Chapter 19

4 2 0
                                    

Airport.....kapag may trabaho ako sobrang saya ko dahil makakapagtravel na naman ako pero ngayong araw di ko makuhang maging masaya.

"Aui my honeybunchsugarplum ayoko umiyak.... uwi nalang tayo" kung pwede lang layrae.."Promise ko babalik ako kahit ilang years pa ang lilipas... alam mo naman na kapag nandon nako ilang years pako bago ulit payagan na uuwi dito dba??" Ganon ang mga magulang niya kapag umuwi siya don wala ng bakasyon at ang kailangang gawin ni layrae ay maghintay ng ilang years hanggang sa payagan ulit."i promise na kapag bumalik ulit ako dito magbabar tayo araw araw HAHHAHA. Babyyy aui alagaan mo sarili mo ha ayoko talaga na iwan ka eh kaso wala na akong magawa at isa pa nanjan naman si maive eh siya muna mag aalaga sayo habang wala ako" Nagiging nanay na si layrae, pinilit ko na rin naman na ngumiti sakanya kahit na yung mga luha ko nag uunahan na naman

"Layrae di ito yung last natin na pagkikita okay??Kaya tahan na....Aabutin pa ng taon bago ang susunod pero promise ko ikaw lang ang bestfriend ko.... alam mo naman na minsan lang ako mag promise dba??Alagaan mo lang ang sarili mo magiging masaya nako at tuparin mo pa yung iba mong mga pangarap mahal kita lay alam mo yan...."Wala na nag iyakan na kami, aayusin ko lang ulit yung make up ko .

"Take care Lay, ako ng bahala sa bestfriend mo"

"Aasahan kita maive wag mong paiiyakin yan...Lagot ka sakin kapag malaman ko na umiyak yan." Nagbabanta talaga si layrae kaya tumawa nalang sakanya si Maive

"Bye mr engineer alagaan mo si ms flight attendant..."

"Bye ms architect...."

Niyakap ko ng mahigpit na mahigpit si lay tipong ayaw ko na talagang bitawan. Nag paalam na rin na uuwi si maive dahil may trabaho pa siya at para makapagusap na rin muna kami ni layrae. Kaso iyakan ang naganap at hindi usap, iyakin si layrae kaya medyo natagalan ang pagpapatahan ko sakanya.

"Layrae mauuna nako....I love you so much....Vc nalang tayo and send me message from time to time okay??"

"Yes miss flight attendant..... have a pleasant flight today i love you dear"

Hila hila ko ang maleta ko habang naglalakad papuntang cr dahil aayusin ko pa yung nasira kong makeup kakaiyak. Isang mapait na ngiti at buntong hininga ang ginawa ko bago lumabas ng cr at sumabay sa mga flight attendant na naglalakad papunta sa eroplano.

Ilang oras na ang nakalipas at pumwesto nako sa pintuan ng eroplano para alalayan ang pasahero at bumati na rin.

Pasalamat dito at doon ang ginawa ko nakipag goodmorning na din ako hanggang sa yung bestfriend ko na ang babatiin ko.

"Good morning and thankyou for choosing our airline miss Lyrae...." Buong ngiti ang binigay ko sakanya lalo na ng makita ko ang gulat sa kanyang nga mata. Bumulong pa siya sakin kung mali ba yung eroplanong sinakyan niya at aakto pa na bababa sana. Na stuck yung mga pasahero ng dahil sakanya kaya ang nasabi ko nalang surprise.

Nang ma turn off na ng captain ang seatbelt sign ay tumayo nako kaagad para masimulan ng mamigay ng pagkain sa mga pasahero. Nang makarating ako kay layrae ay natutulog siya kaya ginising ko at binigayan ng kape. Tinanong niya pa ako kung ba't daw isa ako sa mga crew ngayon.

"Hayaan moko lay na mahatid ka...."Pagkatapos kong sabihin yun ay yung kabilang pasahero naman ang binigyan ko.

Maayos ang flight at maayos din ang pagkalapag ng eroplano. Halatang nasa canada na nga kami dahil ang lamig ng simoy ng hangin. Sabi sakin ni lay hihintayin niya daw ako sa labas ng airport pero ang sabi ko ay may service kami kaya sa hotel nalang na pagstayan namin siya didiretso, kuya niya rin naman yung magsusundo sakanya.

Pagkarating namin ng hotel ay ganon din ang paglabas niya sa sasakyan ng kuya niya. Mukhang puputi si layrae sa lamig dito ah.

"Di ka na pupunta ng bahay??"

"Gusto ko sana kaso ang layo ng bahay niyo lay...." 3 hours na byahe bago makarating sa bahay nila galing sa hotel na to.

"aui my honeybunch weyt moko ng ilang years ahh....Dun ulit ako titira at wala akong pake kahit magasawa na kayu nun ni Maive HAHAHAH..... Aui dear haysttt bigyan moko ng pamangkin ahh madaming madami yung gusto ko ahhh basta mahal na mahal kita... Alis na kami..."Kala sakin inahing baboy kung makasabibng marami. Pamangkin sa kaibigan hah!.... Aalis na sila kaya kumaway at ngumiti na lang ang binigay ko pero siya wala iyak ng iyak.

The Nectar of PainWhere stories live. Discover now