sinabi ko ngunit yakap agad ang ginawa niya at pinaulanan ng halik ang likuran ko.
Gaya ng ibang bagong kasal ay meron ding nangyari samin ni Maive.....
YOU ARE READING
The Nectar of Pain
Teen FictionAurelia ask her whole being if she was cursed by just because of the pain she was experiencing