"good morning, welcome on board ma'am" nakangiting bati ko sa huling pasahero ng flight ko ngayon. Korea to Philippines ang flight namin ngayon kaya medyo excited na rin akong makauwi dahil di mapagsanto ang schedule namin ni Lay kaya minsan lang kami mag kita kahit nasa iisang bahay lang.
Pumwesto na kami sa mga sa harap ng pasahero para mag performed ng safety demonstration habang umaandar ang eroplano papunta sa runway.
"Cabin crew, please take your seats for take off." sinunod naman agad namin ang sinabi ni captain
We waited for the seatbelt to turned off para makabalik na kami agad sa pagtrabaho. May kasama akong isang cabin crew din na naghahanda ng pagkain pero nauna akong lumabas para mamigay sa mga pasahero.
Naging magaan ang byahe namin hanggang sa malapit na kami lumapag.
"Cabin crew, please take you seats for landing" agad naming sinunod yun
Pagkatapos naming mag pasalamat sa mga pasahero sa pagpili ng aming airline, we checked the cabin again tas hintay nalang sa mga piloto bago umalis.
Diritso uwi nako kaagad kahit pagod kinaya ko pa rin naman na makapagdrive. Slow and reverb music lang ang mga pinatugtog ko na isang pagkakamali ko ata na ginawa ko yun dahil na dagdagan lang ang antok ko.
Di nako kumatok at diretso pasok na kaagad sa bahay. Its been 2 years na pero magkasama parin kami ng babaeng to sa bahay and im so thankful for that at least di ako nagmumulto- multuhan dito sa bahay.
Nilapag ko sa likod ng pintuan ang heels na sinuot ko kanina at yung maleta ko naman nasa sala parin. Tulog si Layrae pagkapasok ko ng kwarto kaya bumalik na lang ako ng sala para kunin ang luggage ko at Kinuha yung mga damit na nagamit ko na at inilagay sa laundry bago naligo at natulog. Pagod at antok nako eh kaya ganon na lang kadali ang pagkatulog ko.
"Good morning sunshine babyyy aui!!"
"Lay ano ba ang ingay mo!!" tinakpan ko pa ng unan ang tenga ko pero wala-effect matinis talaga boses ng babaeng to.
"Hoy!! bumangon kana diyan at kumain!! alas otso na oh!"
"Inaantok pako lay 1 am kaya uwi ko kanina." palibhasa drawing at punta lang ng site ginagawa ng babaeng to eh minsan nga tinatamad pa.
Balik na sana ako ulit sa pag tulog ng bigla akong makaramdam ng mabigat na nakapatong sakin kaya agad naman akong napadaing. Ang kulit talaga neto eh siya kaya gumawa ng trabaho ko.
"Aui my love bangon kana ngayon na lang ulit tayo magbobonding oh....Nakalista na kaya yung mga gagawin natin. First breakfast outside pero dahil eight na nga ng umaga brunch nalang tayo. Second Shopping for more clothes and buy some skincare and then last Let's go party party babyyyy!!!" tatlo lang naman ang gagawin pero yung sa huli ata ako mapapagod niyan. Mapapagod kakabantay sakanya.
"Oo na babangon na tsk!"
Tumulala muna ako bago pumuntang banyo para maligo. Sleeveless crop top, skirt at high heels with white shoulder bag outfit ko yan ngayon. Si layrae naman naka shorts at crop top with high heels boots, gaya ng dati wala parin siyang dala na shoulder bag o kahit pouch lang dahil makakalimutin siya. Baka maiwan daw niya ng di sinasadya.
Bago kami umalis may inabot sakin yung bruha kaya nagtaka naman ako. Tapos na ang birthday ko pero may paregalo pa siya.
"Pinapabigay ng manliligaw mo!Sanaol!!hihihi." Nag iisa lang ang manliligaw ko at walang iba kundi si maive
Pagkatapos ng grad ko nun nag kita ulit kasi kami sa bar di siya makalapit sakin kaya kaibigan ko yung kinaibigan niya kaya napalapit sakin. Nagumpisa na rin siya nun na manligaw pero tinggihan ko naman ngunit ang sabi niya Hayaan mo lang ako na ligawan ka pls... Kaya hinayaan ko na kaya umabot na ng year and months ang pa liligaw niya sakin.
Necklace na may maliit na pendant na eroplano ang laman nun. Napangiti naman ako kaagad dahil ang ganda sobra....
"Hayst ano ba yan ako yung naghahanap ng engineer, sa bestfriend ko naman binigay baka pilot na yung para sakin. Bes hanapan moko dali!!" Engineer nga si Maive at minsan nagsasama sila sa iisang project.
Si lay ang pumili ng restaurant at siya din ang umorder pero pagkatapos kumain ako naman ang nag bayad. Pagpili ng restaurant ang pag order lang daw ang ambag niya ok na yun daw, pero di man lang tinanong kung ok ba sakin.
YOU ARE READING
The Nectar of Pain
Teen FictionAurelia ask her whole being if she was cursed by just because of the pain she was experiencing