Chapter 22

5 2 0
                                    

UNDER??

Di kami naging under sa isa't isa ni maive nung nasa girlfriend and boyfriend stage pa lang kami pero ngayon na mag asawa na kami parang gusto niya na siya ang palaging masunod kaya sinusunod ko naman pero may isa siyang utos na pwedeng makabali sa mga pakpak ko.

Gusto niya na magresign ako sa pagiging flight attendant ko dahil gusto niya na siya lang ang magtratrabaho para sa aming dalawa. Years na rin ang kinatagal ko sa pangarap ko na trabaho and for me thats not enough. Gusto kong magtagal sa trabahong yun ngunit takot din ako na mag away kami ni Maive kaya ginawa ko nalang ang gusto niya.

Maaga akong nagising para makapaghanda na ng breakfast ni Maive at para sa lunch niya na babaunin. May sariling bahay kami ni Maive, pinatayo niya to bago kami nagpakasal at gusto niya na ibenta nalang yung bahay ng parents ko pero tumangi ako at sinabi na may mahahalagang bagay dun na ibinaon ko.

Fried rice, bacon and egg for breakfast at sa lunch naman rice, adobo and fruits na inilagay ko sa bento box niya.

House wife na lang ako ngayon dahil yun ang gusto niya at pinagsilbihan ko naman siya. Nilagyan ng kanin at ulam sa plato at tubig naman sa baso niya bago ako umupo sa upuan ko at sinimulan na din ang pagkain ko.

Minutes passed at ready na siyang umalis for work. Lumapit ako sakanya bago humalik at sinuklian niya naman iyon. I wave my hands for goodbye at pumasok na ng bahay pagkatapos.

Wala akong magawa kaya nag linis na lang ako ng bahay. Everyday linis nalang ang gagawin ko para naman di ako ma bored. Minsan na lang kasi nag Vvc si Layrae dahil busy at wala naman na akong iba pang kaibigan. Di ko naman ma aaya yung kapitbahay na mag inoman dahil lagot ako sa husband ko at mga matatanda lang din naman yung mga kapitbahay namin.

Maliit lang ang mga damit sa laundry basket namin pero nilagay ko na sa washing para malabhan. Nag walis na rin ako sa sala at sa loob ng mga kwarto pagkatapos nun mop naman.

Hugas ng pinggan next ko na ginawa at nag dilig na rin ng mga halaman. Kahit na di ako plantita....

Binalikan ko yung mga damit na nasa washing at binanlawan para masampay na. Yun an rin ang huling ginawa ko dahil na linis ko naman na lahat at kakalinis ko lang din naman kahapon at paniguradong maglilinis na naman ako bukas.

Ganito na ba talaga ang buhay may asawa?? bat sa iba hindi naman ganito. Si maive nag iba na rin pagkatapos ng kasal namin. Pinapakita niya na siya ang dapat na masunod sa bahay na to at kung hindi ako susunod talagang masasaktan daw ako. Eh dati nga di niya ako makuhang mapagsabihan ng ganyan nag iiba ba talaga ang lahat pagkatapos ng kasal? Kapag ba pagmamayari mo na ang isang tao kailangan kontrolado na? kaso mahal ko eh kaya walang reklamo at di pagsunod na naganap

Naligo na lang ako at kumain dahil nagutom sa paglilinis pagkatapos nun movie marathon ng mag isa masaya sana kung kasama si Layrae eh....

Ganon na ba ka lungkot ang movie at di ko namalayan na nakatulog nako? 3 pm na nga magising ako kaya pumunta ako ng kitchen para magtimpla ng kape. Dinala ko yun sa labas ng bahay para magpahingin na rin habang nagkakape. Ang tagal ng 5 pm dun na man kasi ako kikilos para sa dinner namin dahil nakakabagot ng maupo lang sa tabi.

Naghahanda na ako para sa dinner. Sinigang at pritong isda ang lulutuin ko kaya inayos ko na ang mga sangkap para makapagsimula na. Ng matapos naman ako sa pagluto umupo ako ng sofa para hintayin si maive na umuwi. 8 na pero di pa rin siya nakarating dati kasi 6:30 pa lang nakarating na siya eh.

Naalimpungatan ako sa sofa pero wala akong maive na nakita ng tignan ko ang relo malapit ng mag 9 akala ko traffic lang siya eh pero ng tignan ko yung phone ko nag chat siya na di daw makakauwi dahil dun matutulog.

Nauwi sa wala ang paghihintay ko kaya kumain na lang ako para makatulog na rin.Di ko na ininit pa yung mga nalamig ng pagkain dahil ako lang din naman ang kakain. Nilagay ko nalang sa ref ang mga na tira at naglinis na ng katawan para makapagpahinga na rin.

The Nectar of PainWhere stories live. Discover now