Maaga kaming nagising ni Lay kaya sabay narin kaming nag luto ng breakfast namin na crave daw siya sa friedrice na may sunny side up sa taas kaya yun naman yung niluto namin. Pagkatapos kumain ako na nag hugas ng plato dahil tatapusin niya daw yung plates niya at yung sakin naman konti nalang natira kaya pagkatapos kong mag hugas sinimulan ko nalang din yung akin.
Wala kaming pansinan ni lay di na siya nakapag ingay dahil halatang sineseryuso niya yung gingawa niya. Ganon rin naman kahapon pero ngayon kasi walang pa concert na naganap eh.
Pagkatapos ko sa mga gawain ko nag linis nako ng bahay. Inuna ko yung sala namin tas yung kitchen sinunod ko na rin yung mga kwarto.Bed with two pillows lang ang natira sa kwarto ng parents at kapatid ko pinaalis ko na yung ibang gamit na di nasama sa mga nilibing ko. Di ko rin yun papatirahan at ipapagamit sa iba o kahit mag asawa pako di ko yan ipapagamit dahil kahit wala na sila ayaw ko na may umangkin ng dating sakanila kahit yung mga yan lang ipagdadamot ko talaga.
Winalisan ko nalang yung mga kwarto at kinuha yung mga alikabok bago ito nilock.Inayos ko na rin yung mga libro sa sala na nakalagay sa maliit book shelf.
" At sa paglisan ng araw akala'y di ka mahal!!~"
"At ang nadarama'y hindi magtatagal!!~"
"Malay ko bang hindi magpapagal~"
"iibigin kita kahit ganito katagal!!~"
Maganda rin naman yung boses ni layrae kaso minsan nakakarindi na lalo na kapag bumirit nawawala na sa tono. Akala ko wala ng pa concert akala ko lang pala yun dahil tinapos muna yung plates bago magpa concert.
Kahit nakikita nakong nag lilinis di parin ako tinulungan pero mas mabuti na nga yun dahil di naman tulong ang iibgay sakin kundi pagkapasaway.
"My bebe Aui malapit na pala graduation mo no?" hmm 1 month na lang graduate nako trabaho nakaagad. Kaso walang magaakyat sakin sa stage, walang pamilya na mag aantay sakin pagkatapos ng program, bahala na 1 month pa naman.
"Hmm oum Malapit na nga"
"Church day pala natin today sa labas na tayo kumain at pls lang Aui my honey magdasal ka nga na mawala na yung mga bully na yun graduating na kayo oh aishhh.!" tss di kaya sila tinatablan ng dasal di nga ma bulungan ng anghel eh.
Ako na yung naunang naligo saming dalawa ni lay dahil kung siya naman yung mauuna baka magaantay naman akong matapos ang taon bago siya matapos din kakaligo nag koconcert pa yun sa loob eh. Rinig na rinig dito sa labas eh di na niya kailangan ng mic, dahil parang nakalunok na ng mic to
High waist jeans, off shoulder at denim jacket ang suot ko nakapartner na rin sa sandals ko na kulay brown at shoulder bag na sakto lang para malagyan ng panyo, cellphone at wallet. Di rin nagdadala ng bag o shoulder bag si layrae dahil makakalimutin siya kaya yung cp at wallet niya sa bag ko narin mapupunta.
Pagkadating namin sa simbahan di pa nag uumpisa ang misa at tamang tama nakahabol kami ng upuan sa harap .
"Aui my dear look oh pogi ng sakristan"
"Di sakristan ang pinunta natin dito lay umayos ka nga" nakakahiya narinig pa ata siya ng katabi naming matanda kaya di naaalis yung tingin niya kay lay.
Kahit tapos na yung misa at nakalabas na kami ng simbahan yung mata ni lay hinahanap pa rin yung mga sakristan kanina kaya pasimple ko siyang kinurot at sinamaan niya rin ako ng tingin.
"Lay umayos ka nga kahiya kanina tinitignan kana eh!"
"Aui babes its ok kahit di na maalis yung tingin nila sakin i dont care basta ba makuha ko lang yung name ng pogi!!" Halatang kinikilig pa yung bruha aba!! kung eto lang naman yung pinunta niya sa simbahan sa susunod mag isa nalang akong magsisimba
Nagtagal pa siya ng minutes kakahintay sa mga pogi daw na sinasabi niya at magtatagal pa sana kung hindi lang ako nag reklamo na nagugutom nako.
Fastfood is the best lalo na yung jollibee for me kaya dun kami kumain. Sarap an sarap ako sa gravy eh kaya hingi ko narin yung gravy ni lay, di niya rin naman kasi ginagalaw kaya baka masayang lang din.
Bago umuwi pumunta muna kami ng watsons syempre bili ng mga pampaganda o kung ano pang mga keneme keme namin sa katawan.
YOU ARE READING
The Nectar of Pain
Teen FictionAurelia ask her whole being if she was cursed by just because of the pain she was experiencing