Chapter 18

4 2 0
                                    

"Can i have this dress aui my honey??" Nagiimpake na siya ngayon ng mga damit niya at gusto niyang humingi ng mga damit ko dahil aabutin daw ng years bago siya makauwi ulit dito at di niya rin alam kung may bakasyon ba na magaganap.

Tumango nalang ako kaya sayang saya siya na ilagay yun sa maleta niya. Dati ang saya saya ko kapag nag iimpake ng damit ko na dadahil kapag may flight pero ngayon ito na yata ang flight na di kasaya saya sakin. Sabay kaming nag iimpake ngayon.

"Baby aui may flight ka bukas??"

"Oo at sabay na rin tayo papuntang airport......Dubai yung flight ko kaya mauuna parin ang flight namin at susunod yung sainyo." Di ko sinabi at di ko sasabihin na isa ako sa mga flight attendants ng flight niya. Kaso ang pangit na ihahatid ko pa yung kaibigan ko mas madadagdagan lang yung sakit at pagkamiss ko sakanya pero bahala na.

"Aui babes ito yung dress ko palit to sa kinuha ko kanina..... at eto namang skirt ko sayo na to at pati na rin tong kwintas ko sayo na. Yung crop top mo pala akin nalang yun ahh HAHAHA" nilagay niya sa kama ko yung dress at skirt niya na ibibigay daw sakin at sinuot niya rin yung kwintas sakin. Ang peke ng tawa mo lay pati na rin yang mga ngiti mo napaka pekeng tignan.....

"Weyt ka lang ah kukunin ko muna yung crop top mo na nakasampay HAHAHAHHA....." Pagkalabas niya ng kwarto dun ko naman kinuha ang letter na tinago ko sa study table ko. Inipit ko yun sa may black na dress niya na nakalagay sa pinakagitna. Pagkatapos kong gawin yun tumayo na ko at pinagilid yung maleta ko na para sa flight ko at humiga sa kama hawak yung phone.

to: Maive
Work babe??

from: Maive
yes baby.... Hows your day??

to: Maive
getting sad. I will miss layrae babe.

from:Maive
its okay dont be sad na you will look ugly sige ka..

She will miss you rin naman. Kaya mas mabuti pang ispend mo nalang yung ilang hours na kasama siya mag saya kayo ulit. Dont worry about me i understand naman kung bakit sakanya muna yung time mo. i have to go babyyy iloveyou.....

to: Maive
iloveyou take care....

Buti nalang at understanding siyang tao at tama nga mag saya nalang muna kami ulit bukas nalang yung iyakan. Lumabas ako ng bahay dahil ang tagal namang bumalik ni layrae.

At yun na nga umiiyak mag isa habang hawak yung damit ko. Ginawa niyang pamunas sa luha at sipon. Ok na sana kung luha lang eh kaso pati ba naman sipon.

Bumalik na lang ako ulit sa loob dahil ayoko na malaman niya na nakita ko siya na umiiyak dahil baka mag iyakan na lang kami imbis na magsaya. Isinantabi ko muna ang lungkot at yung mga luha ko pinipigilan ko. Reserve na to para bukas.

Inilabas ko yung Gin at pinaghalo sa juice. Afternoon pa lang pero magiinuman na kami dahil kung mamayang gabi baka ma late kaming pareho sa flight. By 6 am dapat nasa airport na kami eh.

Pagkatapos kong haluin yun nilabas ko na rin yung snacks na pinamili ko nung nasa japan ako at korea.

Ang galing ni Lay. Sobrang galing bumalik kasi siya na di halatang umiyak kung di ko lang siya nakita kanina baka isipin kong natagalan siya dahil nadapa sa maliit na bato.

"Inuman yarn.Wayt moko aui my loves wag kang madaya ako ang unang iinom" Kahit sa inuman matakaw pa rin

Akala ko maglalakad lang siya ng mabilis para makabalik ulit kaso takbo ba naman ginawa kaya hingal na hingal pagkabalik. Naalala ko yung sinabi niyang runner siya kaya wag daw akong magalala na baka ma late siya, Runner na mabilis hingalin pala to. Kung yung sala at kwarto ko lang naman yung tinakbo hiningal na yun pa kayang building ng mga tourism papunta sa building nilang mga archi ang tinakbo edi parang buong araw siyang naghanap ng oxygen nun.

"Akin first shot ahh" Akala ko konti konti lang yung pagtagay niya kaso pinuno ba naman ang baso niya at ininum ng diresiretso akala niya ata tubig na may coloring yung ininom eh.

Kinuha niya yung isang pack ng chichirya at kinain yun habang nagtatagay .Siya daw yung tagalagay.

Ako lang to yung binully sa school dahil mahinhin at pinagtripan para makuha ang katawan. Mahinhin na umiinom at kayang mag walwal HAHAHAHHA.

Nang maubos na namin yung minix ko kanina siya naman daw ang magmix ng gin at juice kaya pinayagan ko naman. Saming dalawa ako yung may pinakamataas ng alcohol tolerance pero ako yung konti uminom dahil ayaw malasing napansin ko lang naman na ang taas ng alcohol tolerance ko nung ako lang yung nagiisang nakatayo matapos maubos yung tatlong case ng beer. At kung sino pa talaga yung may mababang tolerance siya pa talaga yung grabe uminom kaya mamaya wala na to, tumba na.

Di ngako nagkamali ilang hours pa lang ang lumipas layrae niyo tumba na. Nakadapa sa sala habang nakanganga na natutulog ang kyut kaya dali dali ko siyang pinicturan. Kumuha na din ako ng kumot at unan sa kwarto, dalawang kumot at dalawang unan dahil dun din ako matutulog.

Inayos ko lang yung unan at kinumutan siya para di lamigan. 4 pm pa lang pero matutulog na kami dahil dala ng kalasingan.

The Nectar of PainWhere stories live. Discover now